JERRY OLEA
Malapit nang buminggo ang isang kilalang aktres sa lipon ng mga make-up artist at taga-wardrobe sa isang TV drama series.
Kung umasta raw kasi ang kilalang aktres ay parang doña señora, na ang turing sa mga make-up artist at taga-wardrobe ay longkatootsie guevarra.
Read: Bortalicious actor, PHP50K ang "professional fee" sa mga booking
One day, isang araw… nag-ala-Vilma Santos bilang Pina sa pelikulang Tagos ng Dugo (1987) itong kilalang aktres.
Hinubad ng kilalang aktres ang costume na tinagusan at tinawag ang isang taga-wardrobe, “Labhan mo nga ito!”
Hindi bet ng taga-wardrobe na maging Gloria, Gloria Labandera (1997) kaya ang sagot niya, “I’m sorry po, hindi po part ng job description ko ang maglaba ng costume na may tagos.”
THE VERDICT
Imvirna lisi siyempre ang kilalang aktres at nagsumbong sa higher-up na kesyo tamad-tamaran ang taga-wardrobe at walang modo.
Kinausap ng higher-up ang taga-wardrobe para magpaliwanag. Sabi ng taga-wardrobe, respetuhin naman sana siya ng kilalang aktres at huwag utus-utusan as if kasambahay siya.
Hinaing ng taga-wardrobe, “Bakit hindi siya nag-sanitary napkin para hindi siya tagusan?!”
Nanaig ang hustisya.
\Ang reklamo ng kilalang aktres, isinawsaw lang sa isang sulyaw na dinuguan.
Read: Aktor na tinigok sa drama series, tumakas sa pagkaaresto?
NOEL FERRER
Naku, pasalamat na lang itong kilalang aktres dahil tumagal at humaba ang exposure niya dahil sa show na ito.
Maging mabait na lang sana siya sa mga kasamahan niya kasi no one is indispensable sa industriyang ito!
Puwedeng umabot ang reklamong ito sa kaitaas-taasan at baka bigla na lang siyang matigbak sa programa niya, ha!
In fairness, marami namang puwedeng ipalit sa kanyang mas magaling pa, mas sikat, at mas importante, mas mabait at mas mahusay makisama.
Good luck na lang, digital ang karma.
Read: Guwapong aktor, malapit nang maging isang ganap na ama
GORGY RULA
Malapit nang matapos ang seryeng ito. Hindi magandang iyon ang iiwan niya sa production staff.
Ang pagkakaalam ko, madaling kumalat iyan sa mga boss pati sa mga staff. Malabong kunin siya ulit sa susunod na project.
Mas pinipili nila ang may magandang attitude, marunong makisama, kaya nakakaulit sila.
At bakit sa ibang tao niya ipapalaba ang tagos niya? Ang ibang mas sikat sa kanya ay sila mismo ang naglalaba ng damit nila.
Curious tuloy ako kung mapapanood siya muli sa TV network na iyan.
