GORGY RULA
Tahimik lang ang magkasintahang Jeric Gonzales at Rabiya Mateo.
Pati sa pag-celebrate ng kaarawan ni Jeric noong August 7 ay tahimik din. Wala kaming nakitang nag-post ang dating beauty queen ng birthday greetings sa nobyo.
Read: Jeric Gonzales sees a future with girlfriend Rabiya Mateo
Sila pa rin kaya? May naririnig kasi kaming hindi na raw.
Pero nang tinanong namin si Jeric sa story conference ng pelikulang Fatherland sa Manila Hotel noong Agosto 10, 2024, hindi ganoon kalinaw ang sagot niya kung sila pa rin ba.
Ang Fatherland ay co-production ng Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista, at BenTria Productions ni Engr. Benjie Austria.
Sinilebreyt nila roon ang birthday ni Jeric, kaya tinanong namin ang Kapuso hunk kung paano nila sinilebreyt ni Rabiya ang kanyang kaarawan.
May birthday gift ba sa kanya si Rabiya?
“Siguro sa ngayon wala pa kasi busy… support and wished me good career,” sagot sa amin ni Jeric.
JERIC AND RABIYA: STILL TOGETHER?
Tinaong ulit namin kung napag-uusapan ba nila ni Rabiya na gawing tahimik na lang ang kanilang relasyon?
“Right now wala pa, e, cause focus pa ako sa work ko and siya rin. Happy lang ako sa mga nangyayari ngayon and sa kanya-kanyang career namin,” pakli ni Jeric.
Medyo naintriga kami nang sinabi niya noong araw na yun na wala pa silang plano sa kanyang kaarawan. Kaya diretsahan ko nang tinanong kung sila pa rin ba ni Rabiya.
“Happy and, yes, nagsusuportahan kami,” sagot sa ni Jeric.
Mas gusto na lang ni Jeric na pag-usapan ang Widows’ War. Gustung-gusto raw niya ang kanyang role dito bilang si Francis, ang kapatid ni Sam (Bea Alonzo).
Ang gagaling daw ng mga kaeksena niya sa seryeng ito kaya talagang pinaghahandaan niya ang araw ng taping niya.
Read: Jeric Gonzales says Bea Alonzo didn't let broken engagement affect her work
NOEL FERRER
Sa ngayon, hindi pina-follow nina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo ang isa’t isa sa Instagram.

Kung parang switch ang relasyon nila na on and off, on and off, at mukhang off sila ngayon, sana na lang ay magamit nila ang pinagdadaanan nila para maging mas magaling pa silang artista, di ba?
Mahirap makisawsaw sa ganyang usaping lovelife. Kasi, kapag nagkaayos yang dalawa, ikaw ang maliligwak kaya magandang keep off the grass na lang muna.
We wish them well na lang!
Read: Rabiya Mateo says breakup issue with Jeric Gonzales "blown out of proportion"
JERRY OLEA
Ang BenTria Productions ang nag-produce ng launching film ni Jeric Gonzales na Broken Blooms, na sinabayan ang playdate sa bansa ng Avatar: The Way of Water noong Disyembre 14, 2022.
Mabuti at sa bagong project ng BenTria ay kasama uli si Jeric.
Natapos na ang shooting ni Jeric sa pelikulang Fatherland.
Ang komento ng direktor na si Joel Lamangan sa performance dito ni Jeric, “Very good!”
Nasa cast din ng Fatherland sina Iñigo Pascual, Allen Dizon, Cherry Pie Picache, Mercedes Cabral, Ara Mina, Max Eigenmann, Angel Aquino, Jim Pebanco, Richard Yap, Bo Bautista, Yasser Marta, Rico Barrera, Ara Davao, at Abed Green.
Read: Fatherland cast members share their dad stories

