GORGY RULA
Nakarating sa PEP Troika na hanggang October 2024 na lang daw ang Abot-Kamay Na Pangarap.
Ilang beses nang na-extend ang afternoon drama series ng GMA-7, na pinagbibidahan ni Jillian Ward, dahil sa mataas na ratings at magandang feedback mula sa mga manonood.
Dumami ang mga karakter na pumasok, hanggang sa umabot na ito ng dalawang taon.
Isa sa naging makulay ang karakter sa Abot-Kamay Na Pangarap at kasali pa rin hanggang ngayon ay si Allen Dizon, na gumaganap bilang si Dr. Carlos Benitez.
Read: Allen Dizon reveals perks of playing Doc Carlos in Abot Kamay Na Pangarap

Nakabuo pa nga sila noon ng tandem ni Carmina Vilarroel nang magpakasal silang dalawa sa kuwento.
Pero naging kontrabida ang role dito ni Allen.
Pabigat nang pabigat nga raw ang role niya sa Abot-Kamay Na Pangarap — nabaliw siya at pinatigil pa niya rito ang pagpapakasal ni Lynette kay Dr. Robert Tanyag (Richard Yap).
“Ang bigat din!” bulalas ni Allen nang nakatsikahan ng PEP Troika sa nakaraang Cinemalaya 2024, kung saan nagkaroon ng world premiere ang pelikula niyang AbeNida.
“Lahat na mabigat na pinagawa sa akin sa Abot-Kamay, binigay sa akin. Nabaliw ako, na-obsess ako kay Lynette, kinonfront ko yung mag-ina, tapos may anak akong tinago.
"Ang daming pinagawa sa akin sa Abot-Kamay.”
Read: Allen Dizon, niregaluhan ng kotse ang sarili mula sa TF sa Abot-Kamay Na Pangarap

ALLEN & CARMINA: FROM TV TO MOVIE
Naniniwala kaming haggang October na lang talaga ang Abot-Kamay Na Pangarap, dahil nakatakda nang mag-shoot sina Allen at Carmina ng isang pelikulang kukunan sa Canada.
Na-finalize na nila ang film project na pagsasamahan nilang dalawa, na may tentative title na Alright In Time na ididirek ni Louie Ignacio.
Bandang October daw ang alis nila para sa shooting ng pelikulang ito sa Canada.
Sabi ni Allen, gusto na niyang gawin itong film project na pagsasamahan nila ni Carmina dahil light lang ito, at hindi kasing-dark ng mga natapos niyang pelikula.
“Yung gagawin namin sa Canada, mas commercial, love story. Mas nakaka-excite gawin yung mga ganun. Yung light lang, di ba?
“Nakakatakot na yung ginawa ko lately, e,” napangiting pahayag ng premyadong aktor.
Mabigat na nga raw ang ginawa niya sa Abot-Kamay Na Pangarap, napaka-dark pa raw ng mga natapos niyang pelikula — ang Guardia de Honor ni Direk Jay Altarejos at sa AbeNida ni Direk Louie Ignacio— na pareho naming napanood sa nakaraang Cinemalaya.
Read: Allen Dizon, may kissing scene kay Therese Malvar sa Guardia de Honor
Read: Allen Dizon, nag-all-out nudity sa pelikulang AbeNida
NOEL FERRER
Sa darating na weekend ay matatapos na rin ni Allen ang isa pang malaking pelikula, ang Fatherland ng BenTria Productions at Heaven’s Best Entertainment na dinidirek ni Joel Lamangan.
Tatlong vignettes ito, sabi ni Direk Joel, kung saan iba-ibang karakter ang ginagampanan ni Allen.
Si Iñigo Pascual ang anak dito ni Allen.
Magagaling din ang ibang artistang involved kagaya nina Cherry Pie Picache, Mercedes Cabral, Angel Aquino, Richard Yap, Max Eigenmann, Ara Mina, Jim Pebanco, at marami pa.

Saad ni Allen, “Mabigat yung gagawin ko sa Fatherland kaya sabi ko kay Direk, kapag nag-shoot ako, weekend lang.
"Kasi may taping ako sa Abot-Kamay, mahihirapan pa naman… ma-sacrifice naman yung acting, yung preparation.
"Pumayag naman si Direk Joel na shooting namin Saturday, Sunday lang.”
Dagdag niya, “Pero, I’m blessed po na nabigyan ako ng mga magagandang role na ginampanan ko.
“Itong Fatherland ni Direk Joel, kasi multiple personality ako dito. Parang gumawa ako ng tatlong pelikula.
"Ang bibigat ng mga eksena, daming dramatic highlights… yung shifting ng emotions, grabe.”
Read: Is Allen Dizon disappointed at lack of showbiz opportunities despite international acclaim?
JERRY OLEA
Ayon sa scriptwriter na si Roy Iglesias, ang Fatherland basically in its simple form ay kuwento ng mag-amang Phillip (Allen Dizon) at Alex (Iñigo Pascual).
Anim na taong gulang si Alex nang dalhin siya sa USA ng kanyang ina.
Pagkalipas ng maraming taon ay umuwi sa Pilipinas si Alex at hinanap ang kanyang ama. Namatay na kasi ang ina ni Alex, at gusto niya itong ipaalam kay Phillip.
Kung saan-saan itinuro si Alex kung nasaan ang tatay niya.
Tila updated version ng Aguila (1980) ni Direk Eddie Romero itong Fatherland.
Sa Aguila, kung saan-saan nakarating si Mari (Christopher de Leon) sa paghahanap sa 88-anyos niyang ama na si Daniel Aguila (Fernando Poe Jr.).
