GORGY RULA
Ayaw na sanang magsalita ni Direk Joel Lamangan tungkol sa isyung kinasangkutan nila ng aktor na si Ahron Villena, pero na-provoke yata namin at nakapagsalita pa rin.
Read: Did Ahron Villena take a swipe at director Joel Lamangan?
Nadalaw namin ang last day shooting day ng pelikulang Fatherland na idinirek ni Direk Joel under Bentria Productions at Heaven’s Best Entertainment, na kinunan sa Cavite City noong Sabado, September 7, 2024.
Tinanong ang premyadong direktor tungkol sa FPJ’s Batang Quiapo, kung saan sikat din ang karakter niya bilang si Roda.
Tinanong siya kung may makaka-loveteam din kaya siya sa teleserye, kagaya ng kina Don Facundo (Jaime Fabregas) at Tindeng (Charo Santos).
Di ba, hit na hit ang love triangle nina Rigor (John Estrada), Marites (Cherry Pie Picache), at Lena (Mercedes Cabral)?
Read: Cherry Pie Picache reacts to love triangle in Batang Quiapo
Meron pang "PriManda" nina Senator Lito Lapid at Lorna Tolentino.
Posibleng may maka-loveteam din kaya si Roda?
“Hindi na. Dyusko! Tigilan mo na ako! Wala akong loveteam.
"Naku, paghihinalaan na naman ako, nang-aano na naman ako diyan. Wala! Walang loveteam si Roda,” diretso sagot ni Direk Joel, at sinita pa si Trixie Daus na nagtanong nito sa kanya.
Read: Joel Lamangan nagkomento sa sexual abuse sa showbiz
DIREK JOEL is MORE CAREFUL ABOUT STATEMENTs
Sinundan ng PEP Troika ng tanong si Direk Joel kung maingat na ba siya ngayon sa mga sinasabi niya, pagkatapos ng isyung kinasangkutan nito kay Ahron Villena.
“Napaka! Baka kung sakyan na naman ako, kung anu-ano yung mga sabihin,” bulalas ng premyadong direktor.
Gusto sana naming i-push pa ang kinasangkutan nitong isyu, pero itinatanggi ni Direk Joel ang ibinintang sa kanya.
“Hayaan mo na sila. Sana, totoo na nga, e! Sana totoo.
"Sana totoo kong ginawa para naman umokay, nasarapan naman ako. Hindi naman. Wala!
“Sana plasteran na lang nila ang mga bibig nila. Huwag na silang magsalita ng kung anu-ano. Huwag na nilang sakyan ang isyu.
“Naku! Kung anu-ano yung mga sine-say. Huwag na nating banggitin, baka sumikat pa,” dagdag niya.
Read: Joel Lamangan, ayaw patulan ang pasaring ni Ahron Villena
FATHERLAND
Masaya na raw si Direk Joel sa pelikulang ginagawa niya ngayon, lalo na itong katatapos lang na Fatherland na isa raw sa pinakamalaking pelikulang ginawa niya ngayong taon.
Bukod sa napakagaling ng mga artista niya, ang bait pa raw ng kanyang producers.
Nasaksihan namin doon ang pamumudmod ng envelope sa lahat—mula sa mga artista hanggang sa production staff—bilang "pa-last day" na pakimkim ng producer nilang si Engineer Benjie Austria.
Ang kapal nga ng envelope ni Direk Joel Lamangan!

“Napakahusay ng producer ko. Sana, lahat na mga producer ganoon.
"Masarap ang pagkain sa mga tao, masarap ang pagkain namin dito, at hindi nagkukulang. Maraming-marami ang pinapakain,” saad ni Direk Joel.
Sabi naman ni Engr. Austria: “Nagpapasalamat lang ako na walang aberya, at despite ng calamity, di ba? May mga disaster na nangyayari, go pa rin si Direk.
“Isa yun sa pinasasalamat ko kay Lord.”
Read: Cherry Pie Picache, "tinakot" si Mercedes Cabral
NOEL FERRER
Puring-puri rin ni Direk Joel Lamangan ang mga artista niya sa Fatherland.
Pero ang isa sa ikinagulat niya ay si Iñigo Pascual na bida rito kasama si Allen Dizon.

“Iñigo is very good, very very good. I was so impressed by him. Nasa kanya yung mga magic moment.
“Kasi ang istilo nito, ang flashback, nakikita niya ang nangyayari.
“Nakikita ko ang feelings niya, ang emotions niya, ang pagkawala ng tatay niya. Kasi hindi niya nakita ang tatay niya, e. Six years old pa lang siya kinuha na siya ng nanay niya. Hinahanap-hanap niya,” saad ni Direk Joel.
IñIGO ON WORKING WITH DIREK JOEL
Sabi naman ni Iñigo, “Sobrang nakakatuwa siyempre na nakatrabaho ko si Direk. Isang pangarap na natupad.
"And sabi ko nga dati sa storycon, usually, may nagpi-pitch ng movie na project, pero nang nalaman ko na Direk Joel, talagang sabi ko, hindi na pinag-iisipan yun.
“Pero at the same time, kinakabahan ako knowing na... stories na sobrang strict daw si Direk Joel sa set.
"Pero nang nakatrabaho ko, sobrang mabait na tao si Direk. Ginagawa lang niya talagang maayos yung trabaho. Sobrang bilis namin natatapos, halos every day sa set.”
Nakatakdang lumipad pa-Amerika si Iñigo ngayong Linggo, dahil sa mga natanguang commitments doon.
Merong U.S. tour ang talents ng Cornerstone, at isa siya sa magpe-perform.
Tuluy-tuloy pa rin daw ang audition niya roon, at meron pa silang Father and Son concert ng kanyang amang si Piolo Pascual sa Canada.
Read: Inigo Pascual, balik-local movie pagkatapos ng Hollywood stint
JERRY OLEA
Si Direk Joel Lamangan naman ang peg ni Allen Dizon sa role niya bilang isang bading sa Fatherland.
Tatlong characters ang ginagampanan ni Allen — isang Kapampangan na magsasaka, isang Muslim sa Mindanao, at isang bading na maingay na mga Chinese naman daw ang mga nakakahalubilo.
Talagang nahirapan daw si Allen sa role na bakla na si Teban.
Mabuti na lang daw na si Direk Joel ang direktor niya dahil talagang tinutukan daw siya at mismong ang premyadong direktor na raw ang ginagaya niya.

“May multiple personality kasi ako dito, pero dito ako mas nahirapan, yung pagiging bakla,” pakli ni Allen.
“Si Direk kasi ang peg ko, e. So, nakatutok sa akin si Direk kung ano yung mga ano niya, yung mga sinasabi niya. So, yun ang pinag-usapan namin ni Direk.
“Siya yung nag-guide sa akin talaga. Joel Lamangan na bading ako dito.
“Palengkera kasi dito si Teban, pero yung mga kung paano siya gumalaw, yung ano, nakukuha ko kay Direk,” sabi pa ni Allen.
Natawa si Direk Joel sa sinabi ni Allen.
“Tinuruan ko siya. Kasi hindi naman siya bakla, kaya nahirapan daw siya. Pero nagawa naman niya,” sabi ng premyado at kontrobersiyal na direktor.
Read: Allen Dizon, very challenging ang role sa Abot-Kamay Na Pangarap
