GORGY RULA
Finally, ini-reveal na ng Quantuam Films ang buong cast ng horror film na Espantaho ngayong Miyerkules ng gabi, Setyembre 11, 2024.
Ito yung unang napabalitang first time na pagsasama nina Vilma Santos at Judy Ann Santos sa pelikula.
Dapat todo na sa Santos, dahil ang original na plano ay kasali pa si Charo Santos.
Read: Vilma Santos at Judy Ann Santos, magsasama sa horror film ni Chito Rono
Pero hindi na ito natuloy.
Ang film project sa Mentorque Productions ang unang tinanguan ni Ate Vi na sisimulan niya, pero nagpahayag siyang gusto rin niyang gawin itong Espantaho.
Pero kailangan na ring magsimula ang Quantum, kaya nabago ang casting ng Espantaho.
Si Lorna Tolentino ang ipinalit sa role na dapat sa Star For All Seasons.
Read: Vilma Santos, dalawang pelikula ang posibleng pang-MMFF


ESPANTAHO POWERHOUSE CAST
Nasa caption ng post ng producer ng Quantum na si Atty. Joji Alonso, “Every family has its secrets. Some, more sinister than others.
“On its 20th year, Quantum Films, in cooperation with Cineko Productions and Purple Bunny Productions, proudly present a powerhouse ensemble in a horror movie event by award-winning writer Chris Martinez and helmed by master director Chito S. Rono.”
Ang role na dapat kay Charo Santos ay napunta na kay Chanda Romero.

Bigatin pa rin ang iba pang kasali na sina JC Santos, Mon Confiado, Nico Antonio, Donna Cariaga, at Janice de Belen.





May special participation din sina Eugene Domingo at Tommy Abuel.


Ihahabol kaya ito ng Quantum sa submission ng finished films ng 50th Metro Manila Film Festival?
Read: Vilma Santos, gagawa ng pelikula na hindi iniisip ang MMFF 2024
NOEL FERRER
Talagang pinangatawanan ng Quantum Films ang pagiging award-winning ng halos lahat ng cast members which makes this film very exciting.
Sana lang talaga, matapos nila ito soon kahit sa kabila ng madalas na pag-ulan.
Bihirang gumawa ng pelikula sina Direk Chito Roño at si Juday, pati na si LT, kaya’t tunay na aabangan ito!!!
JERRY OLEA
Sa 49th MMFF last year, si Direk Chito Roño ang chairman ng 11-person jury, at si Lorna Tolentino ang vice chairman.
Interesting kung sa MMFF ay may official entry naman sila.
OK lang kung second choice si Lorna sa project na ito. Aba! Masuwerte siya kahit second choice ka.
Di ba, sa 1982 films na Moral at Sinasamba Kita ay second choice din siya?
