PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Karla Estrada out, Korina Sanchez in sa Face 2 Face?

Karla Estrada, tatakbong mayor sa Leyte sa 2025 elections?
by PEP Troika
Published Aug 30, 2024
karla estrada korina sanchez face 2 face
Karla Estrada (left), who is rumored to be running for Leyte mayor in 2025 elections, is reportedly being replaced by Korina Sanchez (right) as main host of TV5's tabloid talk show Face 2 Face.
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook

GORGY RULA

Matunog na pinag-uusapan na iiwan na raw ni Karla Estrada ang daily program niyang Face 2 Face sa TV5.

Nakapag-decide na raw ang actress/TV host na balikan ang pulitika.

Totoo bang tatakbo siyang mayor sa Leyte?

Wala pa naman silang official announcement kung itutuloy na ba niya ang pagtakbo sa 2025 election.

Read: New Face 2 Face host Karla Estrada gets support from former hosts Amy Perez and Gelli de Belen

karla estrada face 2 face
Karla Estrada
Photo/s: @karlaestrada1121 on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KORINA SANCHEZ TO REPLACE KARLA ESTRADA?

Pero ang latest na nasagap ng PEP Troika, may napili na raw ipalit kay Karla sa Face 2 Face.

Totoo kayang si Korina Sanchez na ang napagdesisyunang ipapalit kay Karla?

Ayon sa ilan pang napagtanungan namin, tinanggap na raw ito ng kilalang broadcast journalist.

Pero wala pa ring official announcement ang TV5. Hintayin na lang natin.

Read: Aktres, iniwan ang TV program para sa pagtakbong mayor sa 2025?

JERRY OLEA

May iba pa raw pangalan na lumutang at pinagpipilian.

Isa raw sa kinu-consider ay si Gelli de Belen na dati ring nag-host ng Face 2 Face.

Pero tinanggap na ni Korina kaya hindi na raw nakausap ang ibang pinagpilian.

Sa October na ang filing of candidacy, at baka sa buwang iyon ay magsisimula na raw ang hosting ni Korina sa Face 2 Face.

Read: Korina Sanchez recalls might-have-been with ABS-CBN: "Bakit niyo ba ko pinakawalan?"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Owwww sayang, kasi kung may tatakbo man at may kapasidad din at winnable at susuportahan ko — si Korina Sanchez iyan!

Pero very Korina na she opts to give way, at mag-e-excel na lang sa field na kikilala sa kanyang galing at hard work!

Good luck, Koring, sa panibago mong challenge sa iyong career.

Basta, malaki ang aming pagpapasalamat at paggalang sa iyo — bilang mga nakasama mo’t naging kaibigan, kabalitaan at kakampi…

Good luck sa Face 2 Face… with Korina!!!

All the best!!!

Read: Karla Estrada apologizes for viral AFP reservist post using NPA anthem

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karla Estrada (left), who is rumored to be running for Leyte mayor in 2025 elections, is reportedly being replaced by Korina Sanchez (right) as main host of TV5's tabloid talk show Face 2 Face.
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results