PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jojo Nones, pinagpahinga muna matapos ang 10-day detention

Gerald Santos, posibleng child abuse ang isasampang reklamo laban kay Danny Tan.
by PEP Troika
Published Aug 29, 2024
jojo nones gerald santos
GMA-7 Jojo Nones (left) is now resting after 10 days of detention that, according to his legal counsel, affected his mental and physical health. On the other hand, the legal counsel of Gerald Santos (right) mulls filing child abuse complaint against the singer's alleged abuser.
PHOTO/S: Senate of the Philippines Facebook

GORGY RULA

Ilang araw munang magpapahinga ang GMA-7 independent contractor na si Jojo Nones pagkatapos niyang ma-detain ng sampung araw sa senado.

Nakalaya si Nones mula sa detention facility ng senado kahapon, Agosto 28. 2024.

Read: Jojo Nones, pinalaya na ng Senado makalipas ang sampung araw

Ayon sa legal counsel ni Nones na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, hinayaan muna niyang magpahinga ang kanyang kliyente, kasama ang pamilya nito, dahil sobrang apektado raw ang physical at mental health nito.

“Hindi biro ang naidulot sa physical and mental health niya ng ten days detention sa senate,” text ni Atty. Maggie sa PEP Troika.

senator jinggoy estrada visits jojo nones
Jojo Nones (right) during his detention at the senate building.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isa pa niyang kliyenteng si Richard "Dode" Cruz ay nakalabas na raw ng hospital, pagkatapos nitong magka-gastro intestinal bleeding.

Pero ang payo raw ng doktor nito ay kailangan niyang mag-bed rest ng tatlo hanggang limang araw.

Sabi ni Atty. Maggie, baka next week ay kailangan na niyang maka-meeting sina Nones at Cruz dahil paghahandaan na nila ang isusumiteng counter affidavit.

Sa September 12 daw nila isusumite ang kanilang counter affidavit sa Department of Justice.

Read: Jojo Nones, Dode Cruz deny allegations of Sandro Muhlach

ON GERALD SANTOS'S COMPLAINT

Samantala, kinumusta rin ng PEP Troika kay Atty. Noel Malaya, ang legal counsel ni Gerald Santos, kung may nakahanda na ba silang isasampang reklamo laban kay Danny Tan.

Ang pangalan ng musical director ang binanggit ni Gerald na inakusahan niya ng panghahalay noong kinse anyos pa lamang siya.

Read: Gerald Santos, pinangalanan na ang humalay umano sa kanya

Sabi ni Atty. Malaya, pinag-aaralan pa niya, pero mukhang child abuse ang reklamong isasampa nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero napag-usapan nila sa nakaraang hearing na ang isa sa concern nila sa kasong child abuse ay ang prescriptive period, dahil nangyari ang sinasabi ni Gerald na umano’y panghahalay sa kanya 19 taon na ang nakaraan.

Pero masusi raw nila itong pinag-aaralan sa ngayon, sabi ni Atty. Malaya.

Read: Gerald Santos, apat na beses tinangkang tapusin ang sariling buhay

gerald santos senate hearing
Gerald Santos
Photo/s: Senate of the Philippines Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Hindi lang ang ang dalawang independent contractors na sina Dode Cruz at Jojo Nones ang sobrang apektado sa pangyayaring ito, kundi ang kanilang mga mahal sa buhay.

May partner si Jojo na isa ring gay, at 17 years na ang kanilang pagsasama. Meron silang isang anak na inilalayo nila sa iskandalong ito.

Pero sobrang apektado raw ang partner ni Jojo, lalo noong naka-detain ito, dahil ngayon lang sila nagkahiwalay.

Read: Longtime partner ni Jojo Nones, may apela sa publiko

Hindi pa siya allowed dumalaw dahil ang immediate family lang ang puwedeng dumalaw sa writer/TV director.

“Bawal kasi dumalaw ang hindi immediate relative sa Senate detention. Ang weird, 'no? Pag LGBT, hindi immediate relative ang partner mo,” text ni Atty. Maggie.

Kaya dinalasan daw ni Atty. Maggie ang pagdalaw kay Nones, dahil siya na lang ang nag-a-update sa partner nito.

“Naaawa ako sa kanila. Every day, I have to talk to him [partner] to ensure him na okay si Jojo. Kaya dinadalaw ko si Jojo,” dagdag na text ni Atty. Maggie sa PEP Troika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sandro Muhlach, idinetalye ang naranasan umanong pang-aabuso

JERRY OLEA

Si Gerald Santos ang kumanta ng theme song ng pelikulang Mamay: A Journey to Greatness 'The Marcos Mamay Story' na nag-premiere night nsa SM Megamall oong Agosto 27, Martes.

May mga nag-expect na dadalo roon si Gerald. Pero, di ba, noong Martes din ay um-attend si Gerald sa senate hearing?

Napagod si Gerald sa nasabing hearing, kung saan isiniwalat niya na ang musical director na si Danny Tan ang humalay umano sa kanya noong Disyembre 2005 na kinse anyos pa lamang siya.

Minabuti na rin ng kampo ni Gerald na tumahimik na lang muna.

Inaasam nilang lumantad na rin at magsalita ang iba pang nabiktima umano ni Danny.

Read: GMA insiders stunned by mention of "rape" in Gerald Santos senate testimony

NINO MUHLACH'S POST

Samantala, ni-repost ni Niño Muhlach ang Facebook shoutout ng current partner niyang si Diane Abby Tupaz na ina ni Alonzo Muhlach, “IN OUR FAMILY NO ONE FIGHTS ALONE! “WE WILL FIGHT FOR JUSTICE! “WE WILL FIGHT FOR OUR KIDS!!!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nangako si Diane kay Onin, “I will always stand beside you in the battles we face against life…. It’s going to be okay… We’re going to get through this together…. Niño Muhlach”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA-7 Jojo Nones (left) is now resting after 10 days of detention that, according to his legal counsel, affected his mental and physical health. On the other hand, the legal counsel of Gerald Santos (right) mulls filing child abuse complaint against the singer's alleged abuser.
PHOTO/S: Senate of the Philippines Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results