PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jane Oineza at RK Bagatsing, package deal sa pelikula?

Jane Oineza at RK Bagatsing, bida sa Cinemalaya movie Love Child.
by PEP Troika
Published Jul 24, 2024
jane oineza rk bagatsing love child
Celebrity couple Jane Oineza and RK Bagatsing are the lead stars in the Cinemala 2024 entry Love Child, their fourth movie together.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Nagkasama ang magkasintahang sina RK Bagatsing at Jane Oineza sa mga pelikulang Us Again (2020), Swing (2023), at “Mukbang” episode ng Shake, Rattle & Roll Extreme (2023).

Magkatambal silang muli sa Cinemalaya 2024 entry ng Love Child.

Package deal ba sila sa pelikula?

Read: How RK Bagatsing, Jane Oineza keep peace in their relationship

“Hindi! Ha! Ha! Ha! Ha! Walang ganun! Ha! Ha! Ha!” pagtawa ni Jane sa mediacon ng Cinemalaya Bente: Loob Lalim Lakas noong Hulyo 10, 2024, sa ballroom ng Metropolitan Theater sa Ermita, Manila.

Susog ni RK, “Nakakatuwa, pag nag-inquire sila, ‘Inquiry po for Jane and RK.’ So… Ha! Ha! Ha!”

Sambot ni Jane, “We never know kung kailan yung next namin, e… pero nagkakataon!”

Dagdag ni RK, “And nakakatuwa siyempre, when we’re both working individually sa mga kanya-kanya naming project, siyempre looking forward kang matapos yon, di ba?

“You know, to be with your loved ones, to be with her. So ang sarap lang ng pakiramdam na nagtatrabaho kami sa isang proyekto, you know.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Magkasama kami, para lang kaming naglalaro.”

JANE AND RK PLAY PARENTS OF AN AUTISTIC CHILD

Nag-lock in shooting ang Love Child sa Silay City, Negros Occidental.

Pero sa istorya, taga-Manila ang mga karakter nina Jane at RK kaya hindi kailangang matatas silang mag-Ilonggo.

Kuwento ni Jane sa karakter nila ni RK, “Couple kami from Manila na lumipat doon for budget reasons, and iba pang reasons na malalaman nila sa pelikula.”

Pagmamatuwid ni RK, “Hindi rin naman siya specifically naka-focus sa isang region, you know, as Bacolod, or Silay. Ang pinakamensahe talaga ng pelikula is paano maging magulang, e.

“And paano darating sa buhay mo yung unconditional love na sinasabi, na nararamdaman mo sa bawa’t magulang natin? Dun natin maiintindihan.”

Gumanap sa movie bilang autistic son nila ang batang si John Tyrron Ramos.

love child
Jane Oineza and RK Bagatsing with child actor John Tyrron Ramos in a scene from Love Child
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naisip na ba nilang maging magulang na rin sana sila sa totoong buhay? Matagal-tagal na ang kanilang relasyon.

Read: Why RK Bagatsing, Jane Oineza are not yet ready to settle down

Napangiti si Jane, “During the shoot, sinasabi ko na, ‘Ay! Para tayong naka-15-day free trial!’ Kasi, may anak tayo for 15 days. Ha! Ha! Ha!”

Tumango si RK, “Sabi ko naman, ‘OK na, ako muna ang baby mo!’”

Natawa muli si Jane, “Ha! Ha! Ha! So mag-aano muna kami, wait lang for the lifetime subscription.”

Gaganapin ang 20th edition ng Cinemalaya indie filmfest sa Agosto 2-11 sa Ayala Malls Manila Bay, Greenbelt, Trinoma, UP Town Center, at Market Market.

GORGY RULA

Sa mga nakaraang pelikula nina RK Bagatsing at Jane Oineza ay may mga kasama sila, o may ka-love triangle.

“Dito sa Love Child, wala kaming ibang kasama. Kami talaga ang partner dito,” sambit ni Jane.

Nape-pressure ba sila sa isa’t isa, considering na pareho silang magaling?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon ni Jane, “Thank you, thank you. Ahhmm, hindi.

