GORGY RULA
Kinumpirma ang legal counsel ng Television And Production Exponents (TAPE), Inc. na si Atty. Maggie Abraham-Garduque na malapit nang bumalik ang production company na pagmamay-ari ng Jalosjos family.
Tama raw ang kumakalat na kuwentong magbabalik sa pagpo-produce ng shows ang TAPE/
Read: TAPE still operational despite closure of Tahanang Pinakamasaya
“TAPE will come back stronger and with more creative innovative ideas. They will not only venture on television but likewise online shows, events, and concerts,” text sa amin ni Atty. Maggie.
Pamumunuan pa rin ni Romeo Jalosjos Jr. ang TAPE, Inc., pero nagkaroon daw ng restructuring sa administration at production.
Ang focus daw nila ngayon ay makabuo ng mas maganda at mas exciting na show, hindi lang sa television kundi pati online.
TAPE TO PRODUCE SHOWS FOR GMA-7, ALLTV?
May naririnig na kami noon na posibleng magka-show ang TAPE sa GMA-7 dahil okay pa rin daw ang kanilang relasyon.
May narinig din kaming pag-uusap sa AllTV, pero walang sagot sa amin ang ilang napagtanungan namin sa naturang TV network.
May ilan kaming kinulit sa AllTV kung totoong mag-show sa kanila ang TAPE, Inc., wala raw talaga silang alam.
Abangan na lang natin ang kanilang official statement kung kailan na talaga magbabalik ang TAPE, Inc.
Read: Tahanang Pinakamasaya officially goes off the air
JERRY OLEA
Kahit bumabu sa ere ang Tahanang Pinakamasaya noong nakaraang Marso, nanatiling aktibo ang Facebook page nito.

At noong isang araw, ibinalita ng Tahanang Pinakamasaya, “TAPE Inc. is finally coming back.”
Kailan kaya ang pagbabalik ng TAPE?
Bago mag-Halloween? Bago mag-Pasko?
Sa pamamagitan ng ano?
Abang-abang tayo!!!
NOEL FERRER
The more players and producers sa media landscape ngayon, the better.
Marami naman na kasing platforms kaya we’ll never run out of them, pagandahan na lang talaga — at matinding paghihikayat sa target market nila at pag-create ng broader base.
All the best sa TAPE at sa ibang mga tutulong sa pagiging masigla at maunlad ng ating industriya!!!
