JERRY OLEA
Umabot na sa PHP200M ang kinita ng pelikulang Un/Happy For You as of August 22, 2024, Thursday.
Ibinalita ito ng ABS-CBN News sa socmed ngayong araw.
Matatandaang PHP20.5M ang kinita ng comeback movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto nang mag-open ito sa 200+ cinemas noong Agosto 14, Miyerkules.
Read: Gerald, binati si Julia sa box-office success ng JoshLia movie
WORD OF MOUTH
Bongga ang word-of-mouth sa JoshLia movie na co-produced ng Star Cinema at Viva Films.
Read: Un/Happy For You: An acquired taste for love's hard truths
Parami nang parami ang mga sinehan nito hanggang umabot sa 350 sinehan noong weekend.
Palaki rin nang palaki ang cumulative gross.
Sa first two days, PHP40M.
Sa first three days, PHP65M.
At sa first four days, PHP104M.
Opisyal na ini-announce ng Star Cinema ang figures na iyan sa socmed.
Nabalitaan natin na for five days, Wednesday to Sunday, ay lumampas ito sa PHP150M.
Siyempre, medyo humupa na by August 19, Monday.
Ayon sa source ng PEP Troika ay PHP170M na ang kinita nito sa anim na araw.
At sa ikasiyam na araw ay naka-PHP200M na ang Un/Happy for You, na idinirek ni Petersen Vargas.
Ang sad news… naglipana na sa Facebook ang pirated copies ng Un/Happy For You. Iyong katabi ko sa jeep kahapon, pinapanood iyon sa FB.
Read: Joshua Garcia teases Julia Barretto about their kissing scenes
NOEL FERRER
INTERNATIONAL SCREENINGS
Ayon sa X (dating Twitter) account ng Star Cinema ay ngayong Agosto 22, Huwebes, ang nag-umpisa ang international screenings ng Un/Happy for You sa Australia, New Zealand, United Arab Emirates (UAE), at Kingdom of Saudi Arabia (KSA).
Noong una’y sa Australia at New Zealand lamang magbu-buena mano ang international screenings ng JoshLia movie, at coming soon pa lang sana sa UAE at KSA.
Sa Australia, showing ito sa select cinemas across the Australian Capital Territory, New South Wales, Northern Territory, Queensland, South Australia, Victoria, and Western Australia.
Sa New Zealand, ang screening ay sa select cinemas sa Auckland, Hamilton, and Christchurch.
Agosto 23, Biyernes, naman ang umpisa ng international screenings sa North America, Guam at Saipan.
Sa United States of America (USA), bukas ang screenings sa select cinemas across Northern and Southern California, the East Coast, the Midwest, South Central, and other states.
Sa Canada, catch the film tomorrow in select cinemas in Alberta, British Columbia, Manitoba, Ontario, and Saskatchewan.
Sa Guam, enjoy the film at MM Theaters.
At sa Saipan, magpapainit ito sa Regal Theaters.
Ikinakasa pa ang international screenings sa Oman, Qatar, Bahrain, Cambodia, Malta, Italy (Rome at Milan), at iba pa.
Sa darating na long weekend, sana’y lalo pang dumami ang sumuporta sa pelikulang lokal.

GORGY RULA
Noong Agosto 14, Miyerkules na opening day ng Un/Happy for You, ginanap ang heroes’ welcome parade para kay Carlos Yulo at iba pang Pinoy Olympians na lumahok sa 2024 Paris Olympics.
Nag-umpisa ang parada sa Aliw Theater sa Pasay City, at nagtapos sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.
Nagkagulo siyempre ang mga Pinoy sa pagparada ni Caloy na nag-uwi ng dalawang gintong medalya, habang mainit naman ang pagtanggap ng moviegoers sa reunion movie ng JoshLia.
Maraming block screenings ang Un/Happy For You sa first day, pero marami rin ang walk-ins sa mga sinehan, at positibo ang word-of-mouth kaya naging “must watch” sa maraming film enthusiasts ang panonood nito.
Ito ang first movie na tumipak sa takilya this year.
Bago ito, may nauna nang movie sina Julia Barretto at Joshua Garcia this year.
Katambal ni Julia si Aga Muhlach sa pelikulang Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko na ipinalabas noong Pebrero, samantalang love interest ni Joshua si Heaven Peralejo sa smorgasbord movie na Fruitcake na nag-showing noong Hunyo.
Parehong matamlay ang mga iyon sa takilya.
Maski nang mag-streaming sa Netflix Philippines ang Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko ay underwhelming ang performance nito.
Pero ang balik-tambalan nila, sa umpisa pa lang ng pelikula ay lasap na lasap na ang init-anghang!
Iyong paglalapat ng kanilang mga labi, swak sa mga mapusok at marupok!