"Actually sa simula, may ganun kasi kinakabahan ka. Baka kung anong isipin, anong tingin sa yo.

“Pero the more na we get to work together, it’s really parang mas comfortable ka. Mas kilala mo na yung kaharap mo, mas alam mo na yung… para kaming…

“Kunyari pag may scene nung breakup, feeling ko nagbe-breakup talaga, ganun. So mas natatamaan ka talaga sa core mo.”

Sabi naman ni RK, “Saka malaking parte ng pagiging artista, e, yung paano ka hindi mahihiya sa kasama mo, sa katrabaho mo, bagong set, bagong direktor.

“So pag magkasama na kami, alam na namin yung ugali ng isa’t isa, kung paano magtrabaho. So, mas nakaka-focus agad kami sa material.”

Read: Jane Oineza at RK Bagatsing, hindi na nag-workshop para sa intimate scenes nila sa 'Swing'

Ano ang pinaka-challenging o pinakamahirap gawin sa Love Child?

Natigilan sandali si RK bago sumagot, “Alam mo, gusto ko kayong ma-excite. Kasi pinaka-challenging, binabasa pa lang namin yung script, naiiyak na kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yes,” sey ni Jane.

Sabi pa ni RK, “So, parang ang hirap niya laging itawid pag binabasa namin yung mga bawat eksena. Bawat may makita kami ngayon, sina Miss Roselle [Monteverde], pag nakikita nila yung mga…

“Actually wala pa akong nakikita, wala pa akong napapanood. Pero sinasabi nila na… may kirot palagi pag nakikita nila ang bawa’t eksena, you know.

“Kasi, paano maging magulang? Para sa mga may anak, ito yung perfect, you know, movie or story na makaka-relate sila.”

NOEL FERRER

Ang buod ng Love Child: “College sweethearts Ayla and Paolo decide to drop out of school to start a family after a whirlwind romance leads to an unplanned pregnancy.

“Four years later, they are devastated to learn that their son, Kali, is diagnosed with autism. As they navigate the complexities of raising a child with special needs, they confront an increasingly unsupportive environment.

“Their journey challenges their relationship and the dream of a complete, harmonious family, forcing them to find strength and resilience in the face of adversity.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Love Child ay idinirek ni Jonathan Jurilla. Executive producers nito sina Mother Lily Y. Monteverde, Roselle Y. Monteverde, at Keith Monteverde ng Regal Entertainment.

love child poster

CLOSEST TO THEIR HEARTS

Pananalig ni Jane Oineza, sa mga pelikulang nagawa nila ni RK Bagatsing ay itong Love Child ang “closest sa heart, kasi minanifest namin to really have a Cinemalaya movie together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And hindi namin in-expect na ang bilis ng pagma-manifest natin!”

Pag-agree ni RK, “Saka yes, probably kasi yung story is relationship talaga, e… Walang ibang babae, walang kahit ano. It’s really iyung relationship nila sa isa’t isa.”

Sambot ni Jane, “They’re really trying to figure out the world and everything, and making ends meet.”

Sundot ni RK, “Paano mabuhay ang isang couple sa ganito kahirap na panahon?”

“Korek!” bulalas ni Jane. Exciting ang labanan ng best actress sa Cinemalaya 2024. Andiyan si Marian Rivera sa Balota, at si Mylene Dizon sa The Hearing. Minanifest din ba iyon ni Jane?

“Wala po, hindi ko po muna iniisip yon. Ang mahalaga, e, we made Direk Jonathan proud because this is from his story, inspired by his story,” sagot ng aktres.

“Dun muna po ako nagpo-focus. And basta masaya ako na nagawa ko itong film na ito with my partner in life.”

Dagdag ni RK, “And the script is a Palanca award-winning script... So looking forward talaga kami na mapanood ng mga tao ito. At maka-relate silang lahat, lalo na yung mga magulang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrity couple Jane Oineza and RK Bagatsing are the lead stars in the Cinemala 2024 entry Love Child, their fourth movie together.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results