JERRY OLEA
Nakachikahan ko saglit sina Direk Laurice Guillen at National Artist Ricky Lee sa third day ng Cinemalaya Bente: Loob Lalim Lakas nitong Agosto 4, 2024, Linggo, sa Ayala Malls Manila Bay.
Ikinatuwa nila pareho na dagsa ang mga manonood.
Read: Cinemalaya XX top best actress contenders: Marian, Mylene, Jane
Sold out ang 5:00 P.M. screening ng Balota sa Cinema 2, at ang 5:30 P.M. screening ng The Hearing sa Cinema 10.
Gala premiere iyon ng Balota, at nandoon si Marian Rivera na suportado ng mister na si Dingdong Dantes.
Namataan ko rin doon sina John “Sweet” Lapus, Boobay, Direk Louie Ignacio, Direk Jeffrey Jeturian, John Arcilla, Atty. Annette Gozon-Valdes, Will Ashley, Joel Saracho, Direk Kip Oebanda, Sassa Gurl, Donna Cariaga, Jansen Magpusao, Raheel Bhyria, Royce Cabrera, at Esnyr.
Bago pasimulan ang screening ng Balota ay nagkaroon ng moment of silence matapos ihayag ang pagpanaw ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde.
Read: Lily Monteverde, Regal matriarch and showbiz icon, dies at 84
Ganoon din bago ang 8:30 P.M. gala ng documentary-fiction ng Tumandok.
May talkback session pagkatapos ng The Hearing screening, at napaiyak doon ang direktor na si Lawrence “Law” Fajardo.
Masigabo ang palakpakan sa tatlong pangunahing artista ng “pelikulaw” na sina Mylene Dizon, Ina Feleo, at Enzo Osorio.
Read: Pelikulang The Hearing, tinalakay ang pang-aabuso ng isang pari
LOST SABUNGEROS CANCELLED SCREENING
Ang malungkot ay ang announcement na Cinemalaya kahapon sa kanilang Facebook page, “Due to security concerns, the screenings of Lost Sabungeros on August 8, 2024 and August 9, 2024 have been canceled.
“Balota by Kip Oebanda replaces the screening on August 8 at 5:00 PM in Cinema 2, Ayala Malls Manila Bay.
“Stay tuned for updates and follow the official pages of the Cultural Center of the Philippines and Cinemalaya.”

Kahapon din ay nag-post sa Facebook si Lee Joseph Marquez Castel na isa sa mga producer ng investigative docu-film, “Lahat ng banta, dapat sineseryoso.
“Pero ang hindi pagtuloy sa screening ng Lost Sabungeros sa Cinemalaya ay pagkapanalo ng inihahasik na takot.
“Halos dalawang taon naming binuo ang docu-film na ito at tinanggap na bahagi nito ang panganib.
“Ngunit sinuong ng produksyon ang peligro, para siyasatin ang pagkawala ng mahigit tatlumpung mga sabungero.
“Dahil bilang mga mamamahayag, at kahit bilang mga ordinaryong tao, hindi natin dapat tinatanggap na bigla na lang may mga misteryosong naglalaho.
“Ipikit mo lang ang iyong mga mata at isipin mong sa susunod na tilaok ng manok hindi mo na makikita ang mahal o pamilya mo, anong mararamdaman mo?
“Sa hindi pagtuloy ng Lost Sabungeros sa Cinemalaya, sino nga ba ang tunay na pinrotektahan mula sa mga banta?
“Sino nga ba ang totoong nailigtas sa anumang isisiwalat ng dokyu?
“Cinemalaya Independent Film Festival. Hindi na malaya. Hindi na rin independent.
“Sa sabong ng mga makapangyarihan, biktima pa rin ang mga walang boses na patuloy na nanghihingi ng katarungan.”
Facebook post ng Kapuso executive na si Nessa Valdellon kahapon, “LOST SABUNGEROS will no longer have its world premiere at Cinemalaya. Due to security concerns and upon decision of the Cinemalaya Board. It’s heartbreaking.”

Ang Lost Sabungeros ay idinirek ni Bryan Brazil, at prinodyus ng GMA Public Affairs at GMA Pictures.
NOEL FERRER
Ano yung security concerns? Ano yung banta na dapat seryosohin?
Bakit may banta? Saan nanggagaling ang banta?
Bakit nagdesisyon ang pamunuan ng Cinemalaya na huwag nang ituloy ang screening?
Hindi ba’t sa tapang ng mga ibang pelikula tulad sa mga IPs, sa pamilya Burgos, atbp, matapang ito, pero sa pagtalakay sa isyu tungkol sa sabong, uurong ito?
Compromise ba na dahil GMA Pictures ang producer ng Lost Sabungeros ay ang ipapalit ay ang Balota?
Ano ang epekto nito sa cycle ng programming ng ibang entries? Hindi na nga ba malaya ang Cinemalaya?
Anyare? Mukhang kailangang sagutin nila at linawin nila ito sa publiko.
GORGY RULA
Napaisip ako sa sinabi ng producer ng Lost Sabungeros na hindi na malaya, hindi na independent ang Cinemalaya.
May punto naman siya! Pati ang ganitong filmfest ay pinasok na rin ng mas makapangyarihan sa ating mga filmmakers, manunulat at mamahayag.
May mga lumalabas na pangalan kung sino raw ang nasa likod ng pagpapa-cancel ng documentary film na ito.
Pero haka-haka pa lang kahit puwede mong isiping totoo.
Itong Lost Sabungeros ay isa sa mga produksiyon ng GMA Public Affairs. Ilalabas kaya ng GMA-7 ang totoong kuwento kung bakit ipina-cancel ang Lost Sabungeros?
Bago man lang tuluyang ma-lost ang Lost Sabungeros, sana malinaw lang sa ating mga manonood kung ano itong “security concerns” na dahilan ng pagpigil ng screening.
Ang logline ng 100-minute documentary na Lost Sabungeros, “When the pandemic shut down all cockfighting arenas in the Philippines, the gambling blood sport moved online and became a moneymaking scheme.
“Things took a shocking turn when more than 30 men disappeared without a trace.”
Ang Dokyu section ng Cinemalaya XX ay curated ni Clodualdo del Mundo Jr.
Ang apat pang documentary sa section na ito ay Langit/Lupa nina Enzo Camacho at Ami Lien, Home of the Brave ni Baby Ruth Villarama, Ghosts of Kalantiaw ni Chuck Escasa, at And So It Begins ni Ramona Diaz.
