Trigger Warning: Description of sexual act
GORGY RULA
Sinuportahan ng Vivamax stars na sina Marianne Saint, Ayah Alfonso, Robb Guinto, Justin Joyce, Yda Manzano, at Krista Miller ang launch ng Magic Voyz nitong Setyembre 10, 2024, Martes ng gabi, sa Viva Cafe, Cubao, Quezon City.
Kani-kanya ng paandar ang anim na babae bago ang main show na tinampukan ng all-male sing-and-kaldag group na Magic Voyz.
Pito ang members ng Magic Voyz, kung saan frontliners ang Vivamax hunks na sina Jhon Mark Marcia, Juan Paulo Calma, at Mhack Morales.
Read: Hubadero 2024 2Q: Hot men in Philippine showbiz
Lead actor si Juan Paolo sa pelikulang Kiskisan na sa Setyembre 27, Biyernes, ang Vivamax streaming.
Tatlo ang kakiskisan ni Juan Paulo sa movie—sina Robb Guinto, Apple Dy, at Skye Gonzaga.
Dalawang pelikula ni Jhon Mark ang mag-i-streaming sa Oktubre.
Kasado na sa Oktubre 4, Biyernes, ang streaming ng Tahong, kung saan co-stars ni Jhon Mark sina Candy Veloso, Salome Salvi, at Emil Sandoval.
Sa Oktubre 25, Biyernes, nakapuwesto ang streaming ng Tatsulok: Tatlo Magkasalo.
Ang apat pang members ng Magic Voyz ay sina Jace Ramos, Rave Obado, Ian Briones, at Johan Shane na nag-compose ng first two singles ng grupo na "Wag Mo Akong Titigan" at "Bintana."

MAGIC MIKE-INSPIRED MALE GROUP
Ang manager ng Magic Voyz ay si Lito de Guzman (LDG) na nag-manage before ng mga grupong Baywalk Bodies, Wonder Gays, Milkmen, at Batchmates.
Ayon kay LDG, ang group name na Magic Voyz ay inspired sa pelikulang Magic Mike (2012) na pinagbidahan ni Channing Tatum.
“Kasi sexy sila, mga masculine sila. So, kaya nilang mag-bare naked. Kaya nilang mag-all the way sa movie,” sabi ni LDG.
“Kailangan nilang magpa-sexy, kaya nila yon. Kaya rin nilang mag-wholesome…
“Nag-proper training sila ng three months bago naglabas ng original song.”
Andami nang minanage ni LDG — lalaki, babae, bading. Base sa experience niya, alin ang mas tarantado, at mas marketable sa mga alaga?
“Ang pagma-manage, wala sa babae, wala sa lalaki. Pag may tarantado talagang talent, tarantado,” pananalig ni LDG.
“Pero pag may mabait na talent, mabait talaga sila. So… marketable? Babae. Kasi lahat, clubs, fiesta, events. Lalaki, medyo konti lang ang bookings.
“Pero lahat naman, pino-produce ko sila ng movies. Nag-a-acting skills din sila. So, variety, variety, variety.”
Read: Vivamax newbies, papatol ba sa indecent proposals?

NOEL FERRER
Thankful si Jhon Mark Marcia kay Direk Joel Lamangan na nagdirek ng pelikulang Sisid Marino na pinagbidahan nila ni Julia Victoria.
“Bago nagsimula iyong Tahong at Tatsulok, siyempre ho, pasalamat muna ako kay Direk Joel Lamangan,” sabi ni Jhon Mark.
“Salamat sa pagtitiwala niya. Kasi after nung ginawa ko kay Direk Joel, nagkasunud-sunod agad yung movie na ginawa ko.
“Yung Tahong, sobrang hirap. Sa Navotas ho namin syinut siya. Ang ganda niya, may hawig siya sa Sisid Marino. Ang ganda ng mga cinematic na ginawa namin.”
Nag-frontal nudity si Jhon Mark sa Sisid Marino, pero sa Tahong ay hindi siya ni-require na mag-frontal.
Read: Vivamax sexy actor Jhon Mark Marcia confident sa frontal nudity sa Sisid Marino
THREESOME IN REAL LIFE
Sa Tatsulok: Tatlo Magkasalo ay dalawang babae ang ka-threesome ni John Mark.
