PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sylvia Sanchez on Olympics 2024 experience: "Nakaka-proud!"

Sylvia Sanchez and family, todo-suporta sa Pinoy athletes
by PEP Troika
Published Jul 28, 2024
Sylvia Sanchez
Art Atayde
Xavi Atayde
Todo suporta ang pamilya ni Sylvia Sanchez (kanan, with son Xavi and husband Art Atayde) sa mga atletang Pinoy na kabilang sa ongoing 2024 Olympic Games sa Paris, France.
PHOTO/S: c/o Sylvia Sanchez

GORGY RULA:

Kabilang sa mga kababayan nating lumipad pa-France upang manood sa Paris Olympics 2024 ay ang mag-asawang Art Atayde at Sylvia Sanchez, kasama ang bunso nilang anak na si Xavi.

Sylvia Sanchez
Art Atayde
Xavi Atayde
(L-R): Xavi Atayde, Art Atayde, Sylvia Sanchez
Photo/s: c/o Sylvia Sanchez

Ilang beses naming tinatawagan sa Messenger si Sylvia para kumustahin at makibalita, pero hindi siya nakakasagot dahil sa nauubos ang oras niya sa kapapanood sa lahat na sports na tinutukan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matagal nilang pinaghandaan itong pagpunta ng Paris para mapanood ang lahat na mga kumpetisyon at maramdaman kung gaano kasaya sa naturang international sports event.

SYLVIA, FIRST TIME MANOOD NG OLYMPIC GAMES LIVE

Sa opening pa lang nito ay nag-post na ang aktres sa kanyang Instagram account na sobra siyang proud sa mga atleta nating kasali ngayong taon.

Sa caption nito, “Proud to be a part of this historic moment. Paris Olympics 2024.”

Sylvia Sanchez
Sylvia Sanchez (right) with son Xavi, husband Art Atayde and friends
Photo/s: c/o Sylvia Sanchez
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Viber na lang siya nakasagot sa mga katanungang ipinadala namin sa kanya, dahil lahat pala na competitions ay pinanood nilang mag-anak.

“Yes! First time kong manood ng Olympics. Ang saya-saya! Lahat gusto kong panoorin lalo na pag lalaban ang mga atleta natin,” unang text ni Sylvia sa PEP Troika.

Kakaibang experience daw talaga at sobra raw nilang na-enjoy.

Sylvia Sanchez
Dyan Castillejo
Art Atayde
Xavi Atayde
Sylvia with family, friends and ABS-CBN sports correspondent Dyan Castillejo (middle)
Photo/s: c/o Sylvia Sanchez
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nakakaiyak! Nakakatuwa! Nakakaproud! Ubos boses hahaha!” dagdag na text ni Sylvia.

Kaya dapat daw talaga na mabigyan ng suporta ang mga atleta natin, dahil iba raw ang feeling kapag pinapanood mo ang mga kababayan nating lumalaban para sa ating bansa.

“Ang sarap suportahan ang mga atleta natin! Lumalaban para sa sarili nila at para sa bansang Pilipinas!” sabi pa ni Sylvia.

Read:

How to watch Filipino athletes at Paris 2024 Olympics for free

Sylvia Sanchez excited nang magkaapo kina Arjo at Maine, Ria at Zanjoe

NOEL FERRER:

Walang nami-miss na kumpetisyon si Sylvia at ang kanyang mag-ama. Exciting daw talaga kapag nandoon ka at nagche-cheer sa mga naglalaro, lalo na kapag mga kababayan natin ang nakikipaglaban.

SYLVIA AND FAMILY, TODO SUPORTA SA PINOY ATHLETES

“Dapat na sumuporta tayo sa mga atleta natin, pampalakas man lang nang konti ng loob nila na may mga kapwa Pinoy na nakasuporta sa kanila. E, go tayo diyan,” dagdag niyang text sa PEP Troika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahapon napanood namin si Carlos Yulo sa gymnastics, at ngayon si Sam Catantan ng Fencing. Nakaka-proud. Nakakatuwa na napapanood mong lumalaban ang mga atleta natin.

“At nagkataong taga-district 1 si Sam [Samantha Catantan]. Nasa distrito siya ni Cong. Arjo [Atayde], kaya sobra sobrang nakaka-proud lalo,” sabi pa ng premyadong aktres.

Lahat daw ay masaya at excited tuwing nanonood ng bawat kumpetisyon. Hindi naman daw nila nararamdaman doon ang mga intriga at mga isyung pinag-usapan sa opening ng Paris Olympics 2024.

“Hindi ramdam dito, kasi lahat busy sa mga laban ng kanya-kanyang bansa,” ani Sylvia.

JERRY OLEA:

Dahil sa masayang experience niya sa Paris Olympics, na-inspire daw siyang mag-produce ng pelikula na tumatalakay sa mga kuwento ng mga atleta natin.

SYLVIA, NA-INSPIRE MAG-PRODYUS NG PELIKULA TUNGKOL SA KUWENTO NG MGA PINOY ATHLETE

Sabi niya sa kanyang text message na ipinadala sa PEP Troika, “Na-inspire ako gumawa ng istorya ng mga atleta. Kung paano nagsimula, hanggang sa makarating dito sa Paris Olympics.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’m sure marami tayong matutunan sa istorya ng buhay nila. Kung paano lumaban para sa sarili at para sa kani-kanilang bansa.”

Read:

Sylvia Sanchez welcomes Zanjoe Marudo to her family not just as son-in-law but as third son

Sylvia Sanchez on Zanjoe Marudo: "Mabait si Z, gustong-gusto ko siya"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Todo suporta ang pamilya ni Sylvia Sanchez (kanan, with son Xavi and husband Art Atayde) sa mga atletang Pinoy na kabilang sa ongoing 2024 Olympic Games sa Paris, France.
PHOTO/S: c/o Sylvia Sanchez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results