GORGY RULA:
Pawang panlalait at bashing ang inabot ni Senator Robinhood Padilla dahil sa isa sa pinag-usapan sa Senate hearing noong Huwebes, Agosto 15, 2024.
Kaugnay ito sa issue ng sexual harassment na dinidinig sa Senate Committee on Public Information and Mass Media na pinamunuan niya.
Hindi inimbita roon ang sangkot sa isyung dinidinig na si Sandro Muhlach at ang dalawang independent contractors ng GMA-7 na sina Richard “Dode” Cruz at Jojo Nones.
Nag-focus ang pagdinig noong Huwebes sa mga batas na may kaugnayan sa sexual harassment, kabilang ang pag-amyenda sa Rep. Act 8353 na Anti-Rape Law, ang mga posibleng babaguhin sa Safe Spaces Act, pati sa Anti-Bastos Law.
Kasama ni Robin si Senator Francis Tolentino, at isa sa mga resource person ay si Atty. Lorna Kapunan. Meron ding taga-DOLE na present sa hearing.
Nagmarka sa netizens ang ni-raise na isyu ni Sen. Robin tungkol sa pagtatalik ng mga mag-asawa.
Read: Mayor Bryan Celeste in a relationship with Isabelle Bilasano?
ROBIN PADILLA ON HUSBAND'S "SEXUAL RIGHTS"
Tinanong ni Robin kung ano ang saklaw ng batas sakaling tumanggi si misis, at kung ano ang gagawin ni mister kung nag-iinit na raw ito.
Iba ang pagkasabi ni Robin na tila ginigiit ang sinasabi niyang "sexual rights."
Sabi niya kay Atty. Kapunan, "Halimbawa po, Atty., siyempre, hindi mo maiaalis sa mag-asawa na ang paniwala, lalo kami, ako, meron kang sexual rights sa asawa mo, e.
"So, halimbawa hindi mo naman pinipili, e, kung kailan ka yung in heat, ano? So, papano yun, pag ayaw ng asawa mo? So, wala kang ibang paraan talaga, para maano yung lalaki?
"So, paano? Mambabae ka na lang ba? E, di kaso na naman yun.
"Ano ang puwede mong sabihin sa asawa mo na wala sa batas? Paano naman ako? Wala ka sa mood. Paano ako, nasa mood?
"Paano ako? Na puwede niyang gawin na nasa batas na wala naman siyang…
"Wala kaming choice bigla, ganun na lang, matulog ka na lang? Ganun?"
Malumanay ang paliwanag ni Atty. Kapunan na issue ito ng psychosocial at hindi usaping batas.
Pero pilit na tinanong ni Sen. Robin kung ano ang puwedeng gawin ng isang lalaki sa legal na paraan.
"Ganun na lang? Will you help me na lang? Ganun na lang? Mahirap po kasi sa Tagalog, baka bastos ang dating.
"Matulungan mo ba ako o paano kaya? Ano yung puwedeng gawin ng babae? Talagang ‘no’ talaga, bahala ka diyan sa buhay mo, ganun?" giit ni Robin.
Ipinaliwanag ni Atty. Kapunan na may dahilan ang babae kung bakit ito tumatanggi.
"Kung minsan kasi, yung 'no' naman ng babae, hindi naman ano, hindi naman arbitrary.
"For instance, puwede ka… Kagaya ng, well, yung instance na lasing yung asawa or under the influence of drugs at gustong makipag-sex with the wife, ano.
"Siyempre under that circumstance, nagiging violent. Hindi out of love."
Pero pinilit pa rin ni Robin ang kanyang punto na paano kung walang violence at hindi rin lasing, kundi dahil sa nag-iinit lang daw talaga ang lalaki.
"Siguro naman, sasang-ayon naman sa akin ang taumbayan na may iba talagang urge ang mga lalaki talaga. May urge na talagang andun, e.
"So, papano yun? Andiyan yung asawa mo to serve you, ayaw niya?
"Anong puwedeng ano para hindi ako mareklamo ng asawa ko? Ano ang puwede kong sabihin sa kanya na, 'Mahal o Babe, ano ba? Please help me,'" dagdag ni Robin.
Read: Aljur Abrenica, AJ Raval spotted at an event with a young girl
ATTY. LORNA KAPUNAN: "MUTUAL RESPECT" IS KEY
Sa puntong ito ay diniretso na ni Atty. Kapunan na ang sexual intimacy sa pagitan ng mag-asawa ay hindi ipinipilit.
