PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vince Rillon, threatened ba sa mga baguhang Vivamax actors?

Vince Rillon, bukas na mag-frontal nudity ulit sa pelikula.
by PEP Troika
Published Aug 3, 2024
Vince Rillon Vivamax movies
Vince Rillon sa pagdami ng Vivamax stars na pinapasok ang erotic dramas: "Marami na kami. Marami na yung mga babae, mga lalaki. Mas marami na rin ang subscribers namin, yung mga nanonood. Eleven million na, di ba po?”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

OK lang kay Vince Rillon na na-edit out ang eksenang nag-frontal nudity siya sa pelikulang Pula, na nag-streaming sa Netflix umpisa Mayo 3, 2024.

Ang Pula ay pinagbidahan nina Coco Martin, Julia Montes at Raymart Santiago, sa direksyon ni Brillante Mendoza. Kinunan iyon sa Pola, Oriental Mindoro.

Read: Vince Rillon, nakiliti sa bigote ni Jay Manalo sa intimate scenes nila sa 'Hosto'

Noong Hunyo 21 naman nag-streaming sa Vivamax ang pelikulang Nurse Abi na tinampukan nina Vince at Alessandra Cruz, sa direksyon ni Dustin Celestino.

Ang next Vivamax movie ni Vince ay ang sexy thriller na Walker, kasama sina Robb Guinto, Stephanie Raz, at Alex Medina, sa direksyon ni Lawrence Fajardo. Naka-set na sa Setyembre 27 ang streaming nito.

Naku! May movie na si Direk Joel Lamangan na ang pamagat ay Walker, at tampok doon sina Rita Avila, Allen Dizon, Sunshine Dizon, Edgar Allan Guzman, Elora Españo, at Barbara Miguel, ah?!

“Maaaring mabago po yung title,” sambit ni Vince sa birthday celebration ni Direk Brillante noong Hulyo 30, Martes ng gabi sa Secret Garden, Barangka Drive, Mandaluyong City.

Limang taon ang pinirmahang kontrata ni Vince sa Viva. More or less ay kalahati pa lang ang itinagal niya. Waiting lang siya sa mga proyektong iaalok sa kanya.

Andaming bagong pasok sa Vivamax. Mahirap ba iyon para sa kanya?

“Hindi naman po. Mas nakakatuwa kasi marami na kami,” tugon ni Vince.

“Marami na kami. Marami na yung mga babae, mga lalaki. Mas marami na rin ang subscribers namin, yung mga nanonood. Eleven million na, di ba po?”

If ever ba, willing siyang mag-frontal nudity sa Vivamax?

Tumango si Vince, “Siyempre, ibibigay ko pa rin yung best ko at saka yung gusto nila.

“Hangga’t may contract ako sa Viva, hangga’t binibigyan nila ako ng project, willing ako.”

Vince Rillon Vivamax movies
Photo/s: Vince Rillon Facebook

VINCE RILLON ON FRONTAL NUDITY

Kahit magtagal na siya sa industriya ay handa pa rin siya sa mga mapangahas na eksena.

Katuwiran ni Vince, “Ang gusto kong maging peg, Sid Lucero, e, sa mga pagpo-frontal. Yung in character, ha?

“Hindi naman siya yun, e… kasi sa totoong buhay, paghubarin mo yun, hindi maghuhubad yun, di ba?

“Ngayon nakakatuwa, ang lakas ng loob niya kahit Sid Lucero na siya, di ba? May pinapatunayan pa rin talaga.”

Nag-frontal si Sid Lucero sa Vivamax movie na Virgin Forest (2022), kung saan kasama rin sa cast si Vince.

Idinirek iyon ni Brillante Mendoza, at nagtatampok din kina Angeli Khang, Kat Dovey, Micaella Raz, Alma Moreno, Markki Stroem, Greg Hawkins, Ivan Padilla, at Jao Mapa.

Read: Vince Rillon, bilib sa 'lakas ng loob' ni Sid Lucero: "Hindi sa kanya isyu yung frontal..."

NOEL FERRER:

Inaasam ni Vince Rillon na mag-portray ng iba’t iba pang character roles, kahit kontrabida.

“Favorite ko, action-drama. Puwedeng action-erotic, mga ganun. Di ba?” pagngiti ni Vince.

“Ngayon kasi, mas nangingibabaw sa Vivamax ang erotic, pero OK lang.

Kumbaga, hangga’t araw ng erotic ngayon, gagawa at gagawa ako ng ganun.”

