PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bortalicious actor, PHP50K ang "professional fee" sa mga booking

Bortalicious actor, may 7 percent discount pa sa septuagenarien clients.
by PEP Troika
Published Sep 5, 2024
blind item bortalicious actor

JERRY OLEA

Bet na bet i-booking ng bading na bugaloo ang isang bortalicious actor.

“Mabait siya at generous. Give niya talaga ako ng komi, at may bonus pa,” pagtatapat ng commissioner na boogie wonderland.

Read: Aktor na tinigok sa drama series, tumakas sa pagkaaresto?

Gaano kabait si papa borta? Nagbabahagi ng biyaya ng lupa?

Nag-Mona Lisa smile ang social crawler na procurer, “Sulit na sulit ang TF niyang 50 puk, na may 7 percent discount sa mga septuagenarian.

“Lumalapang siya ng dinakdakan at papaitan! Simot na simot sa pagngasab at pagsibasib.

“Kaya iyong mga katikiman niya, umuulit. Ang iba, nagiging suki, nagiging dyowawis for a while.

“OK lang sa kanya kung pagsawaan siya ng kanyang sugar daddy, kung flavor of the season lang siya. Mabilis siyang mag-move on.

“Palibhasa’y dakilang tunay, at sa tuwi-tuwina’y nakakabingwit ng travel companion.”

BORTALICIOUS ACTOR'S "BONUS"

Kabilang sa mga judidang na tumustos sa luho ni bortalicious actor ang isang mayor, isang congressman, at isang owner ng luxurious wellness center.

Ano ang bonus ni bortalicious actor kay boogie woogie?

Tila nahihiyang tugon ng hitad na ipinaglihi sa higad, “Nagpa-bayabas siya!”

Guava shake? Inilibre siya ng guava shake?

“Gagah! Nagpa-Jaxxx Roberto!”

Read: Direktor, vindicated sa “midnight snack” issue ng poging singer

NOEL FERRER

Iyan pala ang drama ni bortalicious actor? P50K pala ang professional fee.

Hindi tayo nagugulat na may ganito. Hindi lang naman sa showbiz.

Nagugulat lang tayo kung nagmamalinis pa ang ibang tao riyan at nagmamaang-maangan school of acting sa ganitong nangyayari sa ating paligid.

May mga sariling dahilan ang mga taong gumagawa nito, at inuunawa natin kung saan sila nanggagaling.

Kung may ibang mas magandang alternatibong trabaho kasi sila o ibang pagkakakitaan ng ikabubuhay, bakit naman sila hahantong sa ganito, di ba?

Unless ine-enjoy na rin nila ito…

Read: Guwapong aktor, malapit nang maging isang ganap na ama

GORGY RULA

Maraming bortalicious actors, maski aktor-aktoran, ang user-friendly sa madadatung na bading.

Iyong isang tisoy na aktor na may kumalat na video scandal katambal ang pretty woman, naglambing ng mamahaling relo sa kanyang gay friend kapalit ang dinner date.

Siyempre, after dinner, si tisoy na aktor ang dessert ni gay friend.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results