"Counselling po ang kailangan diyan o magdasal na lang kayo. Iko-correct ko lang… manood na lang kayo ng Netflix o ng Koreanovela," suhestiyon ng abogada sa kung ano ang puwedeng gawin ni mister kung ayaw ni misis.
Dagdag ni Atty. Kapunan: "That’s important yung issue ng mutual respect. If your spouse refuses, whether valid or hindi, respetuhin natin yung decision ng wife or nung husband in that case.
"The other thing po is yung statement ng Chair, with all due respect, hindi po obligasyon ng isang wife, sabi mo is to serve the husband."
Ipinaliwanag din ng abogada na nakapaloob sa batas ang kahalagahan ng respeto ng mag-asawa sa isa't isa.
"In fact, idadagdag ko lang, kasi marami pong lalaking nakikinig, sa Family Code po natin…
"Ibang Family Code naman ito, we amended to remove the obligation of obedience.
"Sa old civil code, 1930s din yung old civil code na yan, nakalagay diyan, 'the wife should obey the husband.'
"Ngayon, wala nang obey-obey ng husband. Pinalitan na yan. Yung family code, ini-revise nung 1988.
"Ang nakalagay na diyan, 'husband and wife are obliged to mutually respect each other.'
"So, mutual respect na ngayon."
Read: Sandro Muhlach formally files complaint at NBI
JERRY OLEA:
Napag-alaman ng PEP Troika na itutuloy uli ang hearing, at inimbitahan na dito sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Hindi pa tiyak kung maghaharap sila ni Sandro Muhlach, dahil nabanggit sa nakaraang hearing na hindi raw kayang humarap ni Sandro sa dalawang independent contractors.
Tinanong ng PEP Troika si Atty. Maggie Abraham-Garduque kung ano pa ang pag-uusapan sa kasunod na hearing.
Nabanggit sa huling pagdinig na may sapat na ebidensya raw para kasuhan ang mga kliyente niya.
Wala pa raw alam si Atty. Garduque kung ano ang mangyayari sa Lunes.
"Hindi ko rin alam, e,” pakli ni Atty. Maggie.
Patuloy ni Atty. Maggie: "As far as I know during the last hearing, there was already a finding that there is a strong evidence to file a case against my clients, so they are directing NBI to file the case already.
"I really don’t know what else is needed of them.
"At any rate, they cannot be convicted in the Senate because only the courts of law can do that."
Noong Miyerkules, August 14, dumulog si Atty. Maggie sa NBI para magsumite ng supplemental counter affidavit.
"May mga idinagdag kaming counter-allegations and ebidensya laban sa reklamo ni Sandro Muhlach," sabi pa ng legal counsel ng dalawang independent contractors na sina Richard Nones at Jojo Nones.
Read: Jojo Nones, Dode Cruz deny allegations of Sandro Muhlach
NOEL FERRER:
Marami ang nagtatanong kung kailangan pa ba itong pag-usapan sa Senado.
Noong nakaraang Senate hearing na ipinatawag ni Senator Robin Padilla, iminungkahi ni Senator Francis Tolentino na isa sana sa mga babaguhin ay ang proseso sa reklamo ng isang biktima ng sexual harassment.
Dumadaan ito sa mahabang proseso sa Committee on Decorum ang Investigation (CODI).
Mahaba ang pagdadaanan ng biktima bago niya makuha ang hustisya sa ginawang sexual harassment.
Kagaya nitong kay Sandro Muhlach na kailangan pa bang imbestigahan ng Senado kung nasa NBI pa ito.
Saad ni Tolentino, "Kung dadaan pa sa CODI, napakatagal. Tapos dadaan pa sa fiscal, ang haba pa ng hearing na niyan. Ang dami na. Lilitaw na yan sa ano.
"Samantala, kung diretso na, medical certificate, yung sa psychologist, et cetera, et cetera, mas madali, nakakuha na ng compensation and it will serve the same purpose, na-penalize din yung si employer o yung si principal o si teacher. Managot din siya.
"Mas matagal pa nga sa criminal law, matagal yan. Kung anu-ano pa, ang haba niyan.
"While wating for the verdict, magsa-suffer lalo ng emotional distress yung complainant niyan kasi covered ng social media, media, lahat. Tapos open naman yung ano… hindi naman close door yung hearing.
"Kahit hindi artista, iyun din ang lalabas niyan, na-expose din yung privacy niya, nabawasan din yung kanyang dignidad. Is that the right track for this committee to pursue?"
Magdadasal na lang din ba tayo para umayos ang Senate hearings tulad nito?
