GORGY RULA
Proud si Gerald Anderson sa nobyang si Julia Barretto dahil sa box-office success at magandang feedback sa pelikulang Un/Happy For You , a nag-showing sa mahigit 200 cinemas nung Miyerkules, August 14, 2024.
Kapareha ni Julia sa pelikula ang ex-boyfriend nitong si Joshua Garcia.
Read: Joshua Garcia teases Julia Barretto about their kissing scenes
Nag-post si Gerald sa kanyang Instagram Story ng mensahe niya kay Julia.
Sabi niya, “Congratulations. You worked so hard and deserve everything. I'll always be a fan."

UN/HAPPY FOR YOU FIRST-DAY GROSS
May inilabas na press release ang Star Cinema na sa unang araw ng showing ng Un/Happy For You kahapon ay naka-PHP20.5M ito.
Hindi naman daw ito padded, sabi ng aming reliable source.

Maganda kasi ang ginawa ng JoshLia na isinabay sa promo mall shows nila ang pagbebenta ng tickets.
Bukod pa riyan ay ang daming nagpa-block screening kaya talagang sinuportahan ito ng JoshLia fans.
Tingnan natin kung ma-maintain ang lakas nito ngayong araw at sa buong linggo nito.
Sana naman, para may pelikulang lokal naman na tayong nag-hit sa takilya.
Read: Did Julia Barretto and Joshua Garcia miss working together?
NOEL FERRER
Napanood ko ang pelikula at masasabi kong magaling naman talagang umarte sina Joshua at Julia, at worthy sila ng support ng fans.
Maganda rin ang pagiging backdrop ng Bicol sa kuwento, at balik na ang gloss ng mga pelikulang tatak-Star Cinema.
Sabi nga, parang may closure na ang JoshLia bilang tandem.
Sana, hindi ito ang huli nilang paggawa ng pelikula, kasi nga magaling talaga silang umarte!
JERRY OLEA
Ipinagmalaki ng ABS-CBN na itong Un/Happy For You ang pinakamalakas na opening ng pelikulang Pinoy ngayong 2024.
Ngayong Agosto 15, Huwebes, ay 230+ na ang mga sinehan ng reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto.
Nasa cast din ng nasabing JoshLia movie sina Nonie Buencamino, Ketchup Eusebio, John Lapus, Kaila Estrada, Aljon Mendoza, Ana Abad Santos, Victor Silayan, Bong Gonzales, Meann Espinosa, at Bianca de Vera.
Idinirek ito ni Petersen Vargas, na nagdirek din ng A Very Good Girl ni Kathryn Bernardo.
Facebook post ni Direk Petersen sa balitang naka-PHP20.5M on its first day ang Un/Happy For You, “BEST NEWS TO WAKE UP TO TODAY. I just feel like crying all day…”
View this post on Instagram