“Parang love triangle po siya na nagkagulu-gulo,” sambit ng hunk actor.
Na-experience na ba niya ang threesome sa totoong buhay?
“Dati po, noong bata ako. Mga 18 pa ako noong time na yun, e,” natatawang pag-amin ni Jhon Mark.
“Siguro lasing lang ako noon. Lasing.”
Exciting ba ang threesome?
“Parang hindi ko siya naramdaman. Kasi lasing po ako nung time na yon. Pero nal*b*g*n din ako,” sey ni Jhon Mark.
“Kasi, may mga bagay talaga na fetish natin. Minsan, masarap din palang gawin yung ganung bagay. Single naman ako nung time na yun kaya nagawa ko siya.”
Parehong babae ang naka-threesome niya noon.
“Sobrang gaganda, sobrang sexy.”
Hindi pa raw nasusubukan ni Jhon Mark iyong threesome na dalawa silang lalaki na nagsalo sa isang babae.
“Ha! Ha! Ha! Parang ang hirap! Hindi ko pa nata-try yon! Ha! Ha! Ha! Maraming gustong mag-try pero, honest, hindi ko pa sia nata-try,” natatawang lahad ni Jhon Mark aka Boy Lakad.
“Pero parang gusto ko nga siyang i-try. Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi ko pa nata-try, hindi ko pa nata-try. Promise, hindi ko pa nata-try.”
Read: Vivamax, ano ang ambag sa entertainment industry?
JERRY OLEA
Tuluy-tuloy ang pagpapalabas ng Vivamax ng mga mapangahas na pelikula. Sa tingin ba ni Jhon Mark Marcia, OK pa rin ang pagtanggap ng mga tao sa sexy, bold or daring projects?
Iyong ibang artista, napapagod sa hubaran, nagsasawa dahil ganoon at ganoon daw ang ginagawa.
“Kasi po, ang nangyayari sa amin, hindi lang po paghuhubad talaga ang ginagawa namin, e,” pagmamatuwid niya.
“Gumagawa po kami sa Vivamax, hindi lang puro hubad. Bumubuo po kami ng kuwento. Nagkukuwento po kami sa mga viewers namin, hindi lang po puro hubad.
“May mga kuwento po yung mga pelikula namin. Kaya hindi po kami porno. Makakapulot din po sila ng aral sa mga ginagawa namin. Hindi lang po basta hubad.”
If ever, kaya ba niyang gumawa ng porno? Iyong totohanan ang pagtatalik sa harap ng kamera.
“Totohanan, hindi ko pa po kaya. Pero sexy, lahat, kaya kong mag-frontal, lahat ipakita,” saad ni Jhon Mark.
“Pero iyong nakikita talaga yung ano, hindi ko pa po kaya yon.”
Read: Vivamax, ipinakilala ang bagong aabangang sexy stars
TOP 10 VIVAMX MOVIES
As of September 11, Wednesday, ang Top 10 movies sa Vivamax ay ang mga sumusunod:
1. Throuple, starring Audrey Avila, Sahara Bernales, Aerol Carmelo, and Arah Alonzo
2. X-Deal 2, starring Josef Elizalde, Robb Guinto, Angela Morena, and Elmo Elarmo Jr.
3. F-buddies, starring Denise Esteban, Candy Veloso, Mon Mendoza, Calvin Reyes, Trish Gaden, and Elmo Elarmo Jr.
4. Kalikot, starring Sheila Snow, Van Allen Ong, and Arah Alonzo
5. Init, starring Dyessa Garcia, Aika Veloso, Candy Veloso, Ghion Espinosa, Rash Flores, Rome Guinto, and Renz Tantoco
6. Butas, starring Angela Morena, Angelica Hart, Albie Casiño, and JD Aguas
7. Maharot, starring Aiko Garcia, Victor Relosa, Athena Red, and Ardy Raymundo
8. Sweet Release, starring Ataska, Dyessa Garcia, Mhack Morales, Jem Milton, and Horace Mendoza
9. Top 1, starring Christy Imperial, Marianne Saint, and Armani Hector
10. Afam, starring Jela Cuenca, Rob Guinto, Nico Locco, Alexa Ocampo, Katya Santos, PJ Rosario, Roi Alonte, and Giselle Sanchez
