PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Enzo Almario, umaming biktima ng rape sa edad na 12

Enzo, biktima rin umano ng musical director na inakusahan ni Gerald Santos.
by PEP Troika
Published Sep 12, 2024
enzo almario rape
Enzo Almario, former member of Sugarpop, reveals that he is also a victim of the musical director accused by Gerald Santos of rape.
PHOTO/S: Enzo Almario Facebook

Trigger warning: rape

JERRY OLEA

“It took me a while to finally take action on this issue, but now, I am no longer afraid, and I shouldn't be the one living in fear.

“I was raped and deceived by the same person who also raped Kuya Gerald.”

Iyan ang mensahe ng singer na si Enzo Almario sa kanyang Facebook post ngayong Setyembre 12, 2024, Huwebes ng hapon, kalakip ang video ng announcement ni Gerald Santos sa isa pa umanong biktima ng musical director na si Danny Tan.

Si Tan ang inakusahan ni Gerald na gumahasa umano sa kanya sa edad na 15 noong 2005.

Read: Gerald Santos, pinangalanan na ang humalay umano sa kanya

Naunang nag-post si Gerald ng video sa kanyang YouTube channel.

Pahayag ni Gerald, “Nagulat po ako, nung ako po’y lumabas sa senado, nag-message po siya sa akin. At siya po ay mas bata pa sa akin, guys.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Magkakasama kami noon sa GMA, at siya po ay miyembro ng Sugarpop na mina-manage nitong si Danny Tan.”

Ayon sa Wikipedia, ang Sugarpop ay binuo ng musical director at vocal arranger na si Danny Tan noong 2006.

Ang members nito ay sina Julie Anne San Jose, Vanessa Rangadhol, Renzo “Enzo” Almario, Pocholo “Cholo” Bismonte, at Rita Iringan (na ngayon ay Rita Daniela na). Nag-perform sila sa SOP Rules.

Rita Daniela in Sugarpop
Sugarpop members (from left) Julie Anne San Jose, Enzo Almario, Rita Iringan, Pocholo Bismonte, and Vanessa Rangadohl
Photo/s: Sugarpop (GMA Network)
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagpapatuloy ni Gerald, “At dahil may mga friends din daw siya na apparently naabuso, tapos nung lumabas itong kay Sandro Muhlach, and the nung lumabas din po ako…

“Parang nagkaroon daw po sa kanya ng sign si Lord, ng green light na siya ay lumantad na din.

“Dahil hindi na rin po makayanan ng kanyang konsensya na parang… hahayaan niya na lang po ba itong mga nangyayaring ganito?”

Read: Gerald Santos speaks up about "sexual harassment" at 15

GERALD THANKS RENZ FOR SPEAKING UP

Nagpasalamat si Gerald sa paglantad ni Enzo, at pagbibigay ng testimony sa pang-aabuso.

“Grabe po! Yung kanya po, nangyari, noong 2008. And he was only 12 years old, guys!” bulalas ni Gerald.

“Twelve years old, grabe! At nakausap ko rin po mismo yung kanyang tatay. Nag-message din po sa akin nang kusa nung ako po ay lumabas sa senado.

“May iba pa daw po na mga biktima na mga bata itong si Danny Tan. Hindi ko po ma-explain yung mararamdaman ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko po… halu-halo yung aking nararamdaman na galit, sakit, nadudurog po ang aking puso, lalo na po nung kinuwento sa akin yung ginawa po sa kanya…

“Hindi na rin po niya makayanan, e. Kasi, parang hindi po dapat maging normal lamang ito.

“Hindi dapat maging normal na parang pag inabuso ka, hahayaan mo na lang. Grabe po!

“Labindalawang taong gulang, gagawan mo ng ganitong klaseng bagay,” pag-iling-iling ni Gerald.

Read: GMA insiders stunned by mention of "rape" in Gerald Santos senate testimony

NOEL FERRER

Kapagkuwan ay ipinakita ang video kung saan napapagitnaan si Renzo Almario nina Atty. Biboy Malaya at Gerald Santos.

