PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

December Avenue, ready na ang kanta para sa KathDen movie sequel

December Avenue, di pa raw tinatawagan para sa bagong KathDen movie.
by PEP Troika
Published Aug 21, 2024
december avenue
December Avenue will celebrate its 15th anniversary, via Sa Ilalim ng mga Bituin: December Avenue Concert, at SM MOA Arena on August 30, 2024.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Nagsu-shooting pa lang sa Canada sina Kathryn Bernardo at Alden Richards para sa pelikulang Hello, Love, Again, pinag-uusapan na at natanong sa bandang December Avenue kung sila pa rin ba ang kakanta ng magiging theme song ng pelikula.

Ang kantang "Kung Di Rin Lang Ikaw" at "Sa Ngalan ng Pag-ibig" ang mga ginamit na kanta sa Hello, Love, Goodbye (2019), at lalong nag-hit ang mga kantang ito. Pero nakatulong din ito sa box-office success ng pelikula.

Read: Kathryn Bernardo, Alden Richards reunite in Hello, Love, Again

So far, patuloy pang tumataas ang views ng music video ng dalawang kantang ito ng December Avenue.

Ang "Kung Di Rin Lang Ikaw" ay naka-170M views na at isa ito sa paboritong kinakanta ni Alden sa mga show niya.

Ang "Sa Ngalan ng Pag-ibig" naman ay naka-128M views na.

Kaya inaasahan ng karamihan na ang December Avenue pa rin ang kakanta sa theme song ng sequel ng KathDen movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
hello love goodbye

ANOTHER DECEMBER AVENUE SONG FOR KATHDEN MOVIE?

Nakatsikahan namin ang December Avenue sa kanilang media conference ngayong Martes, August 20 sa Okada Manila.

Selebrasyon ito ng kanilang 15th anniversary, na ang pamagat ng kanilang concert ay Sa Ilalim ng mga Bituin: December Avenue Concert na gaganapin sa SM MOA Arena sa August 30.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sabi ng vocalist nilang si Zel Bautista, may ginawang kanta ang drummer nilang si Jet Danao na gusto sana nilang ialok sa Star Cinema para sa reunion movie ng KathDen.

“Given the chance, why not? Pero of course, very honored po to be part of the first movie.

“As much as possible, siyempre gusto namin talaga. Pero we haven’t heard from Direk Cathy pa e,” pagtukoy ni Zel sa direktor ng KathDen movie na si Cathy Garcia-Sampana.

Wala pa raw talaga silang ginawang kanta para sa pelikula nina Kathryn at Alden dahil hindi pa sila kinakausap. Pero gustung-gusto nilang gawin ito.

Sa katunayan ay meron na raw silang inihandang kanta na sana magustuhan daw ni Direk Cathy Garcia-Sampana.

“Para sa kanya talaga yung sinusulat niya. Mga experiences niya,” pakli ni Zel, na tinuturo si Jet na siyang gumawa ng kanta.

“Hindi pa po yata puwede,” tila naalangang pahayag ni Jet.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mahirap daw i-claim dahil wala pa naman daw sinasabi sa kanila ang taga-Star Cinema.

Samantala, soldout na pala ang tickets sa concert ng December Avenue kaya nagbukas daw sila ng additional SRO tickets para sa mga hindi pa nakabili.

Read: December Avenue members reveal juggling day jobs despite having viral hit songs

december avenue tickets
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Ang title ng kanta na tingin nila ay puwedeng gamiting theme song ng Hello, Love, Again ay ang "Paraya."

Isang hugot song iyon na ginawa ni Jet Danao hango raw sa karanasan niya sa pag-ibig.

“Ano lang naman… personal experience din about letting go. Mas pinili mong maging masaya siya.

“Sa movie, hindi namin alam kung ano yung puwede, e. Malay niyo kung sakali. Baka matugma naman, e,” saad ni Jet Danao.

Nagpapasalamat ang lahat ng miyembro ng December Avenue sa Star Cinema dahil sa naging bahagi sila sa success ng Hello, Love, Goodbye.

Hindi naman daw nila ikaka-hurt sakaling hindi sila ang pakakantahin ng theme song dito sa Hello, Love, Again.

“Hindi naman po. Kasi yung first time na ginamit na "Kung Di Rin Lang Ikaw" sa movie is actually a great opportunity for us and we’re very thankful.

“Of course, yung decision is nasa kanila naman po, e. If we’re be given the chance again, why not?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“If yung ibang artist naman ang mabigyan ng pagkakataon, then we’re happy for that,” tugon ni Zel Bautista.

