PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yayamaning BF ng aktres, naghahagis ng PHP1K bills sa party

Banda, paboritong imbitahin ng yayamaning boyfriend ng aktres sa party.
by PEP Troika
Published Jul 29, 2024
blind item celebrity couple
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Galante ang yayamaning boyfriend ng isang maalindog na aktres, lalo na kung masayang-masaya ito sa party-party.

Galing sa isang kilalang angkan ang yayamaning boyfriend, at nasa tamang edad at estado na siya para bumuo ng sariling pamilya.

Pero ang kasintahan niyang aktres ay nag-e-enjoy pa sa career nito. Tila may gusto pa itong mapatunayan.

Read: Yayamaning aktor at gandarang aktres, hiwalay na

Nagliliwaliw sa ibang bansa ang magnobyo. Sunod lahat ng luho ng maalindog na aktres.

PARTY, PARTY!

Kuwento ng source ng PEP Troika, “Mahilig magpa-party ang yayamaning boyfriend. Sa mga pa-party niya ay bumabaha ng masasarap na pagkain, at hindi nauubos ang inumin.

“Merong paboritong banda na laging kinukuha sa mga pagtitipon. Noong first time na tumugtog ang banda sa pa-party ng yayamaning boyfriend, nalokah sila.

“Kasi, habang tumutugtog sila at nagsasayawan ang mga bisita, naghagis ng pera ang yayamaning boyfriend. Pampabuwenas daw.

"Ang inihagis niya, malulutong na PHP1,000!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit iyong mga waiter at waitress ay nabiyayaan. Napanganga na lamang ang members ng banda dahil tuloy ang pagtugtog nila at hindi sila makasali sa agawan.

“After a couple of months ay kinuha na naman ang banda para tumugtog sa pa-party ng yayamaning boyfriend. Muli, naghagis ito ng sandamukal na PHP1,000 bills para sa mga bisita habang tumutugtog ang banda.

“Nang sumunod na pagkakataon na kinuha uli ang serbisyo ng banda, bawat isa sa kanila ay may plus one nang alalay o assistant. True enough!

“Nagpaulan na naman ng PHP1,000 bills ang yayamaning boyfriend sa kalagitnaan ng pagtugtog ng banda. This time, ka-join na sa agawan ang kani-kanyang assistant ng band members. Everybody happy!”

Read: Pretty wifey ng politician, bongga magpasok ng pera sa bank

GORGY RULA

Hindi kagulat-gulat ang ganyang kuwento.

Siyempre! Kanino pa ba niya natutunan iyan? Yun na siguro ang kinalakihan niyang lifestyle.

Pero mas matindi ang narinig kong kuwento tungkol kina yayamaning boyfriend at maalindog na aktres. Pero haka-haka pa lang iyon na mahirap dalirutin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Sana na lang ay may mapatunayan pa sa showbiz ang nasabing maalindog na aktres, lalo pa’t may importanteng pelikulang nakalinya niyang gawin.

Pero paano yun, bali-balitang break na naman ang maalindog na aktres at yayamaning boyfriend?

Wait and see tayo riyan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results