JERRY OLEA
Nanguna ang Elevator nina Paulo Avelino at Kylie Verzosa sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines ngayong Agosto 23, 2024, Biyernes.
Kinabog ng Elevator ang action-comedy-thriller film na The Union, na four consecutive days na nasa top spot, mula Agosto 19, Lunes, hanggang Agosto 22, Huwebes.
Bumaba na sa pangalawang puwesto ang maaksyong pelikula nina Mark Wahlberg at Halle Berry.
May dalawa pang pelikulang Pinoy sa Top 10 Movies list ng Netflix PH today.
Nasa pang-apat na puwesto ang Lolo and the Kid nina Joel Torre at Euwenn Mikaell. Ten consecutive days itong No. 1, mula Agosto 9 hanggang 18.
Nasa pang-anim na puwesto naman ang Isang Gabi nina Diego Loyzaga at Coleen Garcia. Nag-peak ito sa second place.
Tingnan natin kung magtatagal sa top spot ang Elevator.
Read: Paulo Avelino, pinatotohanan ang pagiging head-turner ni Kylie Verzosa

NEW MOVIES ON NETFLIX
Streaming na sa Netflix PH starting today, Friday, ang Litrato ni Ai Ai de las Alas.
Kasado na sa Setyembre 6 ang Netflix PH streaming ng 2018 documentary na Fallen Not Forgotten: The Untold Story of the Gallant SAF44.
Sa Setyembre 12 naman ang streaming ng MMFF 2019 entry nina Vice Ganda at Anne Curtis na The Mall, The Merrier!, kasabay ang streaming ng Thai drama na How To Make Millions Before Grandma Dies.
TOP 10 MOVIES AND TV SHOWS ON NETFLIX
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix:
- Elevator
- The Union
- Lucy
- Lolo and the Kid
- Hard to Kill
- Isang Gabi
- Kingsman: The Secret Service
- Ticket to Paradise
- Dancing Village: The Curse Begins
- Mission Cross

Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix:
- Love Next Door
- Emily in Paris
- Pulang Araw
- American Murder: Laci Peterson
- Romance in the House
- Lost
- Terror Tuesday Extreme
- Lovely Runner
- The Umbrella Academy 1
- 7th Time Loop: The Villainess Enjoys a Carefree Life Married to Her Worst Enemy

GORGY RULA
Noong kaka-stream pa lang ng Elevator ay kaagad ko nang pinanood dahil parang kakaiba ang dating, at bagong tambalan sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa.
Naloka lang ako nang nagla-lag na naman ang connection, dahil humina na naman ang Wi-Fi namin.
Mapanira talaga ng mood itong PLDT Wi-Fi namin. Kaya hanggang ngayon, hindi ko pa rin natatapos.
Sa unang bahagi ng pelikula, nagagalingan na ako kay Paulo at parang magkakatrabaho talaga sila ng mga kasamahan niyang staff sa isang hotel na pinagtatrabahuan nila. Kasama pa roon si Chai Fonacier na magaling din.
Medyo effort lang ang acting ni Kylie Versoza, na maaring nakaka-distract ang umaalingasaw niyang kaseksihan.
DOLLY DE LEON IN JACKPOT
Gusto ko na sanang tapusin itong Elevator kagabi, pero biglang nasilip ko sa Amazon Prime ang Jackpot nina John Cena at Awkwafina.
Aba! Winner ang Dolly de Leon na kasali sa pelikulang yun. Ginagampanan niya ang isang lolang Pinay na nag-aalaga ng apo niya ang bumulaga sa amin sa pelikulang yun, at nakaka-proud talaga si Dolly de Leon.

Hindi naman kaseryo-seryoso ang pelikula, pero aliw siya, at nakakatuwa sina Awkwafina at John Cena na napakanatural magpatawa.
NOEL FERRER
Ang logline ng Elevator, “An enterprising elevator operator secures funding for his app but faces unexpected setbacks when he catches feelings for his investor's girlfriend.”
Ang romantic-comedy na Elevator ay isinulat at idinirek ni Philip King.
Nasa cast din nito sina Adrian Pang, Shrey Bhargava, Shahid Nasheer, Shaun Lim, Rishi Vadrevu, at Amy Cheng.
Ipinalabas ang Elevator sa mga sinehan noong Abril 24, 2024, kasabay ang showing ng G! LU na si Philip King din ang nagdirek.
Read: Direk Philip King, magkasabay ang showing ng dalawang pelikula

Siyanga pala, sa susunod na Biyernes, Agosto 30, ay mag-uumpisa na ang streaming sa Netflix PH ng advance episodes ng Lavender Fields nina Jodi Sta. Maria, Janine Gutierrez, Jericho Rosales, Jolina Magdangal, at Maricel Soriano.
Tingnan natin kung paano ito makikipaggitgitan sa Pulang Araw nina Alden Richards, Sanya Lopez, Barbie Forteza, David Licauco, at Dennis Trillo.