Ang iba pang members ng December Avenue, bukod kina Zel at Jet, ay ang lead guitarist nilang si Jem Manuel, Don Gregorio na bass guitar, at si Gelo Cruz sa keyboard.

JERRY OLEA

Maraming bagong awit ang Kapamilya labels na Star Pop at Star Music na puwedeng pagpilian para maging theme song/s ng bagong KathDen movie na Hello, Love, Again. Napapakinggan ang mga ito sa iba’t ibang streaming platforms.

REGINE VELASQUEZ

Unang-una na, ang remake ni Regine Velasquez-Alcasid ng 2010 hit song ng American rock band na Paramore na “The Only Exception.”

Ito ang pangalawang single na bahagi ng revival album ni Regine na Reginified na binubuo sa ilalim ng Star Music.

Sa pamamagitan nito, unti-unting ipinapakilala ang unang karakter sa Reginified multiverse na isang mapagmahal na asawa.

Handog ni Regine ang “The Only Exception” sa kanyang asawang si Ogie Alcasid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
regine velasquez
Regine Velasquez
Photo/s: Star Music

DREI SUGAY

Mga agam-agam sa buhay ang ibinuhos ng dating Idol Philippines season 2 contestant na si Drei Sugay sa kanyang bagong alternative rock single na “idk anymore.”

Ibinahagi ni Drei sa isinulat na awitin ang mga pag-aalinlangan at pangambang gumugulo sa kanyang isipan at ang tanong kung matatagpuan pa kaya niya ang hinahanap sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakilala si Drei nang sumali siya sa The Voice Teens Philippines Season 1 kung saan naging coach niya si Apl.de.Ap.

Noong 2022, sumabak siya sa ikalawang season ng Idol PH at naging isa sa Rop 12 contestants nito.

drei sugay
Drei Sugay
Photo/s: Star Music

BRYAN CHONG

Relatable na kuwento tungkol sa pag-ibig at mixed signals ang ibinahagi ng dating Idol Philippines Season 2 contestant na si Bryan Chong sa kanyang remake ng Himig 11th Edition Best Song na “Marupok.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unang inawit ni KZ Tandingan ang kanta tungkol sa pagiging “marupok” o ang Gen Z term para sa mga taong madaling mahulog pagdating sa pag-ibig.

Unang nakilala si Bryan sa first season ng The Voice Teens Philippines kung saan pinahanga niya ang mga manonood at si Sarah Geronimo sa kanyang rendition ng "Kahit Kailan" noong 2017.

Sumabak din siya sa Idol PH at hinirang bilang fourth runner-up noong 2022.

bryan chong
Bryan Chong
Photo/s: Star Music
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VIVOREE

Inilunsad ni Vivoree ang bagong extended play (EP) na movie made for me na hango sa kanyang mga pangarap at kuwento ng pag-ibig.

Ibinahagi ni Vivoree sa carrier track na “movie made for me” ang pagiging matatag sa gitna ng pagsubok at pag-abot sa kanyang mga pangarap.

Tampok din sa EP ang bagong awitin na “IDLYLT” at iba pang awitin tulad ng “Matapang,” “Dalawang Isip,” at “Sayaw Ng Mga Tala.”

Unang nakilala si Vivoree bilang dating housemate sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016.

Ipinamalas niya rin ang husay sa pag-arte nang bumida siya sa iba’t ibang serye tulad ng He’s Into Her, Can’t Buy Me Love, The Iron Heart, at Tara, G!

Naging bahagi rin siya ng Tabing Ilog Musical bilang Eds. May re-run ang nasabing musical simula Nobyembre hanggang Disyembre.

vivoree
Vivoree
Photo/s: Star MusiC
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PEYTON GARCIA

Filipino-Canadian artist Peyton Garcia cruises through different stages of love in his new EP Wishful Thoughts.

The mini-album features five songs, including the focus track “Way It Was,” which delves into sudden heartbreak caused by unexpected changes in a relationship.

Peyton composed all the tracks including his previously released singles “Vanilla Bean” and “Tension” and other songs such as “Akin Ka” and “No Vacancy.”

The Toronto native honed his passion for music by expressing his feelings and stories through songwriting.

As a Mini Pop Kids alumnus, Peyton toured across US and Canada, recorded several songs, and starred in music videos that were featured on ET Canada.

peyton garcia
Peyton Garcia
Photo/s: Star Music
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
December Avenue will celebrate its 15th anniversary, via Sa Ilalim ng mga Bituin: December Avenue Concert, at SM MOA Arena on August 30, 2024.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results