JERRY OLEA
Takang-taka ako kung bakit tinigok ang karakter ng isang premyadong aktor sa isang TV drama series na umaariba sa ratings.
Bonggacious ang dynamics nila roon ng bidang aktres. Nakakapagsagitsit ng kilig ang kanilang tandem.
Read: Newbie actor, muntik nang maging "midnight snack" ng TV execs
Ang nakakalukring pa, MIA, as in missing-in-action ang premyadong aktor sa isang weekly show. Lost horizon ang kanyang kakisigan.
Where in the world is this actor? Ang chika ng mga mosang at marites, um-Alice Guo si premyadong aktor sa bayang magiliw. Nag-abroad.
Why, why, why, Delilah?!
AKTOR, MAY TINATAKBUHANG KASO?
Trulili ba ang chism na kaya nag-fly me to the moon si premyadong aktor ay upang iwasan ang isang malaking kaso na posibleng kaharapin niya?!
Afraidie Aguilar si premyadong aktor na any moment ay ma-Aida Posadas siya?! As in Mister Colombia?!
Read: Yayamaning BF ng aktres, naghahagis ng PHP1K bills sa party
GORGY RULA
Narinig namin ang balitang iyan, pero hindi pa namin nakukumpirma kung totoo nga ito.
Nakapagtataka lang dahil hindi raw nakikita ngayon itong si premyadong aktor. Hindi raw siya sumasagot sa text ng ibang katrabaho at kaibigan.
Hindi naman daw siya sumabay kay Alice Guo sa pagtakas, pero malapit lang daw sa Pilipinas itong si premyadong aktor dahil may mga kamag-anak siya sa bansang iyon.
Kasama raw ng aktor ang kapatid niya, dahil tila madadamay ito sa isang malaking kasong posible nilang harapin.
Hindi lang maibigay ng aming source ang buong detalye dahil hindi rin daw siya sure. Pero parang may kinalaman daw ito sa pag-i-invest sa sinimulan nilang negosyo.
Kagaya ba ito ng kinasangkutan noon nina Luis Manzano (na napatunayang hindi totoo) at Ricardo Cepeda (na nakakulong ngayon)? Sana, hindi naman!
Sana, maayos dahil mabait at masipag itong si premyadong aktor, at hindi makukuwestiyon ang karakter.
Inaasahan naming mapanood ang premyadong aktor sa susunod niyang programa at ang pelikulang matagal na niyang pinaghandaan.
Read: Pretty wifey ng politician, bongga magpasok ng pera sa bank
NOEL FERRER
Kawawa naman itong premyadong aktor na ito, mabait pa naman — at sobra rin magtiwala sa tao.
Ano kaya ang masasabi ng kanyang business partner na lagi niyang kasama sa negosyo at lakaran dati to the point na i-link na silang dalawa?
Sana, mapatunayan ng premyadong aktor na wala siyang pagkakasala at klaro siya sa kahit na anong pananagutan.
Pero bakit kaya siya tumakas? Para sa proteksiyon? Sa peace of mind?
Malalaman din natin iyan sa mga susunod na araw.
