JERRY OLEA
Magtutuos sina Cherry Pie Picache at Mercedes Cabral sa pelikulang Fatherland, sa direksiyon ni Joel Lamangan.
Kung sa Kapamilya teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo ay mabait at matiisin si Marites na karakter ni Cherry Pie, at mahaderang kabit ang papel ni Mercedes, iba ang dynamics ng dalawang aktres sa pelikulang gagawin.
Read: Direk Joel Lamangan, dumami ang acting offers dahil sa 'Batang Quiapo'
Gaganap si Cherry Pie bilang corrupt na mayor na lahing Intsik at lumaki sa fish pen, samantalang ang papel ni Mercedes ay vice-mayor na priority ang kapakanan ng constituents.
Mas challenging ba kina Cherry Pie at Mercedes ang kani-kanyang karakter sa Fatherland?
Tugon ni Mercedes sa storycon ng movie nitong Agosto 10, 2024, Sabado, sa Manila Hotel, “Kanina kakasabi ko lang kay Miss Pie na na-realize ko, ‘First time pala nating magsasama sa pelikula!’
“Siyempre iba pag TV, iba rin pag film. So, excited din akong makasama siya sa pelikula.
“And yun nga, ngayon ko lang din nalaman yung character na iba. So this is, sa akin, excited na akong mabasa ang script, pag-aralan kung ano yung kaya kong gawin at gagawin ko dun sa character.”
Pahayag ni Cherry Pie, “Ako naman, first of all, we have a very good working relationship ni Ched [palayaw ni Mercedes].
“So excited ako na ibang platform naman yung pagtatrabahuhan namin. But I always tell her sa set na, ‘Naiinggit ako! Palit na tayo ng role!’ Kasi nabu-bore na ako sa role.
“Kasi, di ba? Pag kontrabida or antagonist, laging mas colorful. Mas mapaglalaruan mo, mas may layers.
“Yung ganon, so mas challenging. E, lagi kong sa kanya sinasabi yon. So now, ahhh learning that ako yung bad… I love it! Ha! Ha! Ha! Ha!
“So excited ako. At least, ibang dynamics naman ang makikita nila between the two actors.”
Read: Cherry Pie Picache gets emotional as she talks about 'Batang Quiapo' co-star Coco Martin
FROM CO-STAR TO DIRECTOR
Siyempre, iba rin ang dynamics ng pakikipagtrabaho nila ni Mercedes kay Joel Lamangan na co-actor nila bilang Roda sa FPJ’s Batang Quiapo, at direktor sa pelikulang Fatherland.
Napatango si Cherry Pie, “I’ve worked with Direk Joel, sabi ko nga, lumaki ako sa kanya. He was one of my few directors that I respect and admire, di ba?
“Ano yan, e, old school director. So talagang ibang-iba si Direk.
“And share ko rin kay Ched, sabi niya, ‘Pie, ngayon ko lang makakatrabaho si Direk Joel.’
“Sabi ko, ‘Ay! Dapat, day, handa ka!’”
Sumingit si Direk Joel, “Tinakot mo pa!”
Pagpapatuloy ni Cherry Pie, “Sabi ko sa kanya din, ‘Saka dapat mabilis ka. Hindi ka puwedeng babagal-bagal, aanga-anga!’ Ha! Ha! Ha!
“Hindi ko naman tinakot, Direk. Sa totoo lang po. So ayun, excited. Excited kami.”
Read: Mercedes Cabral emotional over bashing after controversial Facebook post
GORGY RULA
Excited ba si “Roda” na idirek sina “Lena” at “Marites” sa pelikulang Fatherland?
Mabilis na sagot ni Direk Joel Lamangan, “Oo, babawi ako!”
Tawanan ang mga tao at ang pasubali ni Direk Joel, “Di, kasi si Roda ako, di ba? Tatlo kami.
“Yes, kasi nakita ko kung gaano sila kahusay. Co-actor nila ako, e. Nakita ko how good they are. Nakita ko how cooperative they are.
“Nakita ko how progressive their minds are. That’s why I said, ‘Ay! I will direct nga these two.’
“Kaya nandito sila ngayon sa amin. Pero alam ko, gusto ni Cherry Pie, baligtad ang role. Kaya binaliktad ko.
“Salbahe siya ngayon, mabait si Mercedes.”
At kayang-kaya iyon nina Mercedes at Cherry Pie.
“Kayang-kaya nila! Kahit nakapikit ang mga yan, kayang-kaya nila yan, no?!” bulalas ng multi-awarded director.
Maliban kina Mercedes at Cherry Pie, ang iba pang artista ng Fatherland na nasa storycon ay sina Allen Dizon, Iñigo Pascual, Ara Mina, Angel Aquino, at Max Eigenmann.

Pressnt din sina Jim Pebanco, Jeric Gonzales, Yasser Marta, Rico Barrera, Abed Green, Bo Bautista, at Ara Davao.
Ayon sa scriptwriter na si Roy Iglesias, roman a clef ang Fatherland.
Inihayag ng line producer na si Dennis Evangelista na ngayong Agosto 11, Linggo, ang first shooting day nito. Co-producers sa movie sina Engr. Benjie Austria at Harlene Bautista.
NOEL FERRER
Exciting na sa kabila ng estado ng pelikulang Filipino ay may producers pa ring nagpapatuloy sa paggawa ng mga pelikulang kakaiba at napapanahon.
Nasa sa atin nang mga manonood ang responsibilidad para suportahan at tangkilikin sila.
Please lang, magtulung-tulong tayo sa pagtataguyod ng mga pelikulang Filipino, kahit sa labas ng Metro Manila Film Festival.
