Trigger warning: Mention of sexual harassment, sexual abuse, sexual molestation
JERRY OLEA
“Life imitates Art far more than Art imitates Life,” sabi ng Irish poet and playwright na si Oscar Wilde (1854-1900) sa sanaysay niyang The Decay of Lying — An Observation (1891).
Sumagi iyan sa isip ko kaugnay sa kaso ng sexual harassment, abuse o molestation na inireklamo nina Sandro Muhlach, Gerald Santos, at unnamed male talent-researcher ng TV5.
May mga pagkakapareho ang kanilang reklamo, pero marami ring pagkakaiba with one another.
Read: Niño Muhlach gets emotional at Senate hearing on son's ordeal
JUSTIN DE LEON RECALLS STARRING IN FLOY QUINTOS' PLAY
Ang sirkus na kaakibat ng mga eskandalong ito ay dinalirot sa dulang Floy Quintos’ Shock Value, na kung hindi ako nagkakamali ay unang itinanghal noong 2006, at nagbalik-entablado noong Setyembre 2010.
Ang nasabing dula ay bahagi sa Volume 1 ng e-book na Collected Plays by Floy Quintos.

Ang tatlo pang dula sa koleksyon ay Fluid, Laro, at Ang Kalungkutan ng mga Reyna.
Ang logline ng Floy Quintos’ Shock Value, “A behind-the-scenes peek into the world of television and its beautiful monsters.”
Read: Playwright and director Floy Quintos dies
Noong 2010 ko napanood ang dula, kung saan gumanap na “biktima” raw ng panggagahasa ng gay TV host (Andoy Ranay) ang member ng Viva Hot Men at Men of Provoq na si Justin de Leon.
May ka-alternate si Justin sa nasabing role.
Sa pagkakatanda ko sa istorya, ilang taong magdyowa ang papel nina Justin at Andoy. Maghihiwalay na sila.
Nagsumbong kapagkuwan si Justin sa pulis. Menor de edad pa raw siya, at tinira siya sa wetpaks.
“Antagal na po nun, tito, hindi ko na matandaan. Nag-adlib po ako dun,” sabi ni Justin nang makatsikahan ko nitong Agosto 22, Huwebes, sa Makati City.
Maliban sa mga pelikulang Matthew, Mark, Luke, John (2005), Ang Lalaki sa Parola (2007), Paupahan (2008), at Pulupot (2010), video movies na Erotica: Lessons of the Flesh (2005) at Pantasya (2007), among others, maraming TV shows ang nag-character role si Justin.
Nakaranas ba siya ng pagsasamantala o pang-aabuso mula sa mga bakla sa TV industry?
“Walang umabuso. Hindi nga sumikat, Tito,” tugon ni Justin.
Batid ni Justin na may mga sikat na aktor sa TV at pelikula na pumatol sa gays na may puwesto at kapangyarihan para umangat ang kani-kanyang career.
Marami ring artista-artistahang nagpagamit o nanggamit ng bakla pero sa pansitan o kangkungan pinulot.

SANDRO, GERALD, UNNAMED TALENT
May kani-kanyang shock value ang kaso nina Sandro, Gerald, at unnamed talent ng TV5.
Kay Sandro na 23-anyos, dalawang gays ang inireklamo niya. May sangkot daw na droga. At isa siyang Muhlach, bahagi ng prominenteng angkan sa local showbiz.
Read: Sandro Muhlach speaks up about sexual abuse
Kay Gerald, kinse (15) anyos siya nang maganap ang incident with the musical director. Menor de edad siya.
Read: Gerald Santos speaks up about "sexual harassment" at 15
At sa 22-anyos na unnamed male talent, hindi niya sukat-akalain na ang kainuman niyang boss ay may bahid dahil ito’y may asawang babae, may anak na babae, at member ng choir.
Read: Talent accuses TV5 program manager of sexual harassment
“Life doesn’t imitate art, it imitates bad television.” — Woody Allen (born 1935)
NOEL FERRER
Speaking of Floy Quintos’ collection of plays, pawang out-of-stock na ang mga naunang volumes niya ng dula.
Ang huli niyang anthology ay inaayos na at ilalabas naman ng UP Press kasama riyan ang Angry Christ, Kundiman Party, Reconciliation Dinner, at ang pinakahuli niya na itatanghal ulit sa Arete sa Ateneo na Grace.
Kaugnay sa Floy Quintos’ Shock Value, sana’y mai-mount at maipalabas ulit ito soon lalo pa’t napapanahon ang tema nito.
Ang manunulat na si Oscar Wilde ay nagsulat ng nobelang The Picture of Dorian (1890).
Meron siyang asawa, si Constance Lloyd, na pumanaw noong 1898. Dalawang lalaki ang anak nila, sina Cyril at Vyvyan.