Mas palaban ba ngayon yung mga bagong batch sa Vivamax?

Mabilis na sagot ni Vince, “Super! Super, talagang malakas ang loob nila. Pero OK lang yun.

“Kasi po ano, e, siguro nakakapasok sa character, sa ginagampanan nilang role, kaya ginagawa nila yun.

“Saka kasama sa kuwento yun, e. Yun po, trabaho lang talaga. Yun po.”

Read: Elvis Gutierrez delivers moving eulogy for wife Alexa Gutierrez

GORGY RULA:

For this year, as far as we know ay isang lalaki pa lang ang nag-frontal sa Vivamax. Ito ay si Jhon Mark Marcia sa pelikulang Sisid Marino na idinirek ni Joel Lamangan.

Malayo iyong shot, at sa eksena ay kamamatay lang ng karakter ni Jhon Mark.

Ang Top 10 ngayon sa Vivamax ay ang mga pelikulang Init, Kaskasero, Dilig, Kulong, Maharot, Hiraya, Foursome, Kaulayaw, Us x Her, at Top 1.

Tampok sa Init (50 minutes) sina Dyessa Garcia, Aica Veloso, Candy Veloso, Ghion Espinosa, Rash Flores, Rome Guinto, at Renz Tantoco, sa direksyon ni Piem Acero.

Tampok sa Kaskasero (1 hour 50 minutes) sina Christine Bermas, Angela Morena, Itan Rosales, Marco Gomez, Jeffrey Santos, Quinn Carrillo, Angelica Cervantes, Jhai Salvador, Krizzia Mendoza, AJ Oteyza, Calvin Reyes, Mon Mendoza, Elmo Elarmo, Karl Aquino, at Vern Kaye, sa direksyon ni Ludwig Peralta.

Tampok sa Dilig (44 minutes) sina Dyessa Garcia, Rica Gonzales, Chad Solano, JD Aguas, at Archi Adamos, sa direksyon ni Christian Paolo Lat.

Tampok sa Kulong (48 minutes) sina Jenn Rosa, Cariz Manzano, Aica Veloso, JD Aguas, Ralph Christian Engle, at Ghion Espinosa, sa direksyon ni Sigrid Polon.

Tampok sa Maharot (47 minutes) sina Aiko Garcia, Victor Relosa, Athena Red, at Ardy Raymundo, sa direksyon ni Rodante Pajemna Jr.

Tampok sa Hiraya (1 hour 45 minutes) sina Rica Gonzales, Itan Rosales, Denise Esteban, Nathan Rojas, Quinn Carrillo, Alvaro Oteyza, JD Aguas, at VJ Vera, sa direksyon ni Sidney Pascua.

Tampok sa Foursome (1 hour 48 minutes) sina Robb Guinto, Armina Alegre, Nico Locco, Mark Dionisio, Dyessa Garcia, at Ardy Raymundo, sa direksyon ni Gavino Rocha.

Tampok sa Kaulayaw (47 minutes) sina Robb Guinto, Micaella Raz, at Matt Francisco, sa direksyon ni Iar Arondaing.

Tampok sa Us x Her (1 hour 43 minutes) sina AJ Raval, Angeli Khang, Kiko Estrada, Bob Jbeili, Giselle Sanchez, Rachel Coates, at MJ Cayabyab, sa direksyon ni Jules Katanyag.

Tampok sa Top 1 (52 minutes) sina Christy Imperial, Mariane Saint, at Armani Hector, sa direksyon ni Temi Abad.

Konting kembot na lang at magbabago na ang Top 10 na iyan dahil streaming na ang Daddysitter (1 hour 2 minutes) starring Apple Dy, Armani Hector, Emil Sandoval and Mia Cruz, sa direksyon ni Christian Paolo Lat.

May line-up na ng mga pelikulang mag-i-streaming sa Vivamax hanggang Setyembre. Pero nababagu-bago iyon sa tuwi-tuwina, at ang iba ay nagpapalit ng title.

Streaming soon sa Vivamax ang mga pelikulang Package Deal, Backrider, Pintor at Paraluman, Ang Kapitbahay, Private Tutor, Butas, F-Buddies, Throuple, Uhaw, Paluwagan, Private School, at Walker.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vince Rillon sa pagdami ng Vivamax stars na pinapasok ang erotic dramas: "Marami na kami. Marami na yung mga babae, mga lalaki. Mas marami na rin ang subscribers namin, yung mga nanonood. Eleven million na, di ba po?”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results