JERRY OLEA
Naglabas ng abiso ang MMDA ngayong Agosto 12, 2024, Lunes, sa Facebook kaugnay sa Heroes’ Grand Homecoming Parade.
Ang parada ay para kina two-time 2024 Paris Olympic gold medalist Carlos Yulo, bronze medalists Nesthy Petecio at Aira Villegas, at iba pang Filipino Olympians.
Read: Carlos Yulo wins back-to-back gold medals for the Philippines
Nakatakda ang parada sa Agosto 14, 2024, Miyerkules ng 3:00 P.M.
PARADE ROUTE
Ang RUTA NG PARADA ay mula Aliw Theater hanggang Rizal Memorial Sports Complex: V. Sotto (Aliw Theater), kakaliwa sa Roxas Blvd. kakanan sa P. Burgos Avenue, didiretso sa Finance Road, kakanan sa Taft Ave., kakanan sa Pres. Quirino Ave., kakaliwa sa Adriatico St., kakanan sa Mendiola St., at kakaliwa sa Rizal Memorial Sports Complex.
Magpapatupad ang MMDA ng stop-and-go scheme sa mga intersection na daraanan ng parada.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang maiwasan ang inaasahang mabigat na trapiko.

MGA ALTERNATIBONG RUTA:
NORTHBOUND papuntang R10 — Skyway, Buendia Ave., Taft Avenue, F.B. Harrison Street, A. Mabini Street, Pres. Quirino Ave., Lacson Ave.
SOUTHBOUND — Roxas Blvd., U.N. Avenue, San Marcelino, Quirino Ave. to SLEX

NOEL FERRER
Ang saya lang ng ganitong mga okasyon na pinahahalagahan ng buong bansa ang mga nagbibigay karangalan sa Pilipinas.
Deserve talaga iyan ng ating mga kababayang atleta na sina Carlos Yulo, Nesthy Petecio, at Aira Villegas.
Read: Nesthy Petecio disappointed but accepts defeat at Paris Olympics
Read: PH boxer Aira Villegas wins bronze at Paris Olympics 2024
Sana, isama na rin ang iba pang naglaro at kumatawan sa ating bayan, na kahit hindi nakakuha ng medalya ay ipagkakapuri mo ang pagpupursiging magbigay ng karangalan para sa ating bansa sa gitna ng matinding hamon at limitadong resources.
Napapasana-all din ako na sana, hindi lang sa mga atleta at beauty queen ginagawa ito kundi maging sa hanay natin sa media at entertainment.
Sana, naranasan ito nina Jaclyn Jose, Brillante Mendoza, Lav Diaz, at John Arcilla atbp. na nagwagi sa A-list film festivals.
Basta sana, bigyang-parangal ang lahat na kinakikitaan ng galing at tatag ng mga Pilipinong ating patuloy na sinusuportahan, pinapasalamatan at minamahal!
Read: How much cash do Paris Olympics 2024 gold medalists get?
GORGY RULA
Inaasahang magiging positibo at hindi na mahaluan ng intriga itong pagdating ni Carlos Yulo.
Sana, nandiyan ang kanyang pamilya na may hinampo pa rin sa kanya.
Hindi magandang tingnan kung ang blondinang girlfriend lang ang makikita sa pagparada ni Carlos. Mas maganda kung mabibigyan niya ng panahon ang kanyang pamilya.
Mayroon din kasing umaayon sa kanyang inang si Angelica Yulo.
Ito rin ang hiling ng ama ni Carlos na si Mark Andrew Yulo. Nakahanda siyang mamagitan sa mag-ina para magkaayos lang sila at kalimutan na ang lahat.
Saad ng ama ni Carlos, “Gusto ko sila mag-ayos para matapos na lahat. Mas maganda kung mag-usap silang mag-ina.
“Nahihirapan ako sa asawa ko na maraming salita sa social media. Wala pong katotohanan iun.
“Mahirap pong maging ina. Ako po ang tatayong… nahihirapan din ako sa asawa ko. Walang tulog yan. Ipinagpasa-Diyos ko na lang po lahat. Sana, mag-ayos sila.
“Sana po, pagdating ni Caloy, nawa’y mag-usap kami. Mag-bonding lang po, para masaya na po.
“Wala ng sigalot sa… kasi pinapalala lang po e. Nakadalawang gold yung Pilipinas, tapos ganun. Dapat po masaya tayo. Puro paninira. Dapat magmahalan po tayo.”
Read: Carlos Yulo breaks silence on money issue with his mother
