JERRY OLEA
No. 1 ang Lavender Fields sa talaan ng Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines ngayong Setyembre 2, 2024, Lunes.
Ang mga pangunahing artista sa Lavender Fields ay sina Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales, at Janine Gutierrez.
Read: How Jericho Rosales balances work and dating Janine Gutierrez

Sa talaan ng TV Shows ng Netflix PH today ay nasa pang-apat na puwesto ang Pulang Araw nina Alden Richards, Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Dennis Trillo.
Read: Pulang Araw, No. 1 agad sa Netflix isang araw matapos mag-stream

Tingnan natin kung hanggang kailan mananatili sa top spot ang Lavender Fields, na kagaya ng Pulang Araw ay 100 ang episodes.
Ang last eight episodes ng Pulang Araw ay sa Disyembre 2024 mag-i-streaming, samantalang ang last 10 episodes ng Lavender Fields ay sa Enero 2025 ang streaming.
Ayon sa source ng PEP Troika, ang 130-episode na Incognito ay sa Nobyembre 1 ang target na umpisa ng streaming ng advance episodes sa Netflix PH.
Tampok sa Incognito sina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Baron Geisler, Ian Veneracion, Maris Racal, Anthony Jennings, at Kaila Estrada.
If ever, sa buong buwan ng Nobyembre at first two weeks ng Disyembre ay bakbakan sa Netflix PH ang tatlong Pinoy TV series.
UPCOMING MOVIES ON NETFLIX
Samantala, tatlong pelikulang Pinoy pa rin ang nasa Top 10 Movies list ng Netflix PH.
Panlima ang Lolo and the Kid nina Joel Torre at Euwenn Mikaell. Pang-anim ang Elevator nina Paulo Avelino at Kylie Verzosa. At pansiyam ang Litrato ni Ai-Ai delas Alas.
Sa Setyembre 6, Biyernes, ay streaming na sa Netflix PH ang 2018 documentary film na Fallen Not Forgotten: The Untold Story of the Gallant SAF44.
Parehong sa Setyembre 12 mag-i-streaming ang mga pelikulang The Mall, The Merrier! at How To Make Millions Before Grandma Dies.
Setyembre 19 ang streaming ng pelikulang Chances Are, You and I nina Kelvin Miranda at Kira Balinger.
Sa Setyembre 20 ang streaming ng pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes, na ang English title ay Mrs. Reyes and Mrs. Reyes.
Bida rito sina Judy Ann Santos, Angelica Panganiban, Joross Gamboa, at JC de Vera.
Sa Oktubre 17 ang streaming ng horror movie na Outside, starring Sid Lucero, Beauty Gonzalez, Marco Masa, Enchong Dee, Joel Torre, James Blanco, and Bing Pimentel.
Ayon sa source ng PEP Troika, sa Oktubre rin ang Netflix streaming ng pelikulang That Kind of Love nina Barbie Forteza at David Licauco.
Sa Nobyembre naman ang Netflix streaming ng Whispers in the Wind nina Carlo Aquino at Barbie Imperial.
Iyong Netflix original film ni Baron Geisler na The Delivery Rider ay malamang na mag-streaming sa last week of November, or first week of December.
TOP 10 MOVIES AND TV SHOWS ON NETFLIX
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix:
- The Deliverance
- The Intern
- The Union
- Shazam! Fury of the Gods
- Lolo and The Kid
- Elevator
- The Mask
- Lucy
- Litrato 1
- Sheriff: Narko Integriti

Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix:
- Lavender Fields
- Love Next Door
- Frog
- Pulang Araw
- Worst Ex Ever
- IC814
- Emily in Paris
- KAOS
- The Accident
- Romance in the House

NOEL FERRER
Winner ang pagsisimula ng Lavender Fields sa Netflix, at sana magtuluy-tuloy ito kahit sa mainstream channels kung saan ito ipapalabas (ABS-CBN Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TV5, at A2Z) umpisa mamayang 8:45 P.M. after FPJ’s Batang Quiapo.
Ganito usually ang nangyayari sa Kapamilya network like iyung last na Can’t Buy Me Love na namayagpag sa Netflix then sa mainsteam channels.
Ano naman yung pakiusap nina Suzette Doctolero na OK manood sa Netflix pero buksan pa rin ang TV at panoorin din sa GMA ang Pulang Araw? Meaning, kailangan ng repeat viewing?
Mukha namang makaka-create ang Lavender Fields ng following especially since powerhouse ang cast nito with Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales, and Janine Gutierrez, plus Jolina Magdangal, Edu Manzano, Albert Martinez, and Maricel Soriano.
GORGY RULA
Sa Netflix ko natutukan ang Pulang Araw at Lavender Fields.
Maganda kasi kapag sa Netflix, nauulit-ulit ko ang mga magagandang eksena, kagaya nitong Episode 28 ng Pulang Araw, ang daming moments ni Alden Richards.
Gustung-gusto ko siya sa tagpong ipinahuli niya sa konstabularyo ang tiyuhin niyang ginagampanan ni Neil Ryan Sese.
Napakagaling doon ni Alden, at puwede talaga siyang ilaban sa mga award-giving body.
Sana, mapansin ito ng Asian Television Awards, dahil maganda naman talaga ang Pulang Araw. Nakikita talagang pinupulido nila ang bawat eksena.
Nitong mga huling episodes ay mapapansin mo talaga ang galing nina Alden, Barbie Forteza, Epy Quizon, at Angelu de Leon. Pero sana, medyo bawas-bawasan lang ang mga iyakan scenes ni Alden.
Dito naman sa Lavender Fields, gusto ko ang iyak ni Jericho Rosales, na consistent naman talaga ang galing niya.
Pero wala pa ring kupas si Jodi Sta. Maria, na nakikita ko sa kanya ang galing noon ni Nora Aunor.
Nasa third episode pa lang ang Lavender Fields, pero naguguluhan lang ako sa mabilis na pag-develop ng kuwento at pagbunyag ng mga misteryo ng ilang karakter sa naturang kuwento.
Kagaya ng kay Jericho, kay Janine Gutierrez, at kay Albert Martinez.
Gusto ko ang pagtutok natin sa dalawang malalaking drama series ng GMA 7 at ABS-CBN.
Nag-No. one agad sa Netflix PH ang Pulang Araw for two weeks, noong Hulyo 28 hanggang Agosto 10.
After that ay three consecutive days na No. 1 ang The Umbrella Academy.
No. 1 muli ang Pulang Araw noong Agosto 14-16.
Ngayong may giyera na sa kuwento ng Pulang Araw, puwede pa itong umakyat at magtatapatan sila nang bonggang-bongga ng Lavender Fields.
