PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Inigo Pascual, balik-local movie pagkatapos ng Hollywood stint

Inigo: "Masasabi kong mas challenging dito sa Pilipinas kasi mas may puso."
by PEP Troika
Published Aug 14, 2024
inigo pascual fatherland
Inigo Pascual on auditiong for roles in Hollywood: "So, nung simula, parang na-culture shock ako sa ganung kind of, you know, process, and sobra ko kasing nae-enjoy, para akong nag-a-acting class. Every audition ko, parang gumagawa ako ng time para aralin yung kaunting scenes na kailangan kong gawin. And ang dami kong natututunan as an actor na natutunan mo nang ikaw lang iyong gumagawa."
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Nagsimula nang mag-shoot si Inigo Pascual sa kanyang comeback movie sa Pilipinas, ang Fatherland, na dinidirek ni Joel Lamangan.

Read: Inigo Pascual reacts to Maris Racal-Rico Blanco breakup

Nang makausap ng PEP Troika ang singer-actor sa story conference ng Fatherland sa Manila Hotel noong Sabado, August 9, 2024, nakakaramdam na raw siya ng kaba dahil first time siyang maidirek ni Direk Joel Lamangan, at mga premyadong artista pa ang makakasama niya.

Bukod kay Allen Dizon na ama niya sa pelikulang ito, matitindi ang major support na sina Cherry Pie Picache, Richard Yap, Mercedes Cabral, Angel Aquino, Ara Mina, Max Eigenmann, Jeric Gonzale, at marami pa.

Pero excited daw siya dahil iba raw talaga ang pagiging aktor niya sa Pilipinas kesa sa Amerika.

Read: Cherry Pie Picache, "tinakot" si Mercedes Cabral

“Masasabi kong mas challenging dito sa Pilipinas kasi mas may puso. Ang acting po kasi dito sa Philippines, mas malalim ang pinanggagalingan. Mas may hugot,” pakli ni Inigo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Again, I can’t really say so much because I’ve only worked on two projects in the States. I haven’t really worked on enough projects in the States to say in comparisons.

“But on my experience, mas yung preparation para sa pelikula, para sa teleserye, mas heavy po ang pressure sa artist.”

INIGO MUHLACH ON HOLLYWOOD PROJECTS

Malaking break sa Hollywood career ni Inigo na nakasama siya sa isang soap na Monarch.

Pero excited din siya sa isa pa niyang nagawa na pelikula na pinamagatang Homestead, na nakatakdang ipalabas sa Disyembre 2024.

Napakaliit lang daw ang role niya rito, pero gusto niya dahil isang Pinoy terrorist ang character niya.

homestead
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung nag-audition po ako para dun tapos nakuha ako, sobrang dream come true kasi nakapag-Tagalog ako sa Hollywood film.

“And that’s, you know, one check-up sa bucket list, kasi pangarap ko yun, sabi ko, na makapagsalita ng Tagalog sa ibang bansa na pelikula.

“Yung kaeksena ko rin po kasi, si Kuya Mark [Labella], Tagalog din po,” saad ni Inigo.

Itutuloy pa rin daw niya ang pag-aartista niya sa Amerika, pero sa ngayon ay naka-focus daw muna siya sa kanyang acting career dito sa Pilipinas.

Read: Inigo Pascual recounts how he got his big break in Hollywood TV series, Monarch

JERRY OLEA

Nalungkot daw si Inigo na hanggang season one lang ang Monarch, at hindi na ito nasundan.

inigo pascual monarch
Inigo Pascual in a scene from Monarch
Photo/s: @monarchfox on Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nakakalungkot kasi parang in a way, masaya pa rin po ako dahil, you know, I’m able to do some auditions now sa mga projects na pinapanood ko lang. And I’m sad about Monarch which is a beautiful story.

“Nahirapan lang kasi… sa ngayon sa States talaga, pag network project, hindi na siya masyado… hindi na siya katulad ng stream platforms na anywhere, anytime siya mapapanood.

“So, iyon din ang isang challenge sa project namin, and in a way I’m still happy kasi through that, nagkaroon ako ng mga auditions na dun nila binase ba’t nila ako pinag-audition.

“So, in a way it opened some doors for me, opportunities for me to somehow be known in some of the productions out there.

“Sa akin, sobrang grateful po ako dun,” saad ni Inigo.

Read: Fox series ni Inigo Pascual na Monarch, kinansela pagkatapos ng Season 1

NOEL FERRER

Nakapag-adjust na rin daw si Inigo sa mga ginagawa niya sa Amerika na halos twice a week daw siya pumupunta sa mga auditions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung simula po, siyempre hindi naman tayo sanay sa Pilipinas na laging nag-a-audition.

“So, nung simula, parang na-culture shock ako sa ganung kind of, you know, process, and sobra ko kasing nae-enjoy, para akong nag-a-acting class.

“Every audition ko, parang gumagawa ako ng time para aralin yung kaunting scenes na kailangan kong gawin.

“And ang dami kong natututunan as an actor na natutunan mo nang ikaw lang iyong gumagawa.

“And hindi siya… I think auditions are so good kasi alam mong nag-audition ka para sa character na gagawin mo,” pahayag ni Inigo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inigo Pascual on auditiong for roles in Hollywood: "So, nung simula, parang na-culture shock ako sa ganung kind of, you know, process, and sobra ko kasing nae-enjoy, para akong nag-a-acting class. Every audition ko, parang gumagawa ako ng time para aralin yung kaunting scenes na kailangan kong gawin. And ang dami kong natututunan as an actor na natutunan mo nang ikaw lang iyong gumagawa."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results