PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Richard Reynoso, ipinaliwanag ang X-rating ng MTRCB sa Dear Satan

Richard Reynoso, na-offend din sa Dear Satan.
by PEP Troika
Published Sep 7, 2024
richard reynoso dear satan
Richard Reynoso (left photo, with MTRCB chairperson Lala Sotto) on X-rating of Dear Satan: “Para lang po maging malinaw, iyon po kasing nakita namin, ang sabi po doon yung naging judgment ng board, e, ‘the film clearly constitutes an attack against any race, creed or religion.’ Ngayon, pagka sinabi po na religion, hindi lang po basta religion yan, pati ho teachings, yun pong doctrines, at yung belief. Yan po, it encompasses the whole religion na kailangan din po nating alagaan. Pagka meron hong
PHOTO/S: @richreynoso on Instagram

GORGY RULA

Ipinaliwanag ni Richard Reynoso kung paano sila umabot sa desisyong bigyan ng X-rating ang Dear Santa, na ang original title ay Dear Satan, sa second review rito ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Si Richard ang chairman ng committee sa second review ng Dear Santa.

Lima raw silang board members na nag-review, at unanimous ang desisyon na bigyan muli ito ng X.

Ang apat na miyembro ng review commitee ay sina Cherry Anne Espion, Lillian Ng, Joann Bañaga, at ang tiyuhin ni MTRCB chairperson Lala Sotto-Antonio na si Val Sotto.

Ang unang nag-review ng pelikula ay sina Almira Muhlach, Jan Marini Alano, at Glenn Patricio. Lahat ng mga ito ay nagdesisyon bigyan ng X-rating ang Dear Satan.

Read: MTRCB says X-rating for Dear Satan is final

dear satan poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RICHARD REYNOSO ON X-RATING OF DEAR SANTA

Ayon kay Richard, isinantabi nila ang personal nilang paniniwala at ang religious belief sa pag-review ng Dear Santa.

Ang sinunod daw nila ay ang panuntunang nakasaad sa Presidential Decree 1986.

“Iyon po ang parang Bibliya ho namin kapag kami nagre-review. Nandiyan po yung batas na napapaloob na sinusunod namin. Nandiyan po yung standard na sinusunod po natin.

“So, kung ano man po yung personal feelings namin toward a certain movie, e, hindi po yan nakaka-supercede doon sa ating PD 1986.

"May sinusunod po tayo. Ika nga, walang personalan.

“Ngayon, after namin ma-review ang isang pelikula, kami po ay nagde-deliberate. Pinag-uusapan po namin kung ano po yung mga key points na nakikita namin in making our decision.

“And may individual reports po yan na sinusunod, and then we submit the final ano… iyon po ang final report.

“Bilang chairman po ng committee, I personally requested all the members of that particular committee yung magre-review, na when they make the report, please set aside your spiritual, ano… maging objective po tayo, ika nga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“At kung maaari, silipin po natin at gawin nating guideline yung atin pong mandato, which is the PD 1986. Na yun naman po ang sinunod ng…

"I believe, and I’m very, very thankful that I was with very capable board members na maayos naman po at nai-submit po at nai-report po nila yung kanilang personal review dun sa pelikula, na wala naman pong lumihis doon po sa ating mandato,” saad ni Richard nang nakapanayam namin sa DZRH noong Biyernes, September 6, 2024.

Read: Paolo Contis, JL Burgos puzzled by X for Dear Satan, Alipato at Muog

RICHARD REYNOSO ALSO OFFENDED BY THE MOVIE

Diretsahan naming tinanong ang singer at miyembro ng MTRCB kung na-offend din ba siya sa pelikula, kagaya ng sinabi ni MTRCB chairperson Lala Sotto.

Read: Lala Sotto justifies X ratings of Alipato at Muog, Dear Satan

Ang sagot niya rito ay tila taliwas naman sa una niyang sinabing isinantabi nila ang mga sariling paniniwala.

“Oo, e,” pakli ni Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag niya: “Siyempre, lihis po yan sa itinuro sa atin nung tayo ay bata pa. Lihis po yan sa ating Christian foundation at sa ating personal belief.

“E, siyempre, talagang mao-offend po tayo, masakit ho yan."

Pero parang ina-anticipate niya ang argument ng ibang kontra sa X rating.

Dinagdag nito, "Kaya itinabi po namin yan.

