JERRY OLEA
Kinumpirma ni Vilma Santos na may bagong pelikula siyang gagawin na pamamahalaan nina Direk Dan Villegas at Direk Antonette Jadaone.
“It’s going to be something different,” sambit ng Star for All Seasons sa opening ng Vilma Night! exhibit noong Agosto 10, Sabado sa Archivo 1984 art gallery na nasa La Fuerza Compound, 2241 Chino Roces Avenue, Makati City.
Read: Vilma Santos not pressured to rush MMFF 2024 movie
Ibang-iba iyon sa last movie niyang ginawa, ang MMFF 2023 entry niyang When I Met You In Tokyo na isang simpleng love story.
Dagdag ni Ate Vi, “Expect a dark movie… very challenging! Natsa-challenge ako sa karakter na gagawin ko.”
Ipoprodyus ito ng Mentorque Productions ni John Bryan Diamante, na nag-produce din ng MMFF 2023 entry ni Piolo Pascual na Mallari, at co-producer ng Cinemalaya XX entry na Kono Basho.
Puwede kayang maihabol sa 50th MMFF ang bagong movie ni Ate Vi, para may chance na back-to-back ang pagka-best actress niya?

“Unang-una, maganda lalo na golden ngayon… iniimbitahan ko kayo, suportahan ang golden celebration ng Metro Manila Film Festival this coming December!” bulalas ni Ate Vi.
“Ngayon pa lang, nagpa-plug na ako. Please support, please do support. Ibang klase ang mga ipapalabas na pelikula diyan.
“Pero sa totoo lang, ayoko lang kasing magpa-pressure. Kung anuman, maihahabol o hindi, basta gusto ko, pag nagsyuting ako, I will feel comfortable.
“Hindi dahil kailangang ihabol, o kailangang manalo. Ayoko yung pressure na yun.
“At saka sa edad ko, ayoko nang nape-pressure! So, ayokong ma-stress!
“Basta ang sabi ko lang sa kanila, just in case I’ll do a movie, gusto ko, we will shoot it as it is like we are just shooting a good film.
“Walang kailangang habulin! Walang kailangang ilaban!
“The most important thing, we finish one good film that we can be proud of.”
Palakpakan at sigawan ang Vilmates.
Read: Vilma Santos, walang commitment na MMFF 2024 movie
VILMA SANTOS EXHIBIT
Siyangapala, takaw-pansin sa exhibit ang painting ni Tracie Anglo Dizon na pinamagatang “Saint and Sinner” (2012).
Sa oil on canvas, whole body ang karakter ni Vilma sa pelikulang Burlesk Queen (MMFF 1977), at may naka-inset na baligtad na karakter ni Nora Aunor sa Himala (MMFF 1982).
Read: Vilma Santos, namangha nang makita ang kanyang mga lumang litrato

Napukaw rin ang aking pansin sa isang still photo ng Magkaribal (1977) kung saan walang saplot ang isang lalaking nakatalikod. Si Christopher de Leon ba iyon?

Meron ding still photo na ang title ng movie ay “Sabik na Sabik,” directed by a certain Bondying (K7) Julian.
“Nagkamali lang daw iyon,” sey ng kaibigang Vilmanian for All Seasons na si Eduardo “Jojo” Lim.
Sa pag-Google ko, nagkasama-sama sina Vilma, Jay Ilagan, Romeo Rivera, Celia Rodriguez, Allan Valenzuela, at Romeo Enriquez ay sa pelikulang Coed (1979) sa direksiyon ni Emmanuel H. Borlaza.

Facebook post ng Archivo 1984, “The Vilma Night exhibit will be open for public viewing this FRIDAY & SATURDAY (August 16 & 17) from 1-7pm. Entrance is free — bring your friends!”

GORGY RULA
Sa 49th MMFF, isa si Vilma Santos sa pinakamasipag mag-promote. Panay-panay ang paghihikayat niya sa moviegoers.
“Siguro, gusto kong i-share sa inyo ito… kasi, nung hindi pa nakukuha yung When I Met You In Tokyo, I was able to talk to Mr. Noel Ferrer,” lahad ni Ate Vi.
Si ka-Troikang Noel ang kasalukuyang spokesperson ng MMFF ExeComm.
Pagpapatuloy ni Ate Vi, “Sabi niya sa wake ni Manay Ethel [Ramos], ‘Vi, just in case matanggap yung When I Met You In Tokyo, can you please help para ma-promote natin ang Metro Manila Film Festival?
“Kasi, wala na po talaga noon na nagpupunta sa sine. So sabi, pero ngayon, naiiba.
“Ang kailangang gawin natin ngayon, ibalik natin yung passion ng manonood. Like how? Kailangan daw mag-personal appearance kami muli.
“Kailangan ang mga artista, makita muli ng mga fans para tumaas at maging aktibo muli yung dugo para, ‘Oh my God!’ Ma-excite muli, and they will go to the theaters, and watch the ten MMFF films.
“So, iyon ang ginawa talaga namin ni Mr. Christopher de Leon and the cast.
“Sabi namin, nung makuha yung When I Met You In Tokyo, ‘Well, this is the perfect time.’ Extra effort, nakakapagod…”
Read: Vilma Santos and Christopher de Leon's birthday wish: for moviegoers to return to the cinemas
Nagka-COVID pa noon si Ate Vi, pero tuluy-tuloy ang promo niya. Naka-zoom siya sa mediacon.
“Alam nyo ba, nagmo-mall tour kami, first time, more than 60 years in the industry, natikman kong magtinda ng tiket,” pagbabalik-tanaw ni Ate Vi.
“I mean, not for anything, nagmo-mall show kami, nakarating kami ng Cebu. Nagpaparada kami.
“Ang amin lang intensiyon noon is makita kami ng mas maraming tao. Masiyahan sila so that they will support the Metro Manila Film Festival.
“And I’m not just talking about When I Met You In Tokyo. I am talking about the ten films na ipinalabas.
“And I think naibalik natin. I think the 2023 Metro Manila Film Festival earned almost a billion, di ba?”
Mahigit P1B actually mula Disyembre 23, 2023 hanggang Enero 7, 2024!
Siyangapala, dumalo sa ribbon cutting ng nasabing exhibit ang co-stars ni Vilma sa When I Met You In Tokyo na sina Tirso Cruz III at Lyn Cruz.

NOEL FERRER
Salamat kay Ate Vi talaga at iba pang mga artista at manggagawang Pilipino na laging gumagawa ng hakbang para maibalik ang sigla ng ating industriya.
Simula noong ikalawang linggo ng Enero 2024, wala pa talagang big blockbuster sa mga lokal na panoorin.
Kaninang umaga, matumal pa ang taong nanonood ng Un/Happy For You nina Julia Barretto at Joshua Garcia, na nag-open sa mahigit 200 sinehan nationwide.
Read: Deadpool & Wolverine, naka-$1B na worldwide; Un/Happy For You, showing na sa local cinemas
Pero medyo nag-pick up up na raw ngayong gumagabi at umaaasa pa tayong madadagdagan pa ito sa mga susunod na araw.
Lahat ay gagawin natin para mapaunlad pa ang show business, para naman hindi lang sexual harassment o anumang iba pang di magandang issue ang i-associate sa larangan natin.
Masaya ako at may inihahandang bagong pelikula si Ate Vi. Sana, ang iba rin.
Tulung-tulong tayo at sana, makita natin ang magandang resulta nito.
