PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Allen Dizon, may kissing scene kay Therese Malvar sa Guardia de Honor

Allen Dizon, nabiktima na ba ng sexual harassment?
by PEP Troika
Published Aug 10, 2024
allen dizon therese malvar guardia de honor
Allen Dizon on kissing scene with Therese Malvar (right photo), who plays his daughter in Guardia de Honor: “Siguro nag-ready siya. Kasi in-explain naman ni Direk Jay sa kanya. ‘Ito, ayaw mo pero nagugustuhan mo na rin in a way, yung ginagawa sa yo ni Allen.’ Kasi, hindi naman siya naka-fix lang. Lumalaban siya sa halikan. So, ibig sabihin, nadadala siya ng ano ng tatay niya.

Trigger warning: mention of incest, sexual harassment

JERRY OLEA

Nag-lips-to-lips sina Allen Dizon at Therese Malvar sa pelikulang Guardia de Honor na idinirek ni Jay Altarejos.

Mag-ama ang papel nina Allen at Therese sa naturang black-and-white film, na nag-Philippine premiere nitong Agosto 9, 2024, Biyernes, sa Ayala Malls Manila Bay bilang bahagi ng 20th Cinemalaya filmfest.

Read: Is Allen Dizon disappointed at lack of showbiz opportunities despite international acclaim?

Madali bang nahikayat si Therese na makipaghalikan kay Allen?

Mabilis na tugon ni Direk Jay, “Parang… I mean, nabasa naman nila ang script. So, malinaw naman. At saka maraming beses kasi kaming nag-meetings, nag-rehearsals.

“So, malinaw kaagad sa kanila yung ano, kahit kay Laurice [Guillen], alam mo yon.”

ALLEN DIZON ON KISSING SCENE WITH THERESE MALVAR

Hiningan ko rin ng komento si Allen kaugnay sa halikan nila ni Therese.

Pahayag ng multi-awarded actor, “Siguro yung sa amin, pag pelikula siguro, kailangan. Kasi incest, parang incest talaga yung story.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naramdaman ba niyang kinabahan si Therese sa kissing scene nila?

“Siguro nag-ready siya. Kasi in-explain naman ni Direk Jay sa kanya. ‘Ito, ayaw mo pero nagugustuhan mo na rin in a way, yung ginagawa sa yo ni Allen.’

“Kasi, hindi naman siya naka-fix lang. Lumalaban siya sa halikan. So, ibig sabihin, nadadala siya ng ano ng tatay niya.

“Parang ganun din ang pinagdaanan ni Minda, ni Sunshine [Cruz]. Sa tatay niya, parang ganun din…”

PG (Parental Guidance) ang rating ng MTRCB sa Guardia de Honor (Guardian of Honor).

Maliban kina Allen, Therese, Laurice, at Sunshine, kasama sa cast ng Guardia de Honor sina Ina Feleo, Oliver Aquino, Carlos Dala, Marcus Madrigal, Rico Barrera, at Barbara Miguel.

guardia de honor
Therese Malvar, Allen Dizon, and Oliver Aquino in a scene from Guardia de Honor
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA

Mabigat ang tema ng pelikulang Guardia de Honor, at bilang isang magaling na aktres naman si Therese, naintindihan niya ang script na dapat niya talagang gawin.

Bata pa lang si Therese ay isinabak na siya sa maselang tema ng isang pelikula.

Nakilala siya bilang magaling na batang aktres sa Ang Huling Cha-Cha ni Anita (2013) na isa siyang batang tomboy rito.

Kaya talagang hinubog si Therese sa mga magaganda at makabuluhang pelikula kasama ang mga de kalidad na artista.

Read: Therese Malvar shuns intrigues claiming Barbara Miguel left GMA-7 management because of her

Sa ipinakita ni Therese sa Guardia de Honor, kaya na niyang mas mabigat pa at maselang role na puwede niyang gampanan.

Dito sa pelikulang ito ni Direk Jay Altarejos, kung mahina-hina ka sa pag-aarte, dahil magagaling ang lahat ng lead stars dito na sina Laurice Guillen, Allen Dizon, at Sunshine Cruz.

Siyanga pala, sa Cinemalaya XX din ang Philippine premiere ng pelikulang AbeNida nina Allen Dizon at Katrina Halili, sa direksiyon ni Louie Ignacio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang screening ng AbeNida ay Agosto 10, Sabado ng 5:00 P.M., sa Cinema 2 ng Ayala Malls Manila Bay.

Read: Allen Dizon, nag-all-out nudity sa pelikulang AbeNida

NOEL FERRER

Matagal-tagal na sa showbiz si Allen Dizon, na nag-umpisa sa paggawa ng sexy movies.

Nakaranas ba siya ng sexual harassment sa mga bading?

“Wala naman, wala naman. Wala namang sexual harassment,” malumanay na sagot ni Allen.

“Siyempre kung ano ka, kung ginusto mo, gusto mo yun. Hindi harassment yun.

“Kasi puwede namang… you can say ‘no.’ Siguro parang… di ba? Lalo na pag inuman. Siyempre, medyo iwas-iwas ka na pag ayaw mo naman. Di ba?

“Pero kung alam mong may intensiyon sila sa yo, kasalanan mo na yun.”

Walang bading o “independent contractor” sa showbiz na nag-take advantage sa kanya?

“Wala. Saka ako, pag umiinom ako, mas nagiging alert ako pag nakainom ako,” sabi ni Allen.

“Nasa tao pa rin yan kung paano makaiwas. Nasa tao. Di mo na kailangang sisihin yung mga… di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Komo ganun sila, parang pare-pareho na? Hindi. Nasa tao pa rin.”

Read: GMA-7 names "independent contractors" in Sandro Muhlach incident

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Allen Dizon on kissing scene with Therese Malvar (right photo), who plays his daughter in Guardia de Honor: “Siguro nag-ready siya. Kasi in-explain naman ni Direk Jay sa kanya. ‘Ito, ayaw mo pero nagugustuhan mo na rin in a way, yung ginagawa sa yo ni Allen.’ Kasi, hindi naman siya naka-fix lang. Lumalaban siya sa halikan. So, ibig sabihin, nadadala siya ng ano ng tatay niya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results