Si Atty. Malaya ang abogadong ibinigay ni Senador Jinggoy Estrada kay Gerald.

Enzo Almario and Gerald Santos
(From left) Atty. Biboy Malaya, Renz Almario, and Gerald Santos
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Gerald, “Renzo, I’m really thankful na… thankful ako sa iyo na, kumbaga, lumabas ka finally. You know, it took some time bago lumabas si Renzo.

“Dahil siyempre, hindi po talaga biro iyong pinagdaanan niya rin po. Sa kanya nga po, multiple times. Ang dami po!

“At ngayon, lumabas na si Enzo, and he will help me para sa possible na case na ipa-file po namin sa tulong po ni Atty. Biboy Malaya. Nandito po kami sa kanyang opisina.”

Read: Sandro Muhlach speaks up about sexual abuse

Pahayag ni Enzo habang nakahalukipkip, “I’m super thankful kay Kuya Gerald for having this courage na mag-talk about this.

“And nagkaroon kasi ako ng lakas din ng loob para i-share din yung experience ko, yung madilim na experience na ito.

“Para din matuldukan na yung trauma na na-experience natin, so, kaya maraming salamat, Kuya Gerald and Attorney for this.”

Hintayin na rin lang natin ang paghahain ng demanda sa korte -- para maiwasan na rin lang ang trial by publicity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dating Sugarpop member, umaming gay; sumali sa Tawag ng Tanghalan

GORGY RULA

Ngayong Huwebes, September 12 din ang unang hearing ng kasong rape through sexual assault na isinampa ni Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors ng GMA Network na sina Jojo Nones at Richard “Dode” Cruz.

Ngayong hapon lang ito sa Department of Justice na kung saan ay nagkaharap-harap sila ni Sandro Muhlach.

Sinamahan si Sandro ng kanyang amang si Niño Muhlach at ng kanyang legal counsels.

Doon na rin isinumite at sinumpaan nina Nones at Cruz ang kanilang counter-affidavit.

Hinihintay pa namin ang kopya ng counter affidavit o ang statement nila kung ano ang nakapaloob sa naturang counter affidavit.

Ang isa lang sa nakuha naming impormasyon ay may iprinisent daw silang resulta ng drug test ni Sandro, na negative ito.

Ibig sabihin, nagko-contradict ito sa sinasabi ni Sandro na pinasinghot siya ni Nones ng white substance, na lumalabas na droga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinukuha pa namin ang iba pang impormasyon, at kung ano ang nangyari nang nagkaharap sila roon sa DOJ.

Ito namang bagong nagrereklamo kay Danny Tan ay lalong nagpalala sa reklamong isasampa laban sa musical director.

Pero mas mabuting hintayin natin ang panig ni Danny Tan na tahimik pa rin hanggang ngayon.

Nandito pa kaya si Danny sa Maynila o saan mang panig ng bansa?

Read: Sandro at independent contractors ng GMA-7, maghaharap sa Senado

UPDATE:

JERRY OLEA

Samantala, nag-post si Enzo Almario ng mensahe sa kanyang Facebook page ngayong Setyembre 12, Huwebes ng gabi, matapos kumalat ang paglantad niya sa YouTube channel ni Gerald Santos.

Ani Enzo (published as is): “To everyone messaging me, I don't mean to be rude, but right now, I'm struggling to find the right words or feelings to respond.

“I'm also in an indescribably uneasy place after writing down everything that happened, from start to finish. Reliving those moments feels like I'm back in that powerless, deceived state, and with the understanding I have now, it's impossible not to get emotional.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“To anyone else who was a victim of this person, speak up and free yourself. This wasn't our fault; HE TOOK ADVANTAGE OF OUR INNOCENCE.

“I sincerely hope get justice, not just for ourselves, but for the potential victims he may be targeting and everyone he already preyed on.”

enzo almario statement

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Enzo Almario, former member of Sugarpop, reveals that he is also a victim of the musical director accused by Gerald Santos of rape.
PHOTO/S: Enzo Almario Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results