GORGY RULA
Hindi pa rin pala iniiwan ni Wendell Ramos ang pagiging bumbero kahit abala na siya ngayon sa pag-aartista.
Noong pandemic, kung kailan wala pa gaanong tapings at shootings, nagsimulang mag-volunteer si Wendell sa isang grupo ng firefighters.
Read: Actor Wendell Ramos is now a certified firefighter
“Meron pa rin kaming grup, pero nagpalit lang kami ng headquarters.
“Andun pa rin yung pagiging ano natin, kasi ibang world siya, e. I can consider myself na frontliner na,” kuwento ni Wendell nang nakatsikahan ng PEP Troika pagkatapos ng media conference ng bagong afternoon drama ng GMA-7 na Shining Inheritance.
Ibang fulfillment daw sa kanya kapag sumasama siya sa firefighters at tumutulong sa pag-apula ng sunog.
REAL-LIFE ACTION HERO
Volunteer daw siya kaya wala siyang suweldo rito.
Nakakatuwa lang daw dahil pagkatapos ng sunog, nagugulat ang mga tao kapag nakita nilang artista pala ang isa sa kasali sa mga firefighter.
“Iba kasi, hindi biro, e. Hindi ito pelikula. Saka, ginagawa namin yun, hindi ko maisip na, 'Kunan niyo ako, ha? Kunan niyo to pang-material.'
“Talagang may kumukuha lang dun because of dun sa scenario.
“Hindi rin nila alam na ako, e. Pag bumaba lang ako, hindi naman nila alam kasi naka-mask. Tapos, pagtanggal dun na lang nila nalaman, ang sarap,” bulalas ni Wendell.

Hindi lang gaanong nakakasali ngayon si Wendell sa grupo ng firefighters dahil sunud-sunod na ang trabaho niya.
Abala pa siya ngayon sa promo ng Shining Inheritance dahil magsisimula na ito sa September 9, pagkatapos ng Lilet Matias: Attorney-At-Law.
Read: Wendell Ramos, tipid ang sagot tungkol sa Sandro Muhlach issue
JERRY OLEA
Bilang volunteer, hindi pa raw siya yung tipong pumapasok talaga sa nasusunog na building o bahay para magsalba ng tao sa loob ng sunog.
“Wala pa ako dun sa part… dun pa lang sa part na nakapagpatay ka na ng bago kumalat ang apoy, you’re saving lives.
"Kasi yung tahanan na yun, buhay na nila yun. Hindi lang isang tao ang na-save mo dito, buong pamilya.
“At saka, it’s a teamwork, e. Kasi kahit sabihin mong yung bumbero lang yung nakaakyat dun sa… hindi naman puwedeng yung isandaan ang umaakyat dun sa isang building, andun kayo nagsama-sama,” sambit ni Wendell.
NOEL FERRER
Hindi maiwasan ng asawa ni Wendell na kabahan kapag tinatawag ang aktor para mag-volunteer sa pamatay sunog.
Pero ganun daw talaga, nakataya ang buhay mo kapag kasali ka sa ginagawa ng mga bumbero.
Read: Wendell Ramos's wife starts selling frozen products with PHP2K capital; now caters to OFWs
“Of course, she should pray for my safety, hindi lang ako. Hindi naman niya kasi puwedeng pigilan kung ano ang gusto ko. Alam niya na alam ko kung ano yung kaya ko… to give back.
“Like I said, kakaiba to, hindi to binubunot sa bulsa lang. And I’m not expecting in return naman. Pero kay Lord, definitely malalim sa Kanya yun — to give your life sa bagay na hindi ka sinasahuran, sa bagay na wala makukuhang kapalit, kundi thank you lang.
“Kasi sa mga dumaan na panahon, ilang taon na ako ngayon, 46 na ako ngayon. Andito pa rin ako. Iyon yung ipinagpasalamat ko.
“Nag-iba yung pananaw ko after nung pandemic, e,” seryosong pahayag ni Wendell.
