GORGY RULA
Ang bongga ng Widows’ War dahil consistent na mataas ang ratings nito.
Obvious na dumarami ang sumusubaybay, dahil kapag maganda ang episode, marami talaga ang nanonood.
Noong nakaraang Biyernes, July 19, 2024, ang intense ng eksena nina Aurora (Jean Garcia) at Sam (Bea Alonzo).
Nakapagtala ang episode na iyon ng 12.3%, na pinakamataas na rating so far ng Widows' War.
Ang katapat nitong Pamilya Sagrado ay naka-7.2% naman.
Read: Bea Alonzo finds doing Widows' War fulfilling but "very draining"

WIDOWS' WAR DOUBLE-DIGIT RATINGS
Nakikitang padagdag nang padagdag ang viewers ng Widows' War kung ibabase sa daily ratings nito.
Tuluy-tuloy nang double-digit ang ratings ng Widows' War simula noong July 15, Lunes, kung saan naka-10.8% ang Widows’ War, at ang Pamilya Sagrado ay naka-6.7%.
Noong Martes, July 16, ay 10.2% ang Widows’ War, at ang Pamilya Sagrado ay 6.9%.
Noong Miyerkules, July 17, sumampa sa 11% ang Widows’ War, at ang Pamilya Sagrado ay 7.1%.
Huwebes, July 18, ay naka-11.1% ang Widows’ War, at ang Pamilya Sagrado ay 7.3%.
Noong Biyernes, July 19, biglang tumalon sa 12.3% ang Widows’ War, kontra sa 7.2% ng Pamilya Sagrado.
Pero noong Lunes, July 22, bumaba sa 10.2% ang Widows' War, at ang Pamilya Sagrado ay 7.3 percent naman.

Lalo pang tumitindi ang drama ng Widows' War kaya inaasahang tataas pa ang ratings nito.
Ang dinig namin ay hanggang December ng taong ito ang kanilang taping, na puwede pang ma-extend kung mapanatili nito ang mataas na ratings.
So far, itong Widows’ War ang pinakamagandang project na nagawa ni Bea Alonzo sa GMA-7 na hindi hilahod sa ratings.
Nasa huling linggo na ngayon ang Black Rider ni Ruru Madrid, at ang sabi sa kanilang press release, ngayon na ang "heroic finale" na mas triple raw ang labanan, iyakan, at kasiyahan hanggang sa pagtatapos nito.
Noong July 19, Biyernes, naka-15.2% ang Black Rider, habang 15.4% ang katapat nitong FPJ's Batang Quiapo.
Noong Lunes, July 22, naka-13.9% ang Black Rider, at 15.9% naman ang FPJ's Batang Quiapo.
Read: Ruru Madrid, Yassi Pressman promise heroic finale of Black Rider
JERRY OLEA
Mataas pa rin ang rating ng Family Feud noong Biyernes, July 19. Hindi na nakausad sa 2%-plus ang katapat nitong Wil To Win.
Narito muna ang ratings sa afternoon block noong araw na yun:
Ang It’s Showtime ay 8.1%, at ang Eat Bulaga! ay 3.9%.
Sumunod ang Abot-Kamay Na Pangarap na naka-9.6%, habang ang rerun ng Dirty Linen ay 0.5%, at ang Frontline Express ay 2.5%.
Ang Lilet Matias: Attorney-At-Law ay 9%, at 0.4% naman ang replay ng Mars Ravelo’s Darna.
Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 5.6%. Ang rerun ng Voltes V Legacy ay 4.5%, at ang Eclipse of the Heart ay 3.1%. Nakatapat nito ang TV Patrol Express na 0.8%.
Ang Family Feud ay 8.6%, at 2.2% naman ang Wil To Win.
MONDAY RATINGS
Lalo pang tumaas ang Family Feud nung Lunes, July 22. Nanggaling kasi ito sa SONA 2024.
Pero simulan muna natin sa It’s Showtime na naka-8.9%, at ang Eat Bulaga! na 4.7%.
Tumaas ang Abot-Kamay na Pangarap na naka-12.7%. Ganun pa rin ang Dirty Linen na 0.4%, pero ang Frontline Express ay naka-3.1%.
Dito na pumasok ang SONA 2024 coverage ng GMA-7 na naka-8.9%.
Pagkatapos ng SONA ay sumunod agad ang Family Feud na naka-10.1%.
Read: Willie Revillame, nagreklamong nahihirapan na sa Wil To Win
NOEL FERRER
Heto naman ang afternoon ratings noong Sabado, July 20:
Ang It’s Showtime ay 8.4%, at ang Eat Bulaga! ay 4%.
Ang Abot-Kamay Na Pangarap ay 9.3%, at ang Dirty Linen ay 0.5%.
Ang Tadhana ay 8.3%, at ang Wish Ko Lang! ay 7.4%. Ang Pinoy Crime Stories ay 6.7%.
Pagdating sa primetime, naka-8.7% ang 24 Oras Weekend. Ang TV Patrol ay 1%, at ang Frontline Weekend ay 1.5%.
Sumunod ang Pepito Manaloto na 8.7%, at ang Rated Korina na 2.2%.
Pataas nang pataas naman ang Running Man Philippines na naka-12.2%, at nakatapat nito ang pagsisimula ng Rainbow Rumble na naka-4.8%.
Mataas din ang Magpakailanman na naka-11.6%, na nakatapat naman ang pagsisimula ng Pinoy Big Brother Gen 11 na naka-3.2%.
Dahil sa madalas na pag-ulan ngayon, marahil nasa bahay lang ang karamihan ng mga tao. Sana, tumaas pang lalo ang viewership sa telebisyon.
