JERRY OLEA
Sabay-sabay na nag-streaming sa Netflix Philippines umpisa Setyembre 12, 2024, Huwebes, ang Fruitcake ni Joshua Garcia, ang The Mall! The Merrier! nina Vice Ganda at Anne Curtis, at ang Thai drama film na How To Make Millions Before Grandma Dies.
Tama ang kutob ko kung alin sa tatlo ang aarangkada at pupukaw sa puso ng mga manonood.
Ang hindi ko in-expect ay ligwak sa top 5 movies iyong debut ng Fruitcake.
Iyong documentary na Fallen Not Forgotten: The Untold Story of the Gallant SAF44 ay hindi pa rin pumupuwesto sa top 10.
Abangan na lang natin ang streaming ng iba pang Pinoy movies sa Netflix PH:
- Chances Are, You and I sa Setyembre 19
- Mrs. Reyes and Mrs. Reyes sa Setyembre 20
- That Kind of Love sa Oktubre 10, at Outside sa Oktubre 17
Samantala, 13 consecutive days nang hindi natitinag sa top spot among TV shows ang Lavender Fields.
Number 1 sa talaan ng top 10 TV shows ng Netflix PH ang teleserye nina Jodi Sta. Maria, Janine Gutierrez, at Jericho Rosales mula Setyembre 2 hanggang 14.
Ang nakapanlulumo, bumaba sa pang-anim na puwesto ang Pulang Araw nina Alden Richards, Sanya Lopez, Barbie Forteza, David Licauco, at Dennis Trillo. Tsk! Tsk! Tsk!
Paaabutin ba talaga ito hanggang Episode 100? E, di ba, ikinakasa na ng GMA-7 ang second season ng Lolong ni Ruru Madrid?
Read: Pulang Araw boasts of ensemble cast, impressive storytelling
NOEL FERRER
Owww, at least may option pa rin tayong mga manonood na mag-Netflix.
Ako, aaminin ko, kailangan talagang maglaan ng oras kung sakali mang may gusto akong panoorin.
Pero totoo bang kasama sa broadening ng powers ng Movie and TV Review Classification Board( MTRCB) ang pag-oversee ng mga panonoorin online kasama na ang Netflix?
Read: To abolish or to retain: Is MTRCB censorship still relevant in the digital age?
Will this ever happen or will Netflix allow itself its extra layer of regulation?
Huwag naman sana tayong iwanan nitong online platform na ito dahil lang sa dagdag na layer ng mga approvals.
What do you think?
GORGY RULA
Pinag-uusapan na ngayon ang posibleng pag-amyenda ng batas na Presidential Decree 1986, kung saan nakapaloob ang "powers and functions" ng MTRCB.
Kung sakaling aamyendahan ito, tiyak na mata-tackle ang pagpapalawak ng mandato ng MTRCB.
Ire-regulate na rin ba nila ang napapanood sa streaming services, kagaya ng Netflix.
Madugong usapin ito kapag nagkataon, dahil marami ang komokontrang pakialaman pa ng MTRCB ang mga streaming services.
Kaagad nag-react ang isang producer na naka-chat ko.
Unahin daw muna kaya ng MTRCB ang pag-block ng mga porn sites bago nila pakialaman ang streaming service?
Mahirap sugpuin ito, pero dapat na isipin din ito ng naturang ahensiya kung gusto nilang gabayan ang mga pinapanood ng ating mga kabatan. Pero habang sumusunod pa lamang sila sa PD 1986, hindi pa nila saklaw itong mga naturang platform.
Kaya lang, may ilang ahensiyang nagmamatyag na rin sa ilang pelikulang napapanood natin.
Isa na rito ang National Authority for Child Care, na pinuna na noon ang na-X na Dear Santa.

May natanggap kami kamakailan lang na press release ng naturang ahensiya na pinuna nila ang proseso ng adoption na napanood sa pelikulang Lolo and the Kid.
Yun nga lang, wala na sa top 10 trending ang pelikulang ito nina Joel Torre at Euwenn Mikaell.

Ang sabi, ang ipinakitang pag-adopt kay Kid ay hindi raw aligned sa legal procedures ng Republic Act 11642 o tinatawag na Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act of 2022.
“While the themes of love, family, and belonging are powerfully represented, Lolo and the Kid inadvertently presents an incorrect adoption process.
“The NACC believes it is essential for the public to be fully informed of the proper steps to legally and ethically adopt a child, in accordance with RA 11642,” bahagi ng press release na ipinadala nila sa PEP Troika.
Sana sa mga susunod na pelikulang gagawin na tumatalakay sa adoption ng isang bata ay dapat maipakita ang tamang proseso sa pag-ampon.
At nakahanda ang NACC na magbigay ng sapat na kaalaman sa pag-ampon ng isang bata.
Pagdidiin ni NACC Undersecretary Janella Ejercito Estrada, “It is crucial for the public to be aware of the legal frameworks in place to protect children. Adoption, when done properly, safeguards the child’s right to a loving family while also ensuring that prospective parents are fully prepared for the responsibilities of parenthood.
“Misinformation about adoption can lead to unintended consequences, which we hope to avoid through continued education and public engagement.”
JERRY OLEA
Back to ranking of shows and movies, narito ang most recent top 10 list.
Top 10 TV Shows on Netflix Philippines Today, September 14
- Lavender Fields
- Love Next Door
- Emily in Paris
- The Perfect Couple
- Prison Break
- Pulang Araw
- Romance in the House
- The Frog
- Kaos
- Wistoria: Wand & Sword
TOP 10 movies ON NETFLIX PHILIPPINES TODAY, SEPTEMBER 14
- How To Make Millions Before Grandma Dies
- The Day After Tomorrow
- Rebel Ridge
- Geostorm
- The Mall! The Merrier!
- Fruitcake
- Sniper: Ultimate Kill
- Claw
- Sniper: Legacy
- Gemini Man
