JERRY OLEA
Nanguna ang Pulang Araw sa Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix.
Hulyo 26, 2024, Biyernes, nag-umpisa ang Netflix streaming ng Kapuso series nina Alden Richards, Sanya Lopez, Barbie Forteza, David Licauco, at Dennis Trillo, sa direksyon ni Dominic Zapata.
By Saturday night ay number one na ang Kapuso series, na merong 100 episodes. Bale eere iyon hanggang Disyembre 2024.
Ang logline ng Pulang Araw, “Caught in the middle of World War II, four friends navigate love, hope, and heartbreak under the shadow of Japanese rule in the Philippines.”

Kasama rin sa cast ng Pulang Araw sina Jeffrey Quizon, Angelu de Leon, Ashley Ortega, Rochelle Pangilinan, Mikoy Morales, Brianna Advincula, at Isay Alvarez.
Nandiyan din sina Jay Arcilla, DM’s Boongaling, Sef Cadayona, Skye Chua, Tyro Daylusan, Joyce Gloriososo, Karenina Hanniel, Issa Litton, Joanne Morallos, Ryoichi Nagatsuka, Jay Ortega, Bombi Plata, Angeli Nicole Sanoy, Robert Seña, Neil Ryan Sese, at Aedan Veneracion.
Si Franchesco Maafi ang young Eduardo. Si Cheska Maranan ang young Teresita. Si Cassy Lavarias ang young Adelina. At si Miguel Diokno ang young Hiroshi.
Guests sina Julie Anne San Jose bilang Katy de la Cruz, Derrick Monasterio, Billy Rae Gallion, Jacky Woo, Maria Ozawa, Zephanie bilang Chichay, Waynona Collings bilang Mary Walter, Lauren King bilang Etang Discher, at Rhian Ramos.
PULANG ARAW TOPS NETFLIX RATINGS
Ngayong 2024 ay itong Pulang Araw ang unang gawang-Pinoy na nag-number 1 sa Netflix PH.
Noong unang apat na araw ng Enero 2024 ay nasa Top 10 ang Can’t Buy Me Love at Replacing Chico. Pagsapit ng Enero 5 ay ang DonBelle series na Can’t Buy Me Love na lamang ang nasa Top 10 list, at kasama roon hanggang Mayo 12 pero hindi na nakabalik sa top spot.
Pumasok sa Top 10 TV Shows noong Marso, ang TV special ni Red Ollero na Mabuhay Is A Lie, pati ang Royal Blood ni Dingdong Dantes.
Nag-peak sa pangatlong puwesto ang Mabuhay Is A Lie noong Marso 18, samantalang nag-peak sa number 5 ang Royal Blood.
Noong panahong iyon ay namamayagpag ang Koreanobelang Queen of Tears. By April ay Can’t Buy Me Love na lang ang likhang-Pilipino sa Top 10 TV Shows.
Mula Mayo 13 hanggang Hulyo 26 ay wala nang Pinoy TV show na bumandera sa Top 10 ng Netflix PH.
Tingnan natin kung hanggang kailan mananatili sa top spot ang Pulang Araw.
Noong Biyernes na nag-debut sa Netflix ang Pulang Araw ay agad itong naging trending topic sa X (dating Twitter).
“Naipanganak na namin ang show, nasa mga kamay ninyo na po, mga mahal na manonood, ang pagpapasya kung ito ay mamahalin ninyo. Salamat at magandang gabi sa lahat!” bahagi ng X post ng writer na si Suzette S. Doctolero noong Friday, 9:27 PM.
Naipanganak na namin ang show, nasa mga kamay ninyo na po, mga mahal na manonood, ang pagpapasya kung ito ay mamahalin ninyo. Salamat at magandang gabi sa lahat! #PulangArawOnNetflix
— Suzette S. Doctolero (@SuziDoctolero) July 26, 2024
Sa Hulyo 29, Lunes ng 8:00 PM eere ito sa GMA-7. Ipapalabas din ito sa Kapuso Stream at GTV, just like Widows’ War, Asawa ng Asawa Ko, Abot-Kamay Na Pangarap, at ang katatapos lang na Black Rider.

Ang FPJ’s Batang Quiapo ay napapanood sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at Cinemo, Lunes hanggang Biyernes ng 8:00 PM. Napapanood din ito sa iWantTFC at TFC.
Ang peak concurrent viewers ng FPJ’s Batang Quiapo noong Biyernes ay 547,868. May chance kaya ang Pulang Araw na pabagsakin si Tanggol?
Take note also na ang Maria Clara at Ibarra na tinampukan nina Dennis Trillo, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, at David Licauco ay 52 episodes lamang.
Iyon namang Can’t Buy Me Love nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ay 148 episodes.
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix — Pulang Araw, Sweet Home, Eve, Master of the House, Wind Breaker, Miss Night and Day, Tokyo Swindlers, Alya Sometimes Hide Her Feelings In Russian, Cobra Kai, at Dirty Pop: The Boy Band Scam.

Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix — Breaking In, Maharaja, Titanic, Wonderland, Beast, Find Me Falling, Minions: The Rise of Gru, Anyone But You, Moro, at Rampage.
NOEL FERRER
Mataas ang expectations dito sa Pulang Araw in the tradition of Maria Clara at Ibarra na hindi lang nag-rate kundi umani pa ng mga parangal.
PULANG ARAW PROMOTES FILIPINO CULTURE, VALUES
Support tayo sa ganitong efforts ng produksyon na hindi lang naglalayong mang-aliw kundi magpalaganap ng sining at kultura at kasaysayan nating bilang mga Filipino.
Magandang concept ang pagbuhay sa mga karakter nina Katy de la Cruz, Chichay, Mary Walter, Etang Discher, atbp.
Sana, makilala pa sila ng mga kabataan, lalo pa yung mga gumaganap sa kanila.
Sana, mag-rate din ito sa free TV kapag naipalabas na ito bukas.
GORGY RULA
Kaagad kong pinanood sa Netflix ang pilot episode ng Pulang Araw, pero lalo ko siyang na-appreciate sa second episode, partikular sa mga eksena ng mga batang Adelina (Barbie Forteza) at Eduardo (Alden Richards).
Magagaling ang mga batang napiling younger version nila, lalo na’t may mga mabibigat silang eksena.
Magaling itong batang Barbie na si Cassy Lavarias, 11 years old. Siya rin pala ang batang Barbie sa Maging Sino Ka Man, kaya medyo gamay na niya ang karakter ng Kapuso Primetime Princess.

Halatang ginastusan nang husto itong Pulang Araw, lalo na sa production design. May ilang eksenang nahahalata na ang CGI, pero maganda pa rin at makatotohanan.
PULANG ARAW, MUST-SEE PARA SA MGA KABATAANG PINOY
Hindi malayong maikukumpara ito sa Maria Clara at Ibarra, pero ibang-iba itong Pulang Araw na dapat mapanood ng ating mga kabataan.
May matanda nga akong nakakasabay na manood nito at nakaka-relate daw siya sa mga ikinukuwento ng nanay niyang lumaki sa giyera.
Sana, i-endorse ng DepEd itong Pulang Araw dahil makakatulong din itong maibahagi sa ating mga kabataan ang kasaysayan ng ating bansa.
Natutuwa ako sa magandang line-up ngayon ng primetime ng GMA-7 na sisimulan na bukas ng Pulang Araw, at maganda rin ang sumusunod na Widows’ War, at kakaibang drama rin ang mapapanood sa Asawa ng Asawa Ko.
