PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Newbie actor, muntik nang maging "midnight snack" ng TV execs

Pamilya ng baguhang aktor, kumuha na ng abogado.
by PEP Troika
Published Jul 30, 2024
 blind item young actor gay tv execs
PHOTO/S: Freepik

JERRY OLEA

Nakakaintriga ang Facebook post ng isang makisig na baguhang aktor ngayong Hulyo 30, 2024, Martes.

Bible verse iyon kaugnay sa daing ng mga helpless. Patama kaya iyon sa dalawang powerful accla (gay) ng isang TV network?

Read: Yayamaning aktor at gandarang aktres, hiwalay na

Usap-usapan online na hinalay raw just recently ng dalawang powerful accla ang baguhang aktor na nasa early 20s pa lamang.

Naganap umano ang panghahalay sa isang sosyal na hotel kung saan ginanap ang isang engrandeng pagtitipon.

Gusto raw sana ng management ng TV network na huwag nang sumabog ang eskandalong ito.

Ayon sa source ng PEP Troika, kumuha na ng abogado ang ama ng baguhang aktor na “midnight snack” daw sana ng dalawang powerful accla.

NOEL FERRER

Wala sa corporate DNA ng network ang ganitong mga isyu.

Natatandaan natin, nang minsang magreklamo ang isang singer sa isang major artistic staff noon, dali-daling natanggalan ng shows ang mahusay na artist na mula noo’y tinalikuran na ang paggawa ng shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano kaya ito? I’m sure, dadaan ang usaping ito sa tamang proseso at hindi magiging sabi-sabi lamang.

Ang hirap lang diyan, may batik na rin ang network sa ganito na laging ipinupukol sa katapat nilang istasyon dati.

Sa huli’t huli, ang katotohanan at tama ang mananaig.

Read: Guwapong aktor, malapit nang maging isang ganap na ama

GORGY RULA

Hindi lang naman sa showbiz nangyayari ang ganitong insidente, kundi kahit saang sektor ng lipunan.

Ang mahalaga ay huwag manahimik at huwag hayaang mangyari pa ulit.

Dapat mapanindigan ng baguhang aktor at ipaglaban ang kanyang karapatan.

Alam kong hindi ito hahayaan na lang basta ng kanyang pamilya, lalo na ang network nito.

Naiintindihan ko kung tahimik lang muna ang lahat, dahil mas mabuting imbestigahan at bigyan ng kaukulang aksyon sa tahimik na paraan at huwag nang palakihin pa alang-alang na rin sa katahimikan ng baguhang aktor.

Pero naniniwala akong hindi ito basta hahayaan na lang ng network, dahil batid natin kung ano ang nangyari sa isang gay director na may halos ganoon ding kaso sa guwapo at dakilang aktor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa susunod na malaking pagtitipong ito, maging maingat na lang talaga.

Kung kinakailangang may cut-off at dapat nang umuwi ang mga artista, siguro gawin na nila, para wala nang may mangyari pang hindi na mako-control dahil lasing na at kung anu-ano na ang nasa isip ng karamihan.

Malay natin, baka meron pang ibang pangyayaring hindi natin alam!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Freepik
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results