PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pulang Araw advance episodes, mapapanood na sa Netflix

Huling linggo ng Black Rider, dumidikit ang ratings sa Batang Quiapo.
by PEP Troika
Published Jul 26, 2024
pulang araw netflix
Pulang Araw, GMA-7 primetime series starring (from left) Sanya Lopez, David Licauco, Barbie Forteza, Alden Richards, and Dennis Trillo, begins streaming advance episodes on Netflix, Friday, July 26, 2024. It will premiere in GMA-7 on July 29.
PHOTO/S: Netflix Philippines

JERRY OLEA

Red-letter day ang Hulyo 26, 2024, Biyernes, para sa BarDa fans, maging sa mga tagasubaybay nina Alden Richards, Sanya Lopez, at Dennis Trillo.

Sa pagwawakas ng Black Rider ni Ruru Madrid this Friday sa GMA Network, mag-uumpisang mapanood sa Netflix ang advance episodes ng seryeng Pulang Araw.

Sa Lunes, Hulyo 29, pa iyon eere sa Kapuso primetime block.

Read: Pulang Araw, kayang pantayan tagumpay ng Maria Clara at Ibarra?

Interesting subaybayan ang TV ratings ng Pulang Araw, at ang puwesto nito sa Top 10 TV Shows ng Netflix PH.

Rumaratsada sa ratings ang Widows’ War nina Bea Alonzo, Carla Abellana, Jean Garcia, at Rita Daniela.

Tingnan natin kung mas pupusuan ba ng televiewers ang Pulang Araw na mas magastos, at mas makabuluhan.

Read: Widows' War, consistent na double digit ang ratings

pulang araw netflix
Pulang Araw premieres on Netflix, Friday, July 26.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SIX NEW PINOY MOVIES ON NETFLIX

At any rate, anim na pelikulang Pinoy ang kasado nang mag-streaming sa Netflix.

Hulyo 29, Lunes, ang streaming ng MMFF 2023 entry nina Vilma Santos at Christopher de Leon, ang When I Met You In Tokyo.

Agosto 1, Huwebes, ang streaming ng Men are from QC, Women are from Alabang starring Marco Gallo and Heaven Peralejo.

Agosto 7, Miyerkules, hahaplos sa puso ng mga manonood ang Lolo and The Kid nina Joel Torre at Euwenn Mikael.

Agosto 8, Huwebes, aariba ang Fuchsia Libre nina Paolo Contis at John Arcilla.

Agosto 15, Huwebes, magpapainit sina Diego Loyzaga at Coleen Garcia sa Isang Gabi na idinirek ni Mac Alejandre.

At sa Agosto 21, Miyerkules, magpapakilig sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa sa Elevator na idinirek ni Phillip King.

TOP 10 MOVIES ON NETFLIX

Naligwak na sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines ang Pagpag 24/7 nina Jerald Napoles at Nicco Manalo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

So far ay sa No. 7 nag-peak ang Moro nina Piolo Pascual, Baron Geisler, at Laurice Guillen, sa direksiyon ni Brillante Mendoza.

Read: Moro, bakit walang theatrical release at diretso sa Netflix?

Hindi pumasok sa Top 10 ang 12 Weeks ni Max Eigenmann. Kasabay ng 12 Weeks ang Moro na nag-streaming noong nakaraang Biyernes, Hulyo 19.

Bago ang When I Met You In Tokyo, naunang mag-streaming sa Netflix ang MMFF 2023 entries na Rewind, Becky & Badette, GomBurZa, Kampon, Family of Two, Penduko, at Mallari.

Iyong Firefly ay sa Amazon Prime Video nag-streaming.

Wala tayong balita ay kung saan at kailan ang streaming ng Broken Hearts Trip.

Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix — Breaking In, Titanic, Beast, Maharaja, Find Me Falling, Anyone But You, Rampage, The Train of Death, Moro, at Minions The Rise of Gru.

Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix — Sweet Home, Master of the House, Wind Breaker, Eve, Miss Night and Day, Cobra Kai, Wistoria Wand & Sword, The Secret of Us, Vikings Valhalla, at Demon Slayer: Hashira Training Arc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Sa Pinoy movies na naka-lineup mag-streaming sa Netflix PH, pinaka-excited ako sa Lolo and The Kid nina Joel Torre at Euwenn Mikael.

Alam kong maraming artista rito ang pumayag mag-cameo dahil sa pagmamahal at paggalang nila kay Joel!

At siyempre, hindi rin matatawaran si Euwenn na nagpakita ng galing talaga sa Firefly.

lolo and the kid netflix
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon, yung iba, nakakalungkot, di ba?

Maliban sa 49th MMFF entry nina Ate Vi at Papa Boyet, naging salat ang suporta sa ibang mga pelikula sa takilya.

Sana na lang, ma-rediscover ang mga ito ng mga manonood sa streaming platform. Ito na talaga ang realidad sa pelikulang Pilipino. Na may stars at pelikula na pang-streaming na lang at hindi na sa big screen.

Ang sakit!

GORGY RULA

Dumidikit ang ratings ng huling episodes ng Black Rider sa katapat nitong FPJ’s Batang Quiapo.

Noong Martes, July 23, ay naka-14.1% ang Black Rider, at 16.5% naman ang Batang Quiapo.

Noong Miyerkules, July 24, ay tumaas sa 15% ang Black Rider, at 15.3% naman ang FPJ’s Batang Quiapo.

Noong Huwebes, July 25, kung saan ay nagtuos na sina Elias (Ruru Madrid) at Calvin (Jon Lucas), nakapagtala ng 15.4% ang Black Rider, at 15.5% naman ang FPJ’s Batang Quiapo.

Ngayong gabi, July 26, na ang #BlackRiderHeroicFinale.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Ruru, matinding bakbakan ang mapapanood mamaya sa labanan nina Elias at Calvin.

Read: Ruru Madrid, Yassi Pressman promise heroic finale of Black Rider

RURU AND JON JOIN FORCES IN GIVING RELIEF GOODS

Pero ngayong Biyernes ng umaga ay magkasama ang magkaibigang Ruru at Jon sa pamamahagi ng relief goods sa mga nabahaan.

Tumulong sila sa Kapuso Foundation sa pagbigay ng relief goods.

Kaya magkaibigan daw muna sina Elias at Calvin para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Carina, bago mapanood ang kanilang labanan ngayong gabi.

ruru madrid jon lucas
Black Rider stars Ruru Madrid (left) and Jon Lucas help in distributing relief goods to typhoon victims.
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod kina Ruru at Jon, all-out ang suporta ng Kapuso stars sa Kapuso Foundation na puspusan na ang pamamahagi ng relief goods.

DINGDONG DANTES RELIEF EFFORTS

Kuwento ng ilang kaibigang taga-Marikina, kaagad daw pumunta sa kanila ang kilalang Kapuso stars na pinangunahan ni Dingdong Dantes, kasama si Rocco Nacino at Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez.

Sabi ni Dingdong, bahagi ito ng kanilang trabaho bilang Reservist ng Philippine Navy.

“Ito yung bagay na ginagawa namin as reservists. One of the few things that we do as reservists, kaya kung saan po kayo may pangangailangan, andun kami especially sa GMA Kapuso Foundation right now dito po sa Marikina,” saad ni Dingdong nang nakapayanam ng 24 Oras noong Huwebes, July 25.

akaka-inspire din ang ipinakita ng mag-asawang Dingdong at Marian sa paghahanda ng ibibigay nilang tulong sa mga nabahaan.

Pati ang mga anak nilang sina Zia at Sixto ay tumutulong sa pag-repack ng relief goods at hinatid nila agad sa warehouse ng Kapuso Foundation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pulang Araw, GMA-7 primetime series starring (from left) Sanya Lopez, David Licauco, Barbie Forteza, Alden Richards, and Dennis Trillo, begins streaming advance episodes on Netflix, Friday, July 26, 2024. It will premiere in GMA-7 on July 29.
PHOTO/S: Netflix Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results