JERRY OLEA
“This documentary is made in honor of the men and women in uniform who have made the ultimate sacrifice so all of us here today can be free.
“We support our troops.”
Iyan ang pambungad na mensahe sa 2018 documentary na Fallen Not Forgotten: The Untold Story of the Gallant SAF44 na nag-umpisang mag-streaming sa Netflix noong Setyembre 6, 2024, Biyernes.
Read: Lavender Fields, namukadkad bilang No. 1 TV Show sa Netflix PH
Isang oras at labintatlong minuto ang running time ng nasabing docu na idinirek nina Adrian Belic at Sally Jo Bellosillo.
Ang logline nito, “This gripping documentary chronicles a Filipino police unit's perilous mission to take down the international terrorist known as Marwan in 2015.”

Ilang araw na itong streaming sa Netflix pero hindi pa pumapasok sa talaan ng Top 10 Movies in the Philippines Today.
Isa na lang ang pelikulang Pinoy sa nasabing talaan, ang Lolo and the Kid nina Joel Torre at Euwenn Mikaell.
Mahigit isang buwan nang nasa Top 10 ang Lolo and the Kid. No. 1 ito for 10 consecutive days, mula Agosto 9 hanggang 18.
Read: Lolo and the Kid, Pulang Araw namamayagpag sa Netflix

UPCOMING NETFLIX MOVIES
Sa Setyembre 12, Huwebes, ay dalawang pelikulang Pinoy ang magne-Netflix na, ang The Mall, The Merrier! nina Vice Ganda at Anne Curtis, at ang smorgasbord na Fruitcake.

Nasa cast ng Fruitcake sina Joshua Garcia, Heaven Peralejo, Dominic Ochoa, Ria Atayde, Alex Diaz, KD Estrada, Victor Anastacio, Empoy Marquez, Enchong Dee, Jane Oineza, Kaila Estrada, Markus Paterson, Karina Bautista, Noel Comia Jr., at Queenay Mercado.

Sa Huwebes din ang Netflix streaming ng Thai drama na How To Make Millions Before Grandma Dies.
Sa Fruitcake, The Mall! The Merrier!, at How To Make Millions Before Grandma Dies, alin kaya ang magna-No. 1 agad sa listahan ng Top 10 Movies?
Sa Setyembre 19 naman ang streaming ng pelikulang Chances Are, You and I starring Kelvin Miranda and Kira Balinger.
At kasado na sa Setyembre 20 ang streaming ng pelikula nina Judy Ann Santos, Angelica Panganiban, Joross Gamboa, at JC de Vera na Ang Dalawang Mrs. Reyes aka Mrs. Reyes and Mrs. Reyes.
MATERA, SOUTHERN ITALY
Samantala, nine consecutive days nang No. 1 ang Lavender Fields sa Top 10 TV Shows ng Netflix PH — mula Setyembre 2 hanggang 10.
Tampok sa 100-episode Lavender Fields sina Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales, Janine Gutierrez, Jolina Magdangal, Edu Manzano, Maricel Soriano, at Albert Martinez.
Looking forward tayo sa Netflix streaming ng maaksyong serye na Incognito nina Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Baron Geisler, Ian Veneracion, Maris Racal, Anthony Jennings, at Kaila Estrada.
Ayon sa source ng PEP Troika, tapos na ang taping ng Incognito sa El Nido, Palawan.
Ang next location ng Incognito ay ang lungsod ng Matera sa Basilicata region sa Southern Italy.
Tanyag ang Matera bilang location ng mga pelikulang The Gospel According to St. Matthew (1964) ni Pier Paolo Pasolini, at The Passion of The Christ (2004) ni Mel Gibson.
Read: Pulang Araw, No. 1 agad sa Netflix isang araw matapos mag-stream

Ayon sa Wikipedia, kabilang pa sa mga pelikulang nag-shooting sa Matera ang King David (1985), Mary (2005), The Nativity Story (2006), The Young Messiah (2016), Ben-Hur (2016), Wonder Woman (2017), Mary Magdalene (2018), at ang 25th James Bond film na No Time To Die (2021).
TOP 10 MOVIES AND TV SHOWS ON NETFLIX
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix:
- Rebel Ridge
- Sniper: Ultimate Kill
- The Day After Tomorrow
- Claw
- The Deliverance
- Sniper: Legacy
- Gemini Man
- Sniper: Ghost Shooter
- Lolo and the Kid
- Sniper: Assassin’s End
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today:
- Lavender Fields
- Love Next Door
- The Perfect Couple
- Pulang Araw
- Prison Break
- The Frog
- Romance in the House
- Wistoria: Wand & Sword
- Kaos
- Emily in Paris
NOEL FERRER
Mea culpa, pero halos hindi ako nakakapag-Netflix lately.
Aside from there’s too much things to do, ang dami ring content na pagpipilian from different platforms.
May mga ongoing filmfest pa, Cinemalaya extensions in UP, Sinag Maynila screenings, FDCP screenings din, and pretty soon, ang MMFF Sine Sigla sa Singkwenta with 50 films at 50 pesos.
Read: Sinag Maynila, natupad ang layuning itampok ang regional films
Ngayon, naka-pause muna ako sa Netflix, paano pa kaya ang iba na mas marami pang ibang pinagkakaabalalahan?
Tapos, magma-Manila International Book Fair pa na magsisimula bukas.
At sorry, babalik at babalik pa rin ako sa written words — sa pagbabasa ng libro bago ako matulog.
Iyan ang panlaban ko sa Alzheimer’s at dementia.
Kayo, kumusta, regular pa rin ba ang pagne-Netflix ninyo?
GORGY RULA
Malaking tulong talaga sa film producers itong mga streaming service kagaya ng Netflix.
Nagagawa nang umikot ang mga lumang pelikula sa mga streaming service kaya dagdag pang kita ito.
Napanood na sa telebisyon ang Ang Dalawang Mrs. Reyes at The Mall The Merrier, pero kinuha pa rin ng Netflix, at tiyak na papanoorin pa rin ito.
Pero mas tinututukan ko ngayon ang Pulang Araw at Lavender Fields na talagang maganda ang pagkakagawa.
Gusto ko talaga ang Pulang Araw, na tingin ko dapat na mapanood ng mga kabataan kung ano ang mga kaganapan noong panahon ng giyera, na sinakop ng Japan ang ating bansa.
Naalala ko ang Tatlong Taong Walang Diyos nina Nora Aunor, Christopher de Leon, at Bembol Roco.
Pero mas detalyado ang Pulang Araw dahil series ito at marami pang kuwentong nabuo noong panahong iyon.
Read: Pulang Araw creator, sinagot kung bakit nag-i-English at Tagalog ang mga Hapones sa Pulang Araw
Soap na soap naman ang Lavender Fields na napapanood na natin ang tipo ng kuwentong ito sa ilang teleserye.
Pero napakabilis ng takbo ng kuwento, at mae-excite ka dahil mukhang marami pang mangyayari sa kuwento ng bagong katauhan ni Jodi Sta. Maria na naging si Lavender Fields.
