PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Direktor, vindicated sa “midnight snack” issue ng poging singer

Mga dating kuwento, muling binuhay dahil sa isyu ni Sandro Muhlach.
by PEP Troika
Published Aug 2, 2024
blind item male singer award-winning director
PHOTO/S: Canva

JERRY OLEA

Waiting ang mga Kasubo sa blow-by-blow account ni Sandro Muhlach kaugnay sa usaping “midnight snack” ng dalawang “independent contractors” (IC).

Pero naglabas na ng official statement ang Kapuso Network nitong Agosto 1, 2024, Huwebes, “GMA Network has just received a formal complaint from Sparkle artist Sandro Muhlach against two GMA independent contractors, Jojo Nones and Richard Cruz.

Read: Newbie actor, muntik nang maging "midnight snack" ng TV execs

“Recognizing the seriousness of the alleged incident, GMA Network had already initiated its own investigation even before receiving the formal complaint.

“Respecting Sandro’s request for confidentiality, the investigating body will withhold all details of the formal investigation until its conclusion.

“The Network assures the public and all stakeholders of its commitment to conducting this investigation with the highest standards of fairness and impartiality.”

Read: GMA-7 names "independent contractors" in Sandro Muhlach incident

GMA-7 statement on Sandro Muhlach
Photo/s: Courtesy: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


MIDNIGHT SNACK ISSUE OF HANDSOME SINGER AND AWARD-WINNING DIRECTOR

Mistulang nabuksan ang Banga ni Pandora sa kontrobersiyang ito.

Nahukay ang kung anu-anong “galawan” na matagal nang nakahimlay. Pati mga nananahimik na patay, nadadamay.

May isang poging mang-aawit na sa sobrang kalasingan, nakatulog sa bahay ng isang showbiz bading.

Paggising ni poging mang-aawit, pakiwari niya ay ginawa siyang “midnight snack” ng showbiz bading na itinuring niyang kaibigan.

Walang kamag-anak sa showbiz si poging mang-aawit, at wala siyang matibay na ebidensya kaya hindi siya nagreklamo.

Ang akala noon ng ilang katropa niya, ang sangkot na showbiz bading ay isang premyadong direktor. Matigas na itinanggi ng kampo ni premyadong direktor ang paratang.

The issue died a natural death.

Sa pagpulandit ng isyu ni Sandro, na-resurrect ang kuwento tungkol sa experience ni poging mang-aawit.

And finally, nilinaw nitong hindi sa bahay ng premyadong direktor siya nakatulog, kundi sa bahay ng isang independent contractor.

Ang independent contractor na ito ay hindi si Jojo Nones o Richard Cruz. Ibang independent contractor ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Vindicated si Direk!!!

At sa pagbulwak ng iba pang mga “galawan” na hearty breakfast, merienda cena, midnight snack, o pa-buffet, may tanong ang kaibigang Sir Mervin Alvaran ng Cabanatuan City.

“Aabot kaya ito sa Senado?”

NOEL FERRER

Nagsanga-sanga na ang isyu to the point na kung sino man ang magsasalita ay may pasaring na ring inaabot.

Pati si Igan Arnold Clavio na nag-comment lang ay pinutakti agad ng ibang netizens.

Read: Arnold Clavio encourages victims of sexual abuse to speak up

Ang daming nagdudunung-dunungan, na akala mo naman ay pawang mga walang sala at sakdal linis, makapag-ingay lang. Let the investigation flourish.

Kung may iba pang gustong lumantad, go lang, come forward and go through the right process.

All the others, lalo na yung gusto lang sumawsaw, are just noise.

And one more thing, ha, hindi lang sa GMA o sa showbiz nagaganap ito, ha?

Kaya huwag namang manghusga na parang sukdulan na sa aming industriya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kahit sa kataas-taasang institusyon, meron nito. Ang kaibahan lang ay nasa public eye ang aming industriya.

Kaya it really matters how GMA will deal with this.

GORGY RULA

Heto na nga, ang dami nang binuhay na kuwento na pawang haka-haka lang naman, at ang iba ay hindi talaga totoo.

Sino ang pilit na bumubuhay at nagkakalat ng mga? Sila bang ubod ng linis at walang inagrabyadong tao?

Pero dito muna tayo sa isyu ni Sandro Muhlach at ang dalawang independent contractors.

Ang hirap talaga, kasi convicted na sila sa social media. Wala na tayong ibang napakinggang panig kundi ang kay Sandro, kahit hindi pa ito nagsasalita.

MUHLACH FAMILY AT WAR

Pero dito ko nakita kung paano na ngayon kumuyog ang pamilya Muhlach dahil ang dami na nilang nagpo-post ng matitinding akusasyon, pati sa GMA-7.

Read: Muhlach family declares war amid controversial issue

Nagtataka lang ako na nangyari ito noong GMA Gala, July 20, pero umingay lang ito pagkatapos lumabas online ang blind item na mabilis na-pickup.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasi kung ako ang tatay, nang nalaman ko ang ginawang ito sa aking anak, kinalunesan ay sumugod na ako sa GMA at ipinarating sa kinauukulan itong ginawa sa aking anak.

Saka lang ba ito in-open ni Sandro sa kanyang magulang nang pumutok ang balitang ito?

Kung ganoon ang nangyari, mabuti na lang at lumabas pala ang blind item na yun na ipinagtataka rin ng lahat kung kanino nanggaling. Kung hindi, tahimik lang sana si Sandro na dinadala ang traumang ito?

Read: Newbie actor, muntik nang maging "midnight snack" ng dalawang TV execs

Pero nakakatulong ba sa pagresolba ng problema itong pagpo-post ng pamilya sa social media?

Dahil sa mga naglalabasang opinyon, kung anu-anong kuwento at cryptic messages na ipinu-post, lalong inilalagay ang mukha ni Sandro na siya ang batang hinalay ng dalawang bakla!

Na-trauma na nga siya sa nangyari sa kanya, lalo pang pinalala ang traumang yun sa mga nababasa natin sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Nino Muhlach, sino ang pinatatamaan sa cryptic post?

Sensitibong kaso ito na hindi dapat maranasan ng isang batang nangarap lang at masunod ang hilig na mag-artista.

Hindi sa may kinikilingan o may pinoprotektahan, pero mas mabuting mapag-usapan at maimbestigahan ang usapin sa tahimik na paraan. Hindi sa social media na lalo lang nagpalala sa mga nangyayari.

Sisimulan pa lang ang imbestigasyon, naibaba na ang verdict sa social media at iba na ang nasa isip ng lahat.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results