PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chavit-GMA movies, pagbibidahan nina Sanya-David, Dingdong-Alden

Chavit Singson, hindi umano priority ang kumita ang pelikula.
by PEP Troika
Published Sep 17, 2024
annette gozon-valdes chavit singson
GMA Pictures president Atty. Annette Gozon-Valdes and former Ilcos Sur governor Chavit Singson hold the contract for their partnership in co-producing two movies.
PHOTO/S: @pinkytobiano on Instagram

GORGY RULA

Seryoso si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson sa pagpo-produce muli ng pelikula, kaya nakipag-partner siya sa GMA Pictures.

Nakatsikahan ng PEP Troika si Manong Chavit sa DZRH noong Biyernes, September 13, 2024.

Read: GMA Pictures at Chavit Singson, magko-collab para sa 2 pelikula

Nabanggit ng businessman-politician na balak niyang bilhin noon ang GMA-7, pero hindi ito natuloy.

FIRST MOVIE COLLAB

Napag-usapan na raw nila noon pa ni Atty. Felipe L. Gozon na mag-partner sila sa film production, at natuloy lang ngayon nang nagkausap na sila ng anak nitong si Atty. Annette Gozon-Valdes.

“Nagpirma kami ng kontrata kay Atty. Annette Gozon, ako ang magpo-produce sa lahat na mga movies na sina-suggest nila.

“Yung unang i-produce namin yung title, Barkadahan ng mga Makasalanan. Baka gusto niyo makipagbarkada sa aming makasalanan,” natawang pakli ni Manong Chavit.

Hindi pa niya gaanong kilala ang mga artistang kasali sa pelikula, pero nai-post ni Pinky Tobiano, line producer ng film project, ang dinner at contract signing nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasali roon sina Chariz Solomon, Rabiya Mateo, at Betong Sumaya.

gma pictures chavit singson conract signing
GMA Pictures president Annette Gozon-Valdes (seated, leftmost) and former Ilocos Sur governor Chavit Singson (seated, second from left) hold the contract that they signed for two movies that they will co-produce. Also present at the contract signing are director Benedict Mique (seated, second from right), GMA Pictures vice-president Nessa Valdellon (seated, rightmost), Sparkle artists, and philanthropist Pinky Tobiano (standing, third from right).
Photo/s: Courtesy of Pinky Tobiano
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napag-alaman naming sina Sanya Lopez at David Licauco ang bida sa Barkadahan ng Mga Makasalanan na posibleng idirek ni Benedict Mique.

“Matagal na kaming nag-uusap ni Atty. Annette Gozon. Nung isang gabi, nagpunta sa bahay ang mga director, mga gaganap… marami kaming ipo-produce. Yun na nga ang unang pelikula yung Barkadahan ng Mga Makasalanan, pero comedy yun,” dagdag ni Manong Chavit.

Read: Chavit Singson-GMA Pictures movie collab, kaabang-abang

NOEL FERRER

Marami pa raw naka-line-up na project, at ang isa sa narinig namin ay isang malaking pelikulang pagsasamahan nina Dingdong Dantes at Alden Richards.

Sabi pa ni Chavit Singson, posibleng makipag-collaborate sila sa ilang South Korean actors at producers.

Read: Lee Seung Gi returns to the Philippines for concert and business

Kinakausap na rin daw siya ng American partners niya.

Gusto raw ni Chavit na may maitulong sa ating movie industry.

“Hindi lang natin matutulungan ang local industry natin na mga artista, pero mahahaluan pa ng mga taga-Korea, like Lee Seung-Gi o Don Lee, yun ang tunay na pangalan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Marami pang mga… naghahanap pa kami ngayon ng mga magagandang istorya para tuluy-tuloy na matulungan ang movie industry at mapaganda, dahil mapasama na ang ibang countries, like Korea, at U.S. din may kumakausap sa akin na balak pumunta rito para makagawa ng pelikula.

"So, lahat yun ipapasa ko kay Atty…. kay Annette para pag-aralan nila.

“Gusto ko tuluy-tuloy para mapaganda ang local movies natin. Lahat nakipag-partner sa akin…

"Nagpapasalamat ako kay Atty. Gozon dahil sa partnership namin, makakatulong kaming dalawa sa local movie industry na mahaluan ng mga foreigners,” excited na pahayag ni Manong Chavit.

Pero ano nga bang klaseng pelikula ang gustong ihain ni Sir Chavit at GMA Pictures?

Ito ba yung napapanahon at maa-appreciate at susuportahan ng mga Pilipino? Wait and see tayo riyan!

Read: Chavit Singson, involved sa pagti-train ng P-pop group HORI7ON sa South Korea

JERRY OLEA

Hindi raw iniisip ni Manong Chavit kung kikita siya o malulugi. Ang mahalaga ay buhay na buhay raw ang ating movie industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nalugi na ako nung Miss Universe. Bago ko makuha, sinabi na sa akin.

"Maganda sa ating bansa, pero baka malugi tayo ng 1M o 2M dollars. Di bale kako, kahit 2M, basta maganda lang sa ating bansa.

“Ang laking tulong sa media mileage sa ating bansa. Ang mahal ng gastos, kailangan ilabas sa ibang bansa ang Pilipinas.

“Dito sa pelikula, hindi natin malaman. Kaya ako gusto ko maraming pelikulang gagawin, para hindi kumita yung isa, kumita yung isa, hindi malulugi masyado. Dapat tuluy-tuloy,” sabi pa ni Manong Chavit.

Pinagkalooban si Manong Chavit ng Isah V. Red Award sa 7th The EDDYS noong nakaraang Hulyo sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts, Pasay City.

Read: Chavit Singson recalls spending US$12 million for Miss Universe 2016

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA Pictures president Atty. Annette Gozon-Valdes and former Ilcos Sur governor Chavit Singson hold the contract for their partnership in co-producing two movies.
PHOTO/S: @pinkytobiano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results