PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cedrick Juan, exclusive sa TV5 matapos pumirma sa MQuest?

Cedrick Juan, nakahilera ang mga bigating artista sa book launch ni Ricky Lee.
by PEP Troika
Published Sep 16, 2024
cedrick juan
Cedrick Juan on reading excerpts from National Artist Ricky Lees book: “Parang narinig ko rin yung sarili ko. Kasi, it’s about the desaparecidos, kung ano ang pinagdadaanan ng mga taong nawalan ng minamahal sa buhay. Yun ang pinakatumatak sa akin na hanggang ngayon, ipinaglalaban pa rin nila yung karapatan nila na malaman kung ano ang nangyari sa mga mahal sa buhay nila."
PHOTO/S: @cedrickgjuan on Instagram

JERRY OLEA

Masaya si Cedrick Juan na napasama siya sa mga nagbasa ng excerpts sa book launch ni Ricky Lee sa Manila International Book Fair noong Setyembre 14, 2024, Sabado ng gabi, sa SMX Convention Center ng SM Mall of Asia Complex, Pasay City.

“Dapat hindi ako makakapunta ngayon. Kasi, may schedule talaga ako ngayon,” lahad ni Cedrick sa PEP Troika pagkatapos ng event.

“Pero kanina, mga 3:00 P.M., nag-message ako kina Direk Mac [Alejandre] at Sir Ricky kung puwede pa rin akong makahabol.

“And sabi ko, kahit hindi ako makahabol, at least maka-attend ako to support Sir Ricky. Pero yun nga, nasabi ng assistant niya kanina na kaya pa din.

“Kaya sobrang nagmadali ako para makahabol pa rin.”

Kabilang pa sa nagbasa ng excerpts mula sa nobelang Kalahating Bahaghari at tete-beche na Kabilang Sa Mga Nawawala/Among The Disappeared sina Dingdong Dantes, Iza Calzado, Meryll Soriano, Agot Isidro, Elijah Canlas, at Direk Erik Matti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-perform sina Ice Seguerra, Bayang Barrios, at Mike Villegas.

Hosts sina Candy Pangilinan at John Lapus.

Read: National Artist Ricky Lee, star-studded ang book launch!

cedrick meryll elijah ricky lee book
Cedrick Juan (right) with Meryll Soriano and Elijah Canlas during the reading of the excerpts of the latest book of National Artist Ricky Lee.
Photo/s: Jerry Olea
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ON NATIONAL ARTIST RICKY LEE'S NEW BOOK

“Sobrang laking karangalan na i-share yung stage together with other artists na alam natin na may integrity bilang artist,” sambit ni Cedrick.

“And siyempre, malaking karangalan yung mabasa yung mga bagong akda ni Sir Ricky.

“Kasi alam natin kung gaano kagaling magsulat ang National Artist natin na si Sir Ricky, tapos, excerpts pa lang siya pero ramdam mo na agad yung mga sinulat niya.

“Kung gaano makatao yung mga sinusulat lagi ni Sir Ricky. Tapos lagi niyang ibinabalik sa atin yung grounding as an artist, and as a human.

“Yun ang pinakamasarap na na-witness ko dito. And improvisation siya, kung tutuusin, kahit kanina lang namin nabasa, or kagabi.

“Pero binibigay ng bawat salita at bawat pangungusap yung emosyon na agad, kaya hindi mo na siya kailangang aralin pa nang sobra-sobra bilang aktor.”

Kumusta ang pakiramdam niya habang nagbabasa ng excerpts?

“Parang medyo kanina, kinakabahan ako. Pero siguro, babalik na lang ako dun sa piyesa na binasa ko,” saad ni Cedrick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang narinig ko rin yung sarili ko. Kasi, it’s about the desaparecidos, kung ano ang pinagdadaanan ng mga taong nawalan ng minamahal sa buhay.

“Yun ang pinakatumatak sa akin na hanggang ngayon, ipinaglalaban pa rin nila yung karapatan nila na malaman kung ano ang nangyari sa mga mahal sa buhay nila.

“At the same time, isipin mo kung ano yung nararamdaman naman ng mga kaluluwang hindi nila alam na wala na pala sila dito sa lupang kinatitirhan nating lahat.”

Read: Ricky Lee, Kidlat Tahimik, other National Artists feted at 4th Philippine Film Industry Month gala night

NOEL FERRER

Isang linggong nagsyuting si Cedrick Juan sa Thailand ng bagong pelikula ni Direk Catherine “CC” Camarillo na Pandanggo Sa Ilaw ang working title. Co-stars niya rito sina Baron Geisler at Bianca Umali.

“Sobrang fulfilling, kasi isang malaking pribilehiyo na makapag-shoot for an artist sa ibang bansa,” sabi ni Cedrick.

“At mai-showcase iyong kakayanan nating mga Pilipino bilang mga actors and actresses. Ano siya sa akin, dream come true.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumustang katrabaho si Baron?

“Si Baron, sobrang passionate. Sobrang passionate siya sa ginagawa niya sa trabaho,” tugon ni Cedrick.

“As in parang… nasa tent lang kami, nag-uusap kami, nagre-read kami from time to time.

“At sobrang in tune siya sa craft niya as an actor.

Read: Cedrick Juan makes triumphant return to Cinemalaya

Masaya talaga tayo for Cedrick, na kasama sa TV5 series na Ang Himala ni Niño na mag-uumpisa sa Setyembre 30, Lunes ng 11:15 A.M. bago mag-Eat Bulaga!.

Prequel ito ng Niño Niña.

Nasa cast din nito sina Carmi Martin, Freddie Webb, K Brosas, Lilet Esteban, Queenay Mercado, Cai Cortez, Kych Minemoto, Isabel Oli, Jay Gonzaga, Paolo Angeles, Dawn Chang, Mitoy Yonting, at Zion Cruz bilang Niño.

ang himala ni nino
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Basta, support tayo palagi sa mga committed at mabait na aktor tulad ni Cedrick!

GORGY RULA

Itong pelikula with Baron Geisler at morning series na Ang Himala ni Niño ang pagkakaabalahan ni Cedrick Juan hanggang katapusan ng Oktubre.

Hindi na muna siya makakalabas sa ibang TV network? Exclusive na siya sa TV5 matapos pumirma ng management contract sa MQuest Ventures?

“Hindi naman. Parang as long as workable naman yung schedule, I think yun yung pinaka-goal ko sa pag-oo sa MQuest,” paliwanag ni Cedrick.

“Kasi ayoko ring makahon. Kasi gusto ko rin na maging collaborative ang trabaho, as long as pasok sa schedule, at gusto ko rin talagang gawin ang isang script.”

May mga natapos nang pelikula si Cedrick pero hindi pa niya puwedeng i-reveal dahil sa non-disclosure agreement (NDA).

“Sana makabalik uli ng teatro anytime soon,” pag-asam ni Cedrick.

May movie ba siya para sa 50th MMFF?

“Llet’s see. Parang hindi ko pa masabi. Pero merong mga pelikula na hoping na makapasok.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Cedrick Juan still willing to do theater, nude scenes after winning MMFF 2023 best actor

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cedrick Juan on reading excerpts from National Artist Ricky Lees book: “Parang narinig ko rin yung sarili ko. Kasi, it’s about the desaparecidos, kung ano ang pinagdadaanan ng mga taong nawalan ng minamahal sa buhay. Yun ang pinakatumatak sa akin na hanggang ngayon, ipinaglalaban pa rin nila yung karapatan nila na malaman kung ano ang nangyari sa mga mahal sa buhay nila."
PHOTO/S: @cedrickgjuan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results