JERRY OLEA
Nasa tenth day na ng shooting ang MMFF 2024 entry ni Vice Ganda na And The Breadwinner Is…
Read: Vic Sotto and Vice Ganda movies make it to MMFF 2024
Malapit nang maka-one-third ang principal photography ng nasabing movie, pero hindi pa nakukunan ng direktor na si Jun Robles Lana ang MaThon tandem nina Maris Racal at Anthony Jennings.
May shining moment/s ba ang MaThon sa nasabing movie, o decor lamang sila?
Sagot ng source ng PEP Troika, importante sa kuwento ang gagawin ng characters nina Maris at Anthony, kaya siguradong marami silang shining moments.
Ang And The Breadwinner Is… ay joint venture ng ABS-CBN Film Productions at The IdeaFirst Company.
Kasama rin sa cast ng movie sina Eugene Domingo, Gladys Reyes, Gina Pareño, Jhong Hilario, Kokoy de Santos, at Via Antonio.

MATHON TELESERYE
Naghahanda na rin ang MaThon sa maaksyong Kapamilya teleserye, kung saan co-stars nila sina Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Ian Veneracion, Baron Geisler, at Kaila Estrada.
I wonder, ito rin kaya iyong nabalitaan natin na Netflix project nina Maris at Anthony, o iba pa?
Originally ay nasa cast sana nito si Enrique Gil. Pero ganoon naman talaga, naiiba-iba ang casting.
Kasama si Enrique sa MMFF 2024 entry na Strange Frequences: Haunted Hospital na produced ng Reality MM Studios.
Aside from Enrique, nasa cast ng naturang horror movie sina Jane de Leon, Alexa Miro, MJ Lastimosa, at Rob Gomez.
NOEL FERRER
Ayon sa source ng PEP Troika ay puspusan na ang training nina Richard Gutierrez at Daniel Padilla para sa maaaksyong eksena sa teleserye.
Naulinigan nating maraming eksena rito ang kukunan sa Kabisayaan at Mindanao.
GORGY RULA
Kinukuha para sa Richard-Daniel project na iyan si Tonton Gutierrez. Pero ewan ko kung magagawa ni Tonton dahil ang ganda ng feedback at pataas pa ang ratings ng Widows’ War kaya baka ma-extend pa yun.
Hindi pa ako sure, pero ang dinig ko ay next year pa ito mapapanood, hindi lang sa free tv, baka pati sa Netflix.
Ganoon na talaga ngayon ang labanan. Malaki ang production budget ng project na ito, kailangang mabawi.
