GORGY RULA
Kapansin-pansing ilang linggo nang mababa ang viewership ng mga panghapong programa.
Ang game show ni Dingdong Dantes na Family Feud ang madalas nangunguna sa Afternoon Prime, pero hindi pa rin mataas ang ratings nito ikumpara sa mga nakaraang buwan.
Read: GMA insiders stunned by mention of "rape" in Gerald Santos senate testimony
Noong Biyernes, August 16, 2024, hindi impressive ang ratings ng mga programang sinimulan ng It’s Showtime at Eat Bulaga!.
Nung araw na yun ay naka-6.6% lamang ang It’s Showtime, at ang Eat Bulaga! ay 3.6% naman.
Nakikita na sa tanghali pa lang ay bawas na ang viewership, hindi kagaya nung mga nakaraang araw na talagang namamayagpag sa 8% ang rating ng noontime show nina Vice Ganda.
AFTERNOON PROGRAMS
Pati ang mga afternoon drama ay hindi na rin ganoon kataas ang nakukuha nilang ratings kahit malayo pa rin ang agwat sa mga nakakatapat na programa.
Ang Abot-Kamay Na Pangarap ay 7.8% lamang noong araw na yun. Medyo mas mataas ang Lilet Matias: Attorney-At-Law na naka-7.9%.
Sumunod ang Fast Talk With Boy Abunda na 5.1%. Ang Voltes V: Legacy ay 4%, at sumapaw rito ang Wil To Win na 1.8% ang rating.
Pagkatapos ng Voltes V: Legacy ay ang The Betrayal na naka-2.8%.
Tumaas lang ulit pagdating sa Family Feud na naka-8.1%. Tumapat naman dito ang Goin’ Bulilit na 0.4% lamang.
Noong Lunes, August 19, mababa pa rin ang viewership sa panghapon.
Ang It’s Showtime ay 6.8%, at 3.9% naman ang Eat Bulaga!.
Ang Abot-Kamay na Pangarap ay medyo tumaas sa 8.3%. Bigla namang bumaba ang Lilet Matias na 6.7%.
Bumaba rin ang Fast Talk With Boy Abunda na naka-3.4% lamang.
Ang Voltes V: Legacy ay 3.7%, at ang Wil To Win ay ganun pa rin sa 1.8%.
Ang Family Feud pa rin ang pinakamataas na naka-8.8%.
NOEL FERRER
Ang sabi ng ilan, simula nang pumutok ang isyung sexual harassment na kinasangkutan ni Sandro Muhlach at ng dalawang GMA-7 independent contractors na sina Richard Cruz at Jojo Nones, tumuluy-tuloy na raw ang pagbaba ng viewership sa mga programa sa telebisyon.
Read: Sandro Muhlach naghain ng reklamong rape, acts of lasciviousness
Nabaling ang atensiyon ng publiko sa mainit na isyung ito at mas gusto nilang tutukan ang hearing sa Senado, kesa sa dramang nasusubaybayan sa telebisyon.
Noong Martes, August 20, ay mababa rin ang ratings ng panghapong programa.
Ang It’s Showtime ay 6.3%, at ang Eat Bulaga! ay 3.8%.
Sumunod ang Abot-Kamay Na Pangarap na 7.5%. Ganundin ang Lilet Matias na naka-7.5%.
Medyo umangat nang konti ang Fast Talk With Boy Abunda na naka-4.3%.
Ang Voltes V: Legacy naman ay 3.8%, at hindi pa rin sumampa sa 2 percent ang Wil To Win na naka-1.9% nung araw na yun.
Ang The Betrayal ay 2.7%, at ang Family Feud ay 7.9%.
JERRY OLEA
Tingnan natin sa susunod na buwan kung saan magsisimula na ang bagong afternoon drama ng GMA-7 na The Shining Inheritance. Ito raw ang papalit sa Voltes V: Legacy.
Sabi naman ng ilang napagtanungan ng PEP Troika, hindi sila gaanong nabahala sa pagbaba ng viewership sa hapon.
Nagsimula na kasi ang pasukan at karamihan ay nasa trabaho na at sa school. Kaya nabawasan talaga ng televiewers sa oras na iyon.
Bukod dito, marami na rin ang mas preferred manood sa YouTube at iba pang platforms.
Hindi naman kataka-taka na ganoon lamang ang ratings ng Wil To Win kumpara sa Family Feud. So-so rin lang noon ang ratings ng Wowowin: Tutok Para Manalo, di ba?
Sa primetime ay waging-wagi pa rin FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin.
Malaki ang agwat nito sa Pulang Araw nina Alden Richards, Sanya Lopez, Barbie Forteza, David Licauco, at Dennis Trillo.
Panalo pa rin ang Widows’ War at Asawa Ng Asawa Ko kumpara sa mga katapat na Pamilya Sagrado at High Street, respectively.