"Dahil pagka umabot po yan ng Supreme Court ay hindi naman po nila titingnan yung ating spiritual belief. Ang pagbabasehan po ay kung ano yung pinagbasehan namin.

"Kaya ang request ko ho dun sa committee, dun po tayo mag-focus sa P.D. 1986.

“Kasi kapag nasa korte, ang pagmamasdan naman, yung titingnan naman nila at pagbabasehan is yung kung ano ang pinagbasehan natin, which is yung aming guidelines, yung aming mandate.”

JERRY OLEA

Gusto ring linawin ni Richard Reynoso na walang kinalaman sa kanilang desisyon ang personal na naramdaman ng MTRCB Chair Lala Sotto.

Aniya, “Meron pa pong misconception na lumalabas na kaya namin na-X yan kasi gawa ni Chair Lala, na-offend or ano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung babalikan ho natin yung nangyaring usapan dun sa Senado, personally ho, dahil nakapanood din po kami, personally, tinanong ho ni Senator Jinggoy [Estrada] kung ano po yung naging pakiramdam ng amin pong chairman dun sa pelikula, kaya po niya nasagot na it offended her.

“Pero let us remember, balikan po natin, tatlo lang po yung board member na nagde-decide diyan, and there is no way na puwede hong baliktarin o baguhin ng chairman kung ano po ang decision ng committee."

Hindi naman ito agad kapani-paniwala. Kalakalan nang ang chair ay may malaking impluwensiya, verbalized man at hindi, sa mga miyembro sa ilalim nito.

Hirit pa rin ni Richard, “Kung ano po ang naramdaman namin dun, ang sinusunod po natin ay babalik po tayo sa P.D. 1986.

"Iyon pa rin po… na siyempre hanggang ngayon ay… maraming nagrereklamo sa proseso and all.”

NOEL FERRER

Bago pa ito i-review ay may nakakarating na raw na reklamo sa kanila, dahil sa hindi nila nagustuhan ang title na Dear Satan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Paolo Contis airs side on Dear Satan title change controversy

Pero wala raw itong kinalaman sa naging desisyon nila.

Dahil sa mga reklamo sa title nito, lalo raw silang na-curious kung ano ba talaga ang pelikulang ito. Pero hindi naman daw sila naimpluwensiyahan nung mga reklamong yun.

Saad ni Richard: “Nung title pa lang, meron na talaga kaming natanggap na reklamo. I believe dun sa unang report pa lang nung committee report na meron na rin kaming natanggap na reklamo. So we have to be… but it doesn’t mean na na-sway po kami.

“Ang nangyari nito, mas tinutukan po naming mabuti pag siyempre, meron pong ganyang reklamo.

“Para lang po maging malinaw, iyon po kasing nakita namin, ang sabi po doon yung naging judgment ng board, e, ‘the film clearly constitutes an attack against any race, creed or religion.’

“Ngayon, pagka sinabi po na religion, hindi lang po basta religion yan, pati ho teachings, yun pong doctrines, at yung belief. Yan po, it encompasses the whole religion na kailangan din po nating alagaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pagka meron hong nasagasaan diyan, e, hindi po natin puwedeng payagan.

"Same way as pagka meron pong ongoing na kaso, say may pending case, hindi rin po natin basta basta payagan na maipalabas yan dahil napapaloob din po yan dun sa classification na puwede naming i-X or should we say not suitable for public viewing or exhibition.

“May patakaran po kaming sinusunod, e.”

Hinihintay namin ang reaksiyon at ang ilalabas na statement ng Mavx Productions kaugnay sa desisyong ito sa Dear Santa.

Ang susunod na hakbang ay puwede pa nilang iapela ang desisyon ng MTRCB sa Malacañang hanggang sa Supreme Court.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard Reynoso (left photo, with MTRCB chairperson Lala Sotto) on X-rating of Dear Satan: “Para lang po maging malinaw, iyon po kasing nakita namin, ang sabi po doon yung naging judgment ng board, e, ‘the film clearly constitutes an attack against any race, creed or religion.’ Ngayon, pagka sinabi po na religion, hindi lang po basta religion yan, pati ho teachings, yun pong doctrines, at yung belief. Yan po, it encompasses the whole religion na kailangan din po nating alagaan. Pagka meron hong
PHOTO/S: @richreynoso on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results