GORGY RULA
Masaya si Direk Brillante Mendoza, kasama ang Presidente at CEO ng Solar Entertainment Corporation na si Mr. Wilson Tieng, dahil natupad ang gusto nilang mangyari sa pagbabalik ng Sinag Maynila ngayong taon.
Ayon kay Direk Brillante, gusto talaga nilang mabigyan ng sapat na atensiyon ang indie films, lalo na ang obra ng regional filmmakers.
Iyon ang nangyari sa Sinag Maynila 2024 dahil galing ng Mindanao ang gumawa ng Banjo at Salome.
Karamihan sa short films at documentary ay galing din ng iba’t ibang probinsiya ang gumawa, na karamihan ay mga estudyante pa.
Read: Her Locket sweeps eight awards at 6th Sinag Maynila
FOCUS ON REGIONAL FILMS
Sabi ni Direk Brillante, tama lang na mabigyan ng chance na mapanood ang pelikula nila.
“We focus more sa mga regional films. Maraming mga regional films na nakakamangha, kasi hindi natin napapansin na merong cinema na puwedeng mag-compete sa mga pelikula dito sa Maynila.
“Natuwa kami na, finally, nabigyan ng pansin ang mga regional films at iba pang pelikula na hindi napapanood na alam mo naman sa mainstream, pag walang mainstream actors talaga, hindi sila napapansin.
“So, iyon talaga ang binibigyan namin ng focus para in support to the independent film festival,” saad ni Direk Brillante.
Mabuti at kahit paano ay marami rin ang sumuporta sa naturang independent film festival dahil mahirap daw talaga kumita ang mga ganitong pelikula, lalo na kapag walang malalaking artistang involved.
“Magpalabas ka pa ng independent film sa mga sinehan, e, napakahirap na. Milyon ang gagastusin mo, hindi ka pa makasigurado kung mabibigyan ka ng sinehan.
“So, siyempre kailangan mo ng major promotion, at alam naman natin na ang mahal mag-promote ng pelikulang walang kilalang artista. So, mahirap, mahirap.
“So, ito na yung tulong namin sa industry lalo na sa mga independent filmmakers na mabigyan man lang sila ng oportunidad, na matulungan sila, maipalabas ang pelikula nila.
“Yun lang, malaking tulong na kasi nabigyan na sila ng chance na mabigyan ng pelikula nila sa mainstream cinema,” dagdag ni Direk Brillante.

NOEL FERRER
Maganda naman kung iyan ang magiging thrust ng Sinag Maynila — to focus on showcasing regional films.
Pero sana, hindi ito sumagasa sa CinemaRehiyon na ginagawa na ngayon at yung ibang localized film festivals.
Pati nga Cinemalaya ay may ganyang thrust na rin, kaya well, pagandahan na rin lang ng outfit at palayuan ng maabot ng mga pelikula in terms of audience reach and impact.
Hindi ko lang alam kung paano ia-address ni Direk Brillante ang publicly pinost ng director ng pelikulang Salome na si Teng Mangansakan na tila may kinalaman sa resulta ng awards ceremonies.
What do you think, Tito Jerry?
Baka, katulad ng lagi kong sinasabi… Lagi kong ina-appreciate ang pag-e-explain ng jury sa kanilang choices — para na rin for audience education?
JERRY OLEA
To each his own. Kani-kanyang panlasa iyan. “Bagong pari, bagong gawi,” ika nga.
Wala akong kuwestiyon sa kredibilidad at pasya ng tatlong hurado ng full-length finalists ng 6th Sinag Maynila na sina Lav Diaz, Ramona Diaz, at Bibeth Orteza.
May “K” silang “magdamot” sa nominations.
Sa best supporting actress, walang kalaban si Elora Españo ng Her Locket.
Sa kategoryang best supporting actor, isa lang ang kalaban ng winner na si Jansen Magpusao ng The Gospel of the Beast… si Boo Gabunado ng Her Locket.
Sa best actress category, isa lang ang katunggali ng winner na si Rebecca Chuaunsu ng Her Locket… si Kira Balinger ng Maple Leaf Dreams.
Saludo tayo kina Direk Brillante Mendoza at Boss Wilson Tieng sa pagma-mount ng Sinag Maynila.
Read: Sinu-sino ang frontrunners sa 6th Sinag Maynila awards night?
2ND CINEPANALO FILMFEST
Samantala, looking forward din tayo sa 2nd edition ng Puregold CinePanalo filmfest sa Marso 14-25, 2025 sa Gateway Cineplex 18 sa Cubao, Quezon City.
Walo ang napiling full-length finalists na pagkakalooban ng P3M na grant ang bawa’t isa.
Ang mga ito ay Perlas sa Silangan ni TM Malones, Tagsibol ni Tara Illenberger, Sepak Takraw ni Mes de Guzman, Journeyman nina Christian Paolo Lat at Dominic Lat, Olsen’s Day ni JP Habac, Co-Love ni Jill Singson Urdaneta, Fleeting ni Catsi Catalan, at Food Delivery ni Baby Ruth Villarama.
Ang 25 student grand awardees ng CinePanalo 2025 ay sa Setyembre 26 nakatakdang ihayag. Bawa’t short film ay may grant na P150,000.
Kagaya ng unang edisyon ng CinePanalo filmfest, ganoon pa rin ang tema — “Mga Kwentong Panalo ng Buhay.”
Ang mga konsepto ng finalists sa CinePanalo ay pawang family-oriented, inspiring, at wholesome.
Iba-iba ang genre ng mga kalahok, kabilang ang comedy, drama, romance, historical, sports, action, animation, musical, sci-fi, adventure, at documentary.
Ligwak ang mga konseptong naka-focus sa sex, fantasy, horror, at suspense.
Read: 'Pushcart Tales,' 'Under A Piaya Moon,' humakot ng award sa 1st CinePanalo Film Festival
21ST CINEMALAYA
At siyempre, excited din tayo para sa 21st Cinemalaya filmfest sa Agosto 2025.
Ang sampung finalists ng 2025 Cinemalaya Main Competition (Full-Length Category) ay ang mga sumusunod…
Abanse ni Chad Vidanes: The night before local elections, a single mother takes her son to a final campaign rally to get his lost scholarship back — unaware that in the midst of the dense crowd, a morbid disaster awaits them.
Bloom Where You Are Planted ni Noni Abao: Three land rights activists contend with their volatile notions of home amid terror and red-tagging in Cagayan Valley.
Child No. 82 ni Tim Rone Villanueva: During the wake of the biggest action-fantasy movie star of Philippine Cinema, a persevering 16-year-old high school student needs to prove that he is his 82nd child.
Cinemartyrs ni Sari Dalena: A young filmmaker is bent on recreating forgotten massacres from Philippine history, but when she begins shooting at a site where 1,000 men, women, and children were slaughtered, angry spirits are awakened and the lives of her team and the local villagers are put in peril.
Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan ni Dustin Celestino: Four Filipinos grapple with their place in the world and struggle to come to terms with the new realities they are faced with. The film is an existentialist drama where people who have lost hope attempt to find meaning in an absurd, indifferent, and paradoxical universe.
Open Endings nina Nigel Santos at Keavy Eunice Vicente: The friendship of four queer women, who are exes-turned-best friends, is put to the test when one of them makes an impulsive and potentially life-changing decision.
Padamlagan ni Jenn Romano: Five days before the declaration of martial law, the collapse of the Colgante Bridge in Naga forced Doring, a father, to confront his deepest fear — the loss of his son, Ivan, in a tragedy that recalls the darkness of the past.
Paglilitis nina Raymund Barcelon at Cheska Marfori Years after experiencing sexual harassment at her workplace, a former executive assistant is persuaded by a passionate lawyer to file a case against her rich and highly respected boss.
Republika ng Pipolipinas ni Renei Dimla: When the local government threatens to evict her from her own land, a farmer renounces her Filipino citizenship and builds her own micronation.
Warla nina Kevin Alambra at Arah Badayos: A group of transgender women belonging to a gang kidnaps foreign men to fund their gender-affirming surgery, not knowing that their quest to free themselves to be who they are may end with them in prison.
