PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rita Magdalena, nag-ingay tungkol sa Pinay scammer sa Amerika

Rita Magdalena, nahihiya sa panlolokong ginawa ni Maria Dickerson sa Amerika.
by PEP Troika
Published Sep 9, 2024
rita magdalena maria dickerson scam
Former sexy star Rita Magdalena (left) is one of about 140 Filipinos in USA who fell victim to the funding company scam allegedly masterminded by Filipino-American beauty queen Maria Dickerson (right). Dickerson is now facing multiple charges.
PHOTO/S: YouTube / Facebook

GORGY RULA

Hindi makapaniwala at nahihiya ang dating sexy actress na si Rita Magdalena sa kinahaharap na kaso ng Filipino-American na si Maria Dickerson o Dulce Pino.

Napabalita na rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dickerson dahil sa kasong fraud na isinampa ng mga taong nahikayat niyang mag-invest sa kanyang funding company.

Isa si Rita sa mga nabiktima umano ni Dickerson.

Read: Pinay beauty queen in U.S. indicted for alleged fraud scheme

Nakausap ng PEP Troika si Rita via Messenger noong nakaraang linggo.

Tinanong niya kami kung may nakuha raw ba kaming kopya ng indictment sa mga kasong haharapin nitong si Dickerson.

Ayon kay Rita, parang nahiya siya bilang Pinoy sa mga ginawa nitong si Dickerson. Hindi raw siya makapaniwalang magagawa nito ang panloloko umano sa 140 katao na karamihan ay mga Pinoy.

maria dickerson
Maria Dickerson aka Dulce Pino
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RITA MAGDALENA SPEAKS UP AGAINST MARIA DICKERSON

Nag-agree siya sa akin na mala-Anna Delvey aka Anna Sorokin ang drama ni Dickerson.

“Kinikilabutan ako, Kuya, parang ganun nga!” bulalas ni Rita.

“Parang sa kanya, parang wala lang nangyari, dinededma niya, na akala mo wala lang. Madalas nga niya ginagawa e.

“Hindi mo ini-expect na pati pala dito sa Amerika, tapos Pilipina ka pa. Hindi ka ba natatakot na parang…”

Ang ikinawindang pa raw lalo ni Rita ay natatakot daw ang ibang mga nabiktima na magsalita. Siya lang ang naglakas-loob na i-post ito sa kanyang social media account at inireklamo niya si Dickerson sa Philippine Consulate.

“Wala kasi talagang nagsasalita. Yung scam niya, nag-start pala nung 2020 pa lang. Wala talagang may nagsasalita kaya nabubuwisit ako,” sabi ni Rita.

“Kasi kung merong nagsalita nung dati pa lang, e, di sana wala nang iba pang mabiktima. Kasi lahat, takot.

“Ako yung nag-ingay, ako yung lumapit sa Philippine Consulate ng San Diego. Puro Filipino yung ano… naku! Napakalaki pala talaga ng naano niya, almost 10M dollars.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na muna ibinahagi ni Rita ang iba pa niyang nalaman dito kay Dickerson dahil babasahan pa lang daw ito ng indictment. Nag-iingat daw siyang baka makaapekto pa iyon sa kaso.

Read: Raymond Bagatsing falls victim to online scammers

JERRY OLEA

Ipinaliwanag ni Rita Magdalena sa PEP Ttroika kung paano nakakakuha ng possible investors si Maria Dickerson.

Dumadalo raw ito sa events ng mga Pinoy sa Amerika, at nakikita raw kung gaano siya kayaman. Parang mamahalin daw ang kotse nito at ang lakas ng dating niya. Magaling daw magsalita, lalo na sa mga kababayan natin.

Ayon kay Rita, “Dulce Pino kasi ang pangalan niya tapos gusto niya, ‘Sweet’ ang tawag sa kanya kasi, si Dulce.”

Ikinuwento ng dating sexy actress kung ano ang kumpanya ni Dickerson.

“Ang pangalan, Creative Legal Fundings. Funding company na nagpa-fund ng mga…alam mo yung mga accident lawyer dito? Na pag maaksidente ka, pupunta ka ng accident lawyer, kasi sila ang magse-settle dun sa insurance or whatever. Tapos yung palabas niya, siya ang nagpa-fund dun sa mga accident lawyer.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So kami, paniwalang-paniwala, kasi meron pa kaming kontrata, meron pa yung sa mga licences. Akala namin, legit talaga kasi lahat may stamp. Tapos meron pang binigay sa amin na 1099 from IRS.”

Ipinaliwanag din ni Rita kung ano yung 1099.

“1099, yung parang pag self-employed ka, pero kumikita ka ng pera. Kailangan mo pa ring i-declare yung pera mo. Kasi kung hindi, hahabulin ka ng IRS pag malaman,” sabi nito.

Read: Rabiya Mateo, na-trauma matapos mabiktima ng investment scam

NOEL FERRER

Ayon kay Rita, patung-patong na kasong fraud, negligence, misrepresentation and SEC violation ang isinampa laban kay Maria Dickerson.

Hindi raw siya makapaniwalang ganun kalaki ang naloko nito sa karamihan sa mga kababayan natin.

“Hindi ko alam na ganun kalaki. So, nung tinawagan kami na, ‘Hey, she got arrested. You have to read the SEC, kung ano yung mga charges niya.’

"Naku, makukulong pala siya 50 years. Dyusko! Gusto ko lang makuha yung pera ko, paano na yun?”himutok ni Rita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinubukan daw ni Dickerson na mag-post ng bail, pero hindi ito pinayagang makapagpiyansa, dahil "dangerous" ang turing dito.

Read: Max Collins and Roberta Tamondong warn public against scammer

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former sexy star Rita Magdalena (left) is one of about 140 Filipinos in USA who fell victim to the funding company scam allegedly masterminded by Filipino-American beauty queen Maria Dickerson (right). Dickerson is now facing multiple charges.
PHOTO/S: YouTube / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results