JERRY OLEA:
Tatlo ang box office hits ng Cinemalaya Bente: Loob Lalim Lakas.
Ang mga ito ay ang Balota ni Marian Rivera; Gulay Lang, Manong ni Cedrick Juan; at The Hearing nina Mylene Dizon at Enzo Osorio.
Read: Cinemalaya 20: Marian Rivera, Gabby Padilla tie for best actress
Ipinalabas ang mga ito kasabay ng iba pang competing entries, at non-competing films, sa walong sinehan mula Agosto 3, Sabado, hanggang Agosto 11, Linggo.
Apat ang mga sinehan ng mga ito sa Ayala Malls Manila Bay, at tig-iisa sa Trinoma, Greenbelt, Market Market, at UP Town Center.
Sa tingin ninyo, ano ang sasapitin ng indie films na Balota; Gulay Lang, Manong; at The Hearing kung mag-wide release ang mga ito?
Take note na sa awards night ng Cinemalaya XX ay tig-iisa lang ng tropeo ang mga ito.
Wagi ang Balota sa kategoryang best actress (Marian Rivera), ang The Hearing sa kategoryang best actor (Enzo Osorio), at ang Gulay Lang, Manong bilang Audience Award.
Ang pinakamagandang pelikula para sa mga hurado ng 20th Cinemalaya ay ang docufiction na Tumandok, na nakalimang tropeo —best picture, NETPAC Award, best supporting actor (Felipe Ganancial), best screenplay (Arden Rod Condez and Arlie Sweet Sumagaysay), best musical score (Paulo Almaden and the Ati people of Kabarangkalan and Nagpana).
Ang Special Jury Prize ay ang documentary na Alipato at Muog. Wala itong ibang award.
Nakaapat ang Kono Basho — best director (Jaime Pacena II), best actress (Gabby Padilla), best cinematography (Dan Villegas), at best production design (Eero Yves Francisco).
Dalawang tropeo ang nakamit ng An Errand—best editing (Dominic Bekaert) at best sound design (Jedd Dumaguina and Mario Consunji). Magkaiba ng panlasa ang mga hurado at mga manonood ng Cinemalaya Bente.
Iyong tatlong pelikula na kinilala ng mga hurado bilang pinakamagaganda, hindi masyadong pumalo sa takilya.
Read: Lolo ni Carlos Yulo, bakit di nakasama sa airport salubong?
JOSHUA GARCIA AND JULIA BARRETTO MOVIE
Samantala, ang reunion movie nina Joshua Garcia, at Julia Barretto, ay nag-open sa mahigit 200 sinehan noong Agosto 14, Miyerkules.
Read: Joshua Garcia on kissing scenes with Julia Barretto: "Inatake mo ako, e."
Kinabukasan, ibinalita ng Star Cinema sa socmed na PHP20.5M ang first day gross nito. Hindi iyon padded, ayon sa source ng PEP Troika.
Panonoorin ko sana ang bagong JoshLia movie kahapon sa SM Mall of Asia. Nakapila na ako pasado 5:00 p.m.
Sinabihan ang mga nakapila na ang available nang screenings ay para sa 9:30 p.m. at 10:00 p.m. Sold out na iyong mas maaga.
Ibinalita kapagkuwan ng ABS-CBN na 230+ cinemas na ang pinagpapalabasan ng Un/Happy For You on its second day. After a while, naging 250+ cinemas.
Certified box office hit! Bongga ang word-of-mouth!
Ngayong Agosto 16, Biyernes, ipinagmalaki ng ABS-CBN na naka-PHP40M na sa takilya ang Un/Happy For You sa first two days. Mukhang lalakas pa ito this weekend. Malaki ang chance na lumampas sa P100M!!!

Read: Rufa Mae Quinto 16-year rift with Jessa Zaragoza still unresolved
GORGY RULA:
Ayon sa source ng PEP Troika ay naka-PHP19M ang Un/Happy For You on its second day.
Facebook post ng direktor na si Petersen Vargas kahapon, Huwebes (published as is):
"To my Juancho and Zy, thank you for allowing me to tell this story WITH YOU TWO.
"I only have beautiful memories of us three, and the rest of our dearest team, having the time of our lives.
"You two gave it your all, and I’ll forever be grateful to be the one who has seen all that from the very beginning.
"THANK YOU to our audience who made it possible to open with P20.5M on our FIRST DAY!
"I can’t believe it at all, and I can only cry as an iyakin 4-ever. We are now showing in over 230 cinemas nationwide!! Thank you, thank you, thank you.
"I’m happy for us (smiling smiley)."
Si Petersen din ang nagdirek ng A Very Good Girl ni Kathryn Bernardo.
Last year, iyon ang unang pelikula na lumampas sa PHP100M sa takilya, na sinundan ng Five Breakups And A Romance nina Alden Richards at Julia Montes, at ng MMFF 2023 entries na Rewind at Mallari.
Read: Cinemalaya XX: top contenders for best actor at best actress
NOEL FERRER:
Sa premiere night noong Agosto 13, Martes ay ipinahayag nina Joshua at Julia ang kanilang pasasalamat sa kanilang mga tagahanga, pamilya, kaibigan, at mga tao sa likod ng Un/Happy For You.
Ani Joshua bago magsimula ang film screening, "Gusto ko lang magpasalamat sa lahat — sa fans, sa family namin na andito, sa friends namin, sa bosses thank you, sa Star Cinema salamat sa pagtitiwala sa amin ni Julia. Sa Viva Films of course at sa buong team ng Un/Happy For You."
Sabi naman ni Julia, "Sobrang nakaka-overwhelm yung suporta na pinapakita niyo. Sobrang nagpapasalamat kami sa lahat ng efforts niyo. Sana po magustuhan niyo siya."
Ang huling movie ni Joshua ay ang smorgasbord na Fruitcake, na ipinalabas noong Hulyo 12, 2024. Ang huling movie ni Julia ay Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko, na nag-showing sa mga sinehan noong Pebrero 7, 2024.
Nang mag-streaming ito sa Netflix Philippines, hindi ito nag-number one sa Top 10 Movies. Second place lang ito for three consecutive days, Mayo 9 hanggang 11. Pababa na ito nang pababa, and by May 20 ay ligwak na sa Top 10.