Iyong sanaysay niyang The Decay of Lying ay isang Socratic dialogue sa dalawang lalaking karakter na ang pangalan ay Vivian at Cyril.
Convicted criminal si Oscar dahil sa gross indecency for homosexual acts. Nakulong siya noong Mayo 25, 1895 hanggang Mayo 18, 1897.
Bahagi ng tula niyang The Ballad of Reading Gaol (1897) na batbat ng simbolismo sa buhay ng mga bilanggo:
Yet each man kills the thing he loves,
By each let this be heard,
Some do it with a bitter look,
Some with a flattering word,
The coward does it with a kiss,
The brave man with a sword!
Some kill their love when they are young,
And some when they are old;
Some strangle with the hands of Lust,
Some with the hands of Gold:
The kindest use a knife, because
The dead so soon grow cold.
Some love too little, some too long,
Some sell, and others buy;
Some do the deed with many tears,
And some without a sigh:
For each man kills the thing he loves,
Yet each man does not die.
As for Justin de Leon, nagbabalak ba siyang magbalik showbiz? Hindi kaya ninanais niyang kausapin si Coco Martin para maisama siya sa toprating teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo?
GORGY RULA
Hindi na bago itong mainit na pinag-uusapang sexual harassment or molestation.
Aware ang ilang beteranong artista na may ganoong kalakaran sa local showbiz noon pa.
Ang iba ay hindi na lang umiimik dahil kailangan nila para sa kanilang career.
Ang iba naman ay masasabing mga “willing victim.”
MON CONFIADO ON SEXUAL HARASSMENT IN SHOWBIZ
Sa shooting ng isang pelikula, habang break ay nag-usap ang dalawang character actors na magpapa-BJ sila sa gay director para umangat ang kanilang career.
Naka-on ang lapel mic nila at narinig iyon ng multi-awarded veteran director na agad tinilian ang dalawang barako at sinabihang hindi niya papatulan ang mga ito.
Isa sa hiningan namin ng opinyon sa usaping ito ay ang premyadong aktor na si Mon Confiado.

Nag-promote siya ng pelikula niyang The Expat sa programa namin sa DZRH noong Miyerkules, Agosto 21, at nagpapasalamat siyang hindi niya naranasan ang sexual abuse or harassment noong nagsisimula pa lamang siya.
Sampung taon daw siyang pa-extra-extra, dahil wala siyang pinatulan sa mga nagpaparamdam, at wala namang nang-harass sa kanya noong nagsisimula pa lamang siya.
“Normal kasi yun sa industriya natin kung may nagkakagusto sa yo, bading man yan, o straight, o tibo man para sa babae. Very normal yan, kasi hindi lang naman sa industriya natin nangyayari yan. Kahit naman saang field may ganyan, di ba?
“Yung harassment, suwerte naman hindi ko naranasan yan. Wala rin akong nabalitaan.
“Alam ko normal na nagkaroon ng relasyon. Nagkakaroon ng gamitan, di ba? Maraming sumasakay o pumapatol para magkaroon ng career.
“Pero yung harassment, parang sa akin mismo, hindi nangyari yan. At wala din akong nakilala na nabalitaan ko na na-harass katulad ng mga nangyayari ngayon sa industriya natin. Palagay ko, medyo ano lang din, timing-timing lang.
“Sa case ko, wala naman akong na-experience na masama. Kaya nga kumbaga… otherwise, sana siguro kung may ganyan ako, baka first year or second year ko pa lang, bida na ako o maganda na career ko. Kaya lang, mga sampung taon yata akong extra e,” saad ni Mon.
Read: Mon Confiado reveals struggle in "de-roling" after shooting Nanahimik ang Gabi
SANDRO MUHLACH TO VISIT SPARKLE OFFICE
Samantala, napag-alaman ng PEP Troika na pumunta pala si Sandro sa Sparkle ng GMA Artist Center para magpasalamat sa suportang ibinigay sa kanya ng naturang talent management arm ng GMA-7.
Pero sa panahon ngayon, handa na kayang bumalik sa trabaho si Sandro? Handa na rin kaya ang ilang producers na kunin siya?
Karamihan ay iniiwas na lang para hindi na mapag-usapan muli ang mapait na naranasan niya.
Sa ngayon ay mukhang hindi pa rin handa si Sandro na bumalik sa trabaho at gawing normal na ang takbo ng buhay niya.
