JERRY OLEA
Agaw-eksena si Pia Moran bilang Luningning sa pelikulang Lola Magdalena (Granny Prostitutes).
Sa istorya, boylet ni Luningning si Daks (Carlo San Juan). Ikinuha ni Luningning ng hulugang motorsiklo ang kanyang lover boy.
Read: Pia Moran, pinagsisihan ang video scandal niya noong '90s
Nag-Philippine premiere ang Lola Magdalena noong Agosto 9, 2024, Biyernes ng 2:00 P.M., sa Cinema 10 ng Ayala Malls Manila Bay.
Kaugnay iyon sa Cinemalaya Bente: Loob Lalim Lakas (Philippine Independent Film Festival 2024) na magtatapos ngayong Agosto 11, Linggo.
Present sa nasabing screening sina Pia at Carlo, maging ang co-stars na sina Gloria Diaz, Perla Bautista, Liza Lorena, Harlene Bautista, at Jim Pebanco, at ang direktor nilang si Joel Lamangan.
“Ang suwerte ko! Basta masaya ako nabigyan ako ng pagkakataon na maidirek ni Joel Lamangan!” bulalas ni Pia.
“I’m so happy talaga. Wala akong masabi sa ginawa ko.”

Paano siya piniga ni Direk Joel upang ilabas ang kanyang asim at halimuyak?
“Wala, pinaaarte lang ako. Yung natural lang as Luningning. So I’m thankful at nagampanan ko naman,” sey ni Pia.
“Alam mo naman si Direk Joel Lamangan. Pag nagdirek talaga, ibang klase. Lalabas ang akting mo.”
Kumustang katrabaho si Carlo?
“Enjoy! Thank you kay Carlo, ngayon ko lang uli siya nakasama.”
Kaya lang, bitin ang harutan nila ni Carlo…
“Ha! Ha! Ha! Siyempre, hindi naman ipapakita lahat yon! Ha! Ha! Ha!” pagtawa ni Pia.
Read: Carlo San Juan, may kaabang-abang na eksena sa 'Lola Magdalena'

PIA MORAN'S LOVELIFE
Kumusta ang lovelife niya sa totoong buhay?
Mabining napangiti si Pia, “Meron akong lovelife ngayon, yes, oo. Thirty-two years old siya, single. A nurse.”
Totoo ba iyan?
“Totoo yan!”
Pineperahan ba siya ng boyfriend niya, kagaya ni Daks sa pelikula?
“Ay, hindi! Wala, no, no, no, no! He’s a nurse.”
Kailan pa sila naging magdyowa?
“Bago lang kami. Pero magkakilala na kami noong 2020 pa. Ngayon lang nagkatuluyan talaga,” pagtatapat ni Pia.
Bakit? Bakit bumigay siya sa 32-anyos na lalaki?
“Hindi ko alam. Basta, napusuan ko na rin siya.”
Hoping ba siya na magtatagal sila?
“Hoping ako!”
Read: Pia Moran wants another chance in showbiz
NOEL FERRER
Kabilang sa mga pelikula ni Pia Moran ang A Man Called Tolongges (1981), Bonie en Klayd (1981), The Cute… The Sexy n’ The Tiny (1982), Mga Pambato (1982), Nang Umibig Ang Mga Gurang (1982), E. T. is Estong Tutong (1983), Estong Tutong: Ikalawang Yugto (1983), at Rambuto (1985).
Ilang taon na ba siya?
“I’m 61, senior,” walang kagatul-gatol na sagot ni Pia.
May mga nagsasabi na malapit na siyang mag-70, or mag-e-80 years old na raw, pero humahataw pa sa maharot na sayaw. Pang-clickbait lang iyon?
“Ha! Ha! Ha! Ha! No, I’m 61, senior. Ha! Ha! Ha! Bayaan mo na iyong mga nagsasabing malapit na akong mag-80, kahit 90 pa ako!” tili ni Pia.
GORGY RULA
Applicable siguro kay Pia Moran at sa boyfriend niya ang kasabihang, “Age does not matter when you’re in love.”
Sabi-sabi nga, love is beyond reasons. Ang pag-ibig ay walang kinikilalang panahon.
After Lola Magdalena, ano pa ang maasahan kay Pia?
“More, more acting pa!”
May next project na siya?
“Waiting, waiting pa. Waiting pa ako sa next project.”
