JERRY OLEA
No. 1 pa rin ang Lavender Fields sa Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix, samantalang nananatili rin sa No. 4 ang Pulang Araw.
Parehong 100 episodes ang Pulang Araw at Lavender Fields.
Interesting na subaybayan ang puwestuhan nila sa Netflix Philippines for more than three months.
Read: Lavender Fields, namukadkad bilang No. 1 TV Show sa Netflix PH
LAVENDER FIELDS VS WIDOWS' WAR ON PRIMETIME
Interesting ding tutukan ang ratings’ war sa pagitan ng primetime series na Lavender Fields at Widows’ War.
Sa Lavender Fields, umibig si Jasmin (Jodi Sta. Maria) kay Arthur (Jericho Rosales).

Sa Widows’ War, nagbabangayan ang magkapatid na Aurora Palacios (Jean Garcia) at Galvan Palacios (Tonton Gutierrez).

Sa Kapamilyang teleserye Pangako Sa ‘Yo (Nobyembre 2000-Setyembre 2002), mag-asawa sina Eduardo Buenavista (Tonton) at Madam Claudia Buenavista (Jean).
Mga anak nila sina Angelo Buenavista (Jericho) at Lia Buenavista (Jodi).

So, sina Tonton at Jean na gumanap bilang mag-asawa sa Pangako Sa ‘Yo, ay magkapatid naman ngayon ang papel sa Widows’ War.
Sina Jericho at Jodi na gumanap na magkapatid sa Pangako Sa ‘Yo, ay nagkachukchakan naman this time Lavender Fields.
Ang isang “pamilya” dalawang dekada na ang nakalipas, bakbakan ngayon sa primetime. Mag-asawa noon kontra sa mga anak nila noon.
PANGAKO SA 'YO
Nakakaasiwa ba na ang gumanap na magkapatid sa Pangako Sa ‘Yo ay nag-loving-loving sa Lavender Fields?
Take note na hindi tunay na magkapatid sina Angelo at Lia.
Anak nina Eduardo at Madam Claudia si Lia, pero ang totoong mga magulang ni Angelo ay sina Diego Buenavista (Jestoni Alarcon) at Thelma.
Napapanaginipan pa ni Angelo si Thelma, remember? Hindi ko na masaliksik kung sino ba iyong talent na gumanap bilang Thelma.
Magkapatid sina Eduardo at Diego.
Magpinsan sina Angelo at Lia… pero si Diego ay ampon lamang.
Hindi magkadugo sina Eduardo at Diego, kaya by blood ay hindi totoong first cousins sina Lia at Angelo.
Ang panganay na anak ni Madam Claudia ay babae, si Clarissa aka Maria Amor (Dianne de la Fuente) na ipinapatay niya.
Ang ama ni Maria Amor ay si Simon (John Arcilla).
Read: Is the original Pangako Sa 'Yo still binge-worthy 20 years after?
TV RATINGS
Ang pilot episode ng Lavender Fields ay nagtala nitong Setyembre 2, Lunes, ng aggregate rating na 9.3%, kontra sa Widows’ War na naka-9.2%. Shiminet!!!
Dalawang Kapuso primetime shows na ang talo sa “giyera” ng TV ratings.
Patuloy ang paghahari ng FPJ’s Batang Quiapo with 17.4% rating nitong Monday, kontra sa Pulang Araw na naka-11.5%.
Wagi ang Asawa Ng Asawa Ko with 6.8% kontra sa bagong katapat nitong Pamilya Sagrado with 5.5%.
NOEL FERRER
Nakakatuwa ang pag-uum-effort ng lahat ng kampo para makuha ang atensiyon ng viewers.
Wagi ang Batang Quiapo, Lavender Fields, at Asawa Ng Asawa Ko sa first round ngayong simula ng BER months!!!
May pa-online campaign at live viewing at pagpo-post pa ng bagong status with ribbon! Ang saya!!!
Buhay na buhay ang telebisyon sa gitna ng bagyong Enteng.
Umpisa pa lang ito. Consistency is key.
Pagandahan ang laban, kaya sa ganito, lagi kong sinasabi… ang audience, tayo, ang panalo!!!
GORGY RULA
Mataas ang viewership ng mga programa sa TV kahapon, September 2, dahil nasa bahay lang ang karamihan ng mga tao habang runaragasa ang bagyong Enteng.
Ang saya ng It’s Showtime kahapon dahil ibinalik na nila ang "Kalokalike" segment. Laban-laban ang kalokalikes nina Carlos Yulo, Chloe San Jose, at Ruru Madrid.

Balik sa taas ang It’s Showtime na naka-8.7%, at 4.5% naman ang Eat Bulaga!.
Okay rin ang Abot-Kamay Ang Pangarap na tumitindi ang mga eksena sa nakatakdang kasalan nina Lyneth (Carmina Villaroel) at Dr. Robert Tanyag (Richard Yap). Naka-10.2% ito.
Pero mas mataas ang Lilet Matias: Attorney-At-Law na naka-10.5%. Ang dinig namin, ie-extend pa raw ito.
Ang bongga rin ng Fast Talk With Boy Abunda kung saan si Coney Reyes ang special guest. Naka-6.8% ito.
Sumunod ang Voltes V: Legacy na 5.2%.
Medyo tumaas naman ang Wil To Win na naka-3%, at ang The Betrayal ay 3.6%.
Mataas din ang Family Feud, kung saan naglaro ang cast ng Pulang Araw at ng pelikulang Balota. Naka-10.5% ito.
