GORGY RULA:
Sa gitna ng pananalasa ng mga bagyong Carina at Habagat, malakas pa rin ang pagbubukas sa mga sinehan ng pelikulang Deadpool & Wolverine noong Miyerkules, July 24.

Ayon sa reliable source ng PEP Troika, naka-P24.5M ang first day of showing nito sa mga sinehan, kahit nagbabaha na ang halos buong Metro Manila, at nasa state of calamity na tayo niyan.
Ang ibang malls ay binabaha na noong araw na iyun. Nagbukas man ang karamihang malls, bandang 6:00 pm ay nagsara na raw sila. Pero maganda pa rin ang first day earnings ng D&W nina Ryan Reynolds & Hugh Jackman.
LOCAL FILMS, HANGGANG STREAMING SERVICE NA LANG BA?
Tinangay na ng baha ang kinita ng iba pang pelikulang kasabay, lalo na itong kasabay na nag-iisang local film na Sagrada Luna starring Rash Flores & Alexa Ocampo.

Dagdag pang impormasyong nakalap namin, lalo pa raw tumaas kinabukasan, at as of Friday, July 26, umabot na raw sa P80M ito. Ang tantiya ng aming source, posibleng aabot na ito sa halos P160M by July 28, Sunday.
Mukhang mahaba pa ang tatakbuhin nito sa mga sinehan kung patuloy itong magpakita ng lakas sa takilya.
Nakakalungkot, pero hanggang sa streaming service na lang talaga ang mga pelikulang Pilipino at ewan kung mababalik ang interes ng mga tao pagdating ng 50th Metro Manila Film Festival.
Medyo nakakapangamba pa kasi ang limang entries na napili kung ibabase sa material at mga artistang kalahok.
So far, medyo kampante tayo sa And The Breadwinner Is… ni Vice Ganda. Pero maaabot kaya nito ang malaking kinita ng Rewind?
Puwede ring lumaban ang The Kingdom nina Vic Sotto at Piolo Pascual, pero hindi pa natin masabi sa ngayon kung gaano ito kalakas na panlaban sa takilya.
Iyung tatlo pang napili ay walang katiyakan kung ano ang magiging performance ng mga ito sa takilya.
Tingnan natin kung alin sa Green Bones ng GMA Pictures, ang Strange Frequencies: Haunted Hospital, at Himala: Isang Musikal ang puwedeng lumaban sa box office.
Read:
Deadpool & Wolverine: Odd pairing delivers gore and laughs
Deadpool & Wolverine opening, sumabay sa pagragasa ni Carina
JERRY OLEA:
Naunang rumatsada ang Deadpool & Wolverine sa international box office, partikular sa mga bansa ng Latin America, Europe at Asia.

DEADPOOL & WOLVERINE, GLOBAL BOX-OFFICE SUCCESS
Balita na sa 48 territories noong Hulyo 24 at 25, Miyerkules at Huwebes, humamig na agad ng $64.8M ang marvelous superhero film na ito. Siyempre, aariba pa ito this weekend.
Kasabay ng D&W na nag-open sa local cinemas noong Hulyo 24, Miyerkules ang Sagrada Luna at All My Friends Are Dead.


Interestingly, ang tatlong pelikulang iyan ay pawang R-16 ang rating ng MTRCB — puwede lamang sa mga manonood na edad 16 pataas.
Naka-post sa Facebook page ng MTRCB, “The film ‘Sagrada Luna’ has been rated R-16 due to its mature content across several categories. This rating restricts viewership to those 16 years of age and older. The justification for this rating is as follows:
“1. Theme: Mature Themes: The Film explores mature themes such as cult mentality, government corruption , and the dangers of unchecked power. This movie also contains scenes of misusing religious language. These scenes may be disturbing, particularly those who are religious.
“2. Language : Explicit use of strong swear words
“3. Nudity/Sex: Strong Sexual Content: The film contains several scenes of explicit sexual content, including nudity, sexual violence, and ritualistic sex, but without being overly graphic
“4. Violence: Moderate Violence, including fights, combat, or suspenseful moments, but without excessive gore or brutality.
“5. Horror: The movie contains several scenes of horror, gore, and psychological terror”
Si JR Olinares na direktor ng Sagrada Luna ay siya ring direktor ng mga pelikulang Layas at The Buy Bust Queen.
NOEL FERRER:
DEADPOOL & WOLVERINE, GRABE ANG WORD OF MOUTH
In fairness, grabe ang word of mouth sa Deadpool & Wolverine kahit dito sa atin. Kahit mga celebs, hindi mapipigilan ang pag-rave at pagpo-post ng kanilang pagkagusto sa pelikula kaya nakikinabang ito sa good word of mouth talaga.

Yung ibang mga pelikulang ipinapabas kamakailan ay lukewarm ang pagtanggap ng moviegoers.
Ang isa pang pinag-uusapan ngayon ay hindi lang ang review ng pelikula sa sinehan, ha, kundi pati sa streaming platform. Nakita ninyo ang Goldwin rating sa Moro ni Direk Brillante Mendoza? Jusko, bokya!
Ano kaya ang masasabi nina Direk Laurice Guillen, Piolo Pascual, Baron Geisler, at iba pang kasama sa pelikulang ito? Naapektuhan kaya sila sa Goldwin Reviews?
Read:
Deadpool star Ryan Reynolds offers $5,000 reward to find Pinay’s missing teddy bear
