PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kit Thompson, iginiit na hindi sila nagkabalikan ni Ana Jalandoni

Pero maayos umano ang pakikitungo nila ngayon sa isa't isa.
by PEP Troika
Published Aug 28, 2024
kit thompson ana jalandoni ex-couple
Kit Thompson denies reports that he has reconciled with ex-girlfriend Ana Jalandoni, but says they are now "okay."
PHOTO/S: @kitthompson / @realanajalandoni on Instagram

GORGY RULA

Matipid ang mga sagot ni Kit Thompson kapag tungkol sa isyu niya sa dating karelasyong si Ana Jalandoni ang mga tanong.

Nakatsikahan namin si Kit sa look test ng bagong pelikulang gagawin ng Mavx Productions, ang ConMom, noong Linggo, August 25, 2024.

Read: Ana Jalandoni on good terms with ex-boyfriend Kit Thompson

Tinanong namin sa kanya kung totoo bang nagkabalikan sila ni Ana Jalandoni. Napailing lang si Kit.

“No! Hindi,” sagot niya.

Pero okay naman daw sila. Hindi na lang niya idinetalye kung paano sila naging okay.

“Yeah! Okay naman,” tugon nito.

Read: Ana Jalandoni, itinangging nagkabalikan sila ng ex-BF niyang si Kit Thompson

UPDATE ON LEGAL BATTLE

Sinundan namin ng tanong kung naayos na ba nila ang kanilang mga problema.

Nagkademandahan sila ni Ana dahil sa isyung bugbugan noong taong 2022. Kinasuhan noon ni Ana si Kit ng Violation of Section 5 of Rep. Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Children.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ana Jalandoni recalls how Kit Thompson took issue with her sexy films, followed ex-suitors on Instagram

Pero nitong mga nakaraang buwan lang ay narinig na naming nagkaayos sila at nagkabalikan na nga raw.

Ang sabi lang ni Kit, “We’re actually good. Yeah! It’s all good.”

Naging matipid si Kit sa pagsagot sa isyu nila ni Ana.

Maaaring ayaw na niyang pag-usapan pa ito, lalo na’t pagdating sa social media, ang dami nang makikisawsaw. Gusto na raw niya ang tahimik na buhay.

“Tama naman ang sinasabi nila. People will always talk, and nasa yo na lang yun kung papano mo ma-handle yung sarili mo, ang emotions mo,” saad ni Kit.

Read: Ana Jalandoni, naghilom na ba ang sugat na dala ng kontrobersiyang kinasangkutan?

NOEL FERRER

Asawa ni Kaye Abad ang role ni Kit Thompson sa pelikulang ConMom, na isinulat ni Onay Sales at ididirek ni Noah Tonga.

Pabiro ang sagot ni Kit sa tanong namin kung na-challenge ba siya sa movie project na ito dahil pawang magagaling ang mga kasama niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagbabalik na samahan ito nina Paolo Contis, Kaye Abad, at Patrick Garcia, pagkatapos ng pelikula nilang A Journey. Dagdag pa si Empoy Marquez.

conmom cast
ConMan cast: (from left) Empoy Marquez, Patrick Garcia, Paolo Contis, Kaye Abad, and Kit Thompson
Photo/s: Gorgy Rula

“Kay Kaye lang!” pabirong sagot ni Kit nang tinanong kung na-intimidate ba siya sa mga co-actors niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mag-asawa kasi sila ni Kaye sa pelikulang ito.

“Ang bata, no!” pakli ni Kaye.

Si Kaye daw kasi ang madalas makakasama ni Kit sa mga eksena kaya iyon talaga ang challenge para sa kanya.

“Tinanggap ko talaga tong project na to nung sinabi nila sa akin na si Kaye ang partner ko,” sabi pa ni Kit.

kaye abad kit thompson conmom
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Nadiskaril ang career ni Kit Thompson sa isyung bugbugan nila ni Ana Jalandoni.

Pinalitan siya noon sa dalawang project niya. Ni-reshoot ng ibang mga aktor iyong mga eksena niya.

Nag-presscon noon ang launching film ni Ana na Manipula, bago pa man sila nagkagulo ni Ana. Wala akong balita kung kailan at saan iyon ipapalabas.

Read: Kit Thompson, kumpirmadong pinalitan sa dalawang proyekto matapos masangkot sa isyu

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kit Thompson denies reports that he has reconciled with ex-girlfriend Ana Jalandoni, but says they are now "okay."
PHOTO/S: @kitthompson / @realanajalandoni on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results