GORGY RULA
Ibinulong sa amin ni Sir Noel Ferrer na abangan namin ang pa-"Full Monty" ni Mark Bautista sa kanyang Mark My Dreams concert na ginanap sa The Theatre at Solaire noong Sabado, August 31 2024.
Napanood namin ang musical play na ito na sinalihan ni Mark, at ang sexy naman talaga niya roon.
Read: Mark Bautista, hands-on sa anniversary concert na Mark My Dreams
Pati nga nung nag-Here Lies Love siya sa London ay sumali rin sa Mark sa dancers kung saan nag-bikini pa siya.
Na-maintain pa rin kasi Mark ang ganda ng katawan, kaya puwede siyang sumabay sa paghuhubad kina Marco Gomez, Mon Mendoza, Migo Valid, at Milo Cruz sa production number na yun.

WARDROBE MALFUNCTION
Hindi bikini ang suot nila kundi boxers, pero hindi ito naipakita ni Mark.
Ang sikip raw ng suot niyang pantalon kaya nahirapan siyang hubarin. Baka raw pag pinilit niyang hubarin ay sumama pa ang suot na boxers.
Nabitin tuloy kami.
Ang rason naman ni Mark, “Kasi hindi namin na-rehearse yung mga damit, yung pants. So, dun na lang sa concert na parang… masikip pala to. As in dun ko na nasuot sa mismong show.
“So, talagang hindi ko na-rehearse yung damit. Nahubad ko naman yung sando… yung mga kasama ko. Di ba, yung pabatang… yung dalawang Vivamax….
“Nag-enjoy naman kayo dun sa prod na yun?”
Read: Regine Velasquez, Mark Bautista "walang pamasahe pauwi" noon

NOEL FERRER
Sobrang saya at nagpapasalamat si Mark sa lahat ng sumuporta sa kanyang 21st anniversary concert.
“Happy ako,” bulalas ng male balladeer.
“Grabe! Hindi ako nakakatulog, ang dami kong iniisip. Hindi ko na kinakausap yung pamilya ko minsan.
“Pag lumalabas ako, hindi na ako sumasama. Pero eto nga, yung hard work namin ay nasuklian din naman.
“I’m just so happy talaga na… kasi matagal na to, e. Parang lagpas na ng 20, gagawin ko pa ba?
“Eto talaga yung perfect time na gawin. Nagpasalamat ako na ginawa ko sa wakas,” dagdag ni Mark.
JERRY OLEA
Si Martin Nievera ang nag-intro via VTR ng “The Full Monty” number sa anniversary concert ni Mark Bautista.
Sabi ni Martin, “Mark starred in an original Broadway musical right here in Manila entitled The Full Monty.
“It’s about desperate men who decided to do their own striptease act in order to survive, imagine that!
“‘The full monty’ in the British dictionary means ‘fully naked.’ I didn’t know that.
“Wait! Why am I not in this number, Mark? I can do it. I can do it for free! I can do it right now! I can take off my clothes for you right now!
“But for you, get ready and don’t blink! Because you’re about to witness a big… or small glimpse of that all-out striptease finale number from… Full Mark B, ehh Full Monty!”
Mark B bared his heart, soul and body in his anniversary concert. Pero iyon na nga, hanggang pagbaba lang ng pantalon at pagpapasilip ng boxer shorts ang ginawa nina Marco Gomez, Mon Mendoza, Migo Valid, at Milo Cruz.
At si Mark, nabigong ibaba ang kanyang masikip na pants